Chapter 12

9 3 1
                                    

Mystica's POV

"Lahat gagawin ko para maging masaya ka."

Sampung minuto na akong nandito nakatayo lang sa may gate ng bahay ampunan at pinagmamasdan siya habang kinakausap niya ang dawang madre, si Sister Tes at Sister Marie, ang dalawang namumuno sa orphanage na ito. Nailabas na rin ni Drake ang mga pagkaing binili niya kanina sa Jollibee.

Hindi ko maiwasang pagmasdan siya. Sa bawat araw na dumadaan ay may mga salita siyang talaga namang nagpapahulog sa akin. Alam kong mali, mali na magustuhan ko ang bestfriend ko dahil siguradong ito ang tatapos sa pagkakaibigan namin pero hindi ko maiwasan. Hindi ko maiwasang mahulog sa mga salita niya, hindi ko maiwasang kabahan kapag hinahawakan niya ang kamay ko, hindi ko maiwasang mapatulala at titigan siya. Mali na magkagusto ako sa betsfriend ko.

Pero... mali nga ba?

"Mga bata bago tayo maglaro ay kakain muna tayong lahat. Gusto niyo ba iyon?" Malakas na tanong ni Drake sa mga bata nang matapos itong makipagusap kina sister. Dali-dali namang nagsilapitan ang mga bata kay Drake.

Dati ka-age lang namin yung mga bata rito noong pumupunta kami nina mama, pero ngayon, yung mga ka-age namin ay siguro naampon na. Kaya ngayon, ibang mga bata na naman yung mga nandito. 

"Opo!!!"

"Sino may gusto ng jollibee?" 

"Ako po!"  Ako kuya!/ Gusto po kuya!" 

"Sige, sige, dahil gusto niyo ng jollibee, may mga jollibeeng dala si kuya at ate! Pero bago tayo kumain, dapat nandito muna si ate sa tabi ko kasi hindi makakakain si kuya kapag wala siya sa tabi ko. Kaya dapat dalhin niyo muna siya dito" Dali-dali namang naghanap yung mga bata.

"Nandoon si ate Mistika!" Itinuro ako ng isang bata at dali-dali naman silang sumugod palapit sa akin at wala na akong nagawa nang dambahin nila akong lahat. 

"Hallah! Teka-teka matutumba tayong lahat!" 

"Ahhh!!/ Aray ko naman!/ Ang bigat niyooo!" Dahil sa bigat nilang lahat ay nagtumbahan kami. Paano naman kasi... around 25 na mga bata ang talagang dinamba ako. Dahil doon ay sumakit ang kaliwang tuhod ko, nadaganan kasi ng isang bata. Nang makita iyon ni Drake ay agad niya kaming nilapitan.

"Ayos lang ba kayo? Sabi ko kasi dalhin niyo lang ang ate niyo, dinamba niyo naman na siya. hahahaha." bumaling naman siya sa akin.

"itayo na kita---" 

"Okay lang ako kaya kong tumayo." Tumayo ako ng magisa pero dahil sa sakit na dulto ng tuhod ko ay muli akong napaupo. Agad naman niya akong inalalayan

"Kaya mo bang tumayo?" Pero hindi pa ako nakakasalita nang binuhat niya na ako ng parang pangkasal. 

"Ayieeee!!"
"Si ate binubuhat ni kuyaaaaa!"
"Tignan mo, Denbor ang sweet ni kuya!"
"Kaya nga Tisay, sana ol."

Hay nako kayong mga bata talaga. Balik na kayo kina sister nang makakain na tayong lahat ng Jollibee. Sinimulan namang asikasuhin ng mga tagapamahala yung mga bata nang makarating sila doon. Hinigpitan naman ni Drake ang pagkakahawak sa akin at pumunta na malapit kina sister. Pinaupo naman niya ako sa isang upuan nang makalapit kami kina sister.

"Jusko, hindi mo ba kayang maglakad, Mystica?" Nilapitan naman kami ni Sister Tes at Sister Marie para tanungin kung okay lang ba ako. 

"Medyo masakit lang po sister kapag tatayo nadaganan po kasi ng mga bata." napangiwi na naman ako nang subukan kong galawin yung kaliwang paa ko. Legit yung saket. Pinalo naman ni sister Marie si Drake

"Ikaw naman kasi, bakit mo naman kasi sinabi yon sa mga bata.  Ayan tuloy nasaktan pa si Mystica." habang sinasabihan ni sister Marie si Drake ay nakatingin lang ito sa akin. Tinignan ko naman siya na parang nagtatanong.

The Bestfriend's ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon