Chapter 23

188 4 0
                                    

Chapter 23

"Wala ba kayong planong mag-asawa?" napatingin ako kay Rian ng tanongin niya iyon. Nakatingin lang siya sa baboy na niluluto. Natahimik kami dahil alam naming ilan sa amin ay lalagpas na ng kalendaryo.

"I can't still see myself settling down at thirty." nakangiteng saad ni Cammi kaya natahimik kami. Marami na ngang nagsasabi sa amin na aanhin namin ang successful naming career kung wala naman kaming mauuwian... para saan pa daw ang lahat lahat...

"Alam niyo ba yung feeling na lahat ng plano mo sa buhay kasama na siya tapos biglang... Ikaw nalang mag-isa yung tumupad..." nakangusong sabi ni Yna habang nilalamon ang kimbap na nasa plato niya.

"Okay na ako... masaya na ako sa kung anong meron ako ngayon..." saad naman ni Bella at kinuha na ang nalutong baboy. Kumuha din ako at nilagay sa lettuce bago pinasok sa bunganga ko.

"Minsan masarap ang mga bagay na hindi inaasahan. Thirty is just an age." tumango kami sa sinabi ni Ella.

"Ako? Ewan, halos sex lang naman yung hanap nila..." dagdag ni Rian.

Lahat sila napatingin sa akin kaya nagkibit balikat lang ako. Halos career at pag-aaral ang inatupag ko sa loob ng labing dalawang taon pagkatapos ng lahat-lahat. Mahirap maghanap ng karelasyon sa kursong kinuha ko. Lalo na kapag oras ang hinihingi. Halos buong panahon ko itinuon ko sa pagbabasa, pag susulat ng digest dahil kaliwat-kanan ang recitation.

"Wala akong time... tsaka hindi pa ako ready." walang pakealam kong sabi ngunit ang nasa isip ko ay siya.

Napailing nalang ako kumain nalang.

"Wala kang time? Pero may hinihintay kalang?" agad akong napaangat ng tingin ng sabihin iyon ni Ella. She smirked dahil sa nakuha niyang reaksyon sa akin kaya inirapan ko siya.

"Kapag gusto madaming paraan. Pag-ayaw madaming dahilan..." sabay nilang sabi kaya umirap ulit ako.

"Sa tingin ko nga may pamilya na yun..." wala sa sariling sabi ko kaya sa natahimik sila ulit.

"Pero nangako siya..." nakangiteng sabi ni Cammi sa akin sumandal ako sa upuan at nanatiling tulala.

"Anong pangakong natutupad sa dalawang taong... hindi naman talaga handang pumasok sa relasyon?"

"I knew you love him... and he does too. I'm sure. Nangako ka at alam kong patuloy mo parin yung tinutupad... kahit walang kasigurdahuhan..." huminga nalang ako ng malalim at umiling sa kanila.

Lumilipad ang isip ko sa kanya. Kamusta na kaya ang lalaking yun? Hindi ko alam sa sarili ko kung maniniwala pa ba ako sa mga sinabi niya gayung napakaraming taon na ang lumipas. Siguro nga ay nagkaroon na siya ng pamilya sa England o sa lugar na tinitirhan niya ngayon. Successful na siya siguro. Bumuntong hininga ako dahil meron sa sarili ko ang nanghihinayang kung bakit pinakawalan ko siya. Pero kung hindi ko ginawa yun ay masasaktan lang kaming pareho at magkakahiwalay lang din kalaunan.

"Anong plano mo ngayong leave mo?" pang-usisa ni Yna sa akin dahil tahimik at kumakain lang ako. Uminom muna ako ng soda bago tiningnan siya sinagot.

"Papaunlakan ko ang booksigning na matagal ng in-offer ng publisher ko sa akin." nakangiteng sabi ko.

Sa loob ng halos dalawang taon mula ng matapos ko ang nobelang sinumulan ko noon ay naging hits siya at ng naging published books ay naging best selling. In-offer din itong maging tv adaptation ngunit tumanggi ako.

"Matagal ka ring kinukulit ng mga readers mo no?" I always interact with my readers kasi naranasan ko ding maging reader and I'm still a reader even now.

I'm always a avid fan of those big and famous local author here in Philippines. Hindi naman kasi akong magiging writer kung hindi ako na inspire sa kanila.

Bruised In SilenceWhere stories live. Discover now