Chapter 2

20 8 1
                                    

Mystica's POV

"APO gumising ka na't bumangon diyan! Maghanda ka na't may pasok ka pa!" Isang hudyat iyon upang ako'y gumising. Light sleeper ako at madali ako magising. Kaya isang sigaw lang ng lolo ko ay magigising kaagad ako.

5:30 pa lang ng umaga at mamayang 7:30 pa ang pasok ko pero dahil medyo malayo-layo ang paaralan namin, maaga ako gumigising at nag-aayos. Friday ngayong araw at bukas ay saturday na.

*alangan naman na sunday?*

okay ang corny...

Friday ngayon at ngayong araw ay half day lang kami dahil may meeting raw ang mga teachers sa buong highschool department. Paano ko nalaman na half-day kami? Well, bago kasi ako matulog kagabi nagbasa muna ako ng mga chat sa messenger at nakita ko yung chat ng teacher namin, half-day daw kasi may meeting. Olrayt! Yayain ko mag mall si Drakey. Ay mali, siya pala ang siguradong magyayaya sa akin

*beep*

Ito na nga ba ang sinasabi ko, nagtext siya sa akin.

From: Drakey Boii
Ghorlah! Half-day ngayon, dala ka extra damit. Mall tayo. Wala kang magagawa, naipaalam ko na sa mommy mo.

Sabi ko sa inyo eh, magyayaya 'to. Ito pa! Nangunguna sa galaan.

Dahil nga sa sinabi niyang mag m-mall kami, kumuha ako ng isang shirt na color white na may print na 'CHILL' tapos isang skirt at inilagay ito sa aking bag. Hindi na ako nagdala ng doll shoes kasi naka pe uniform naman kami at bagay naman yung rubber shoes ko sa damit ko mamaya.

Every Friday ang aming pe uniform. Monday at Wednesday ang gala uniform namin at Tuesday at Thursday naman ang strand shirt namin. Nakadepende sa kulay at pangalan ang strand shirt namin. Red sa Stem, Gray sa Abm, Blue naman sa aming mga Humss, Green sa TVL, at hindi ko na alam sa iba.

Matapos kong ayusin ang aking bag, medyo maliit lang naman ito, ay nagsimula na akong mag-ayos ng aking sarili.

I did my morning routine, naligo, nagbihis at nagskin care routine, huwag na kayong magtaka dahil utos yan ng baklang si Drakey. Dati kasi hindi ako pala-ayos kaya sinama niya akong nagbubumili ng kung ano-anong paewan-ewan sa katawan lalo na sa mukha. Kaya 'yon, nasanay na rin ako hanggang sa ako na mismo ang gumagawa non sa aking sarili.

Matapos kong gawin lahat ng aking gagawin ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina. 

"Ang bango naman ng pagkain! Noodles! amoy na amoy ko kahit nasa hagdan pa lang ako!" 

"Syempre naman 'nak, ako nagluto eh." Ngiting bungad sa akin ni mama

"Huwag mo kaming pinaglololoko Marivette (ma-ri-vet) hindi ikaw ang nagluto niyan. Pinainit mo lang at pinagsama-sama yung mga ingredients. readymade na yan" sabat naman ni lolo

"Kaya nga mama, masasabi mo lang na ikaw nagluto kapag ikaw talaga gumawa lahat, gawa ka ng noodles tas gawa ka rin ng sabaw niya, ganon." 

"Hay nako! Ewan ko nga sa inyong maglolo, halika na't umupo para makakain ka na at nang makalarga ka na papuntang school mo." Pinaupo naman niya ako sa isang 4 sitter na pabilog na lamesa. Pagkatapos non ay umupo na rin ito sa tabi ko at si lolo naman ay umupo rin sa kabilang tabi ko. Bale sila ang magkaharap at ako ang nasa gitna nila. 

Habang kumakain ay biglang nagsalita si mama. 

"Oo nga pala, nasabi sa akin ni Drake na half day lang kayo at magm-mall daw kayo? Palagi na lang kayong magkasama. Pero sige, ingat kayo sa mall ah. Sabihin mo kay Drake dapat iuwi ka rin niya dito ng buong-buo." 

"Ang sabihin mo Marivette, ingat sila sa apo ko. Baka sila pa ang umuwing hindi na buo ang katawan." 

"HAHAHAHAHAHAH hindi naman po lo. Syempre magiingat naman po ako, nay. Wag kayo mag-alala."

The Bestfriend's ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon