Chapter 26

5 2 1
                                    

Mystica's POV

"--Iyon lamang po at maraming salamat"

Kinakabahan na talaga ako guys! Medyo hindi lang halata pero kinakabahan talaga ako! Pero parang hindi ko naintindihan yung sinabi ng number 4 HAHAHA-- Shocking! Pero yung puso ko kumakabog na talaga! Teka laaaang!!! Kami na ni Drake ang susunooood!!!

"Maraming salamat sa iyong napakamakabuluhang kasagutan. Ngayon naman ay tawagin na natin ang ating ika limang mga kandidato't kandidata, Charles Drake at Mystica Guinne, ang pambato ng Ika-11 na baytang seksyon 1!"

Inalalayan naman ako ni Drake palapit sa mga host. Paglapit namin ay binigyan kami ng tig-isang mic.

"Magandang hapon sa inyong dalawa."

"Magandang hapon din po." Nanginginig boses ko huhuhu.

"Ikaw ang mauuna Mr. Charles Drake, bumunot ka na sa mahiwagang bunutan na nasa inyong harapan." Bumunot na si Drake ng papel at tsaka binigay ito sa host. Katabi niya nga pala yung host tapos sa kabila naman niya ay ako.

"Para sa iyong katanungan. Kung may isang bagay na talagang pinagsisisihan mo, ano ito at bakit?"
Huminga muna ng malalim si Drake bago ito nagsalita. Natahimik naman lahat ng audience at malamang ay hinihintay ang sagot ni Drake.

"Unang-una, maraming salamat sa iyong katanungan. Kung may isang bagay na talagang pinagsisisihan ko, ito ay ang paglilihim sa taong minamahal ko. Bakit? Dahil alam ko na kapag nalaman niya ang lahat ay kakamuhian niya ako. Alam kong mali ang magtago ng katotohanan sa ibang tao at talaga namang pinagsisisihan ko ito. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito masabi sa kaniya dahil ayaw kong dumating sa punto na iwan niya ako, ayaw kong dumating sa puntong magagalit siya sa akin. Napakahirap magtago ng sikreto sa ibang tao, lalong-lalo na sa taong talagang pinapahalagahan mo. Kaya sana... sana sa puntong malaman niya na ang katotohanan ay hindi niya ako kamuhian. Sana sa puntong malaman niya ang sikreto ko ay matanggap niya ito dahil hindi ko kakayanin kapag nawala siya ng tuluyan sa akin. Ngayon, napagtanto kong kailangan ko nang sabihin ang katotohanan sa kaniya. At para sa lahat ng taong nandito ngayon at nakikinig sa akin, ngayon pa lang ay magipon na kayo--tayo ng lakas upang masabi na natin ang mga inililihim natin sa iba dahil baka mas magsisi lang tayo sa huli na hindi natin ito sinabi sa kanila. Iyon lamang po at maraming salamat." Ngumiti ito at saka nagbow.

"ANG GALIIIING!!"
"Nakakarelate!"
"Naiyak ako bigla kahit walang nakakaiyak!"
"Mapanaket ka kuya!"
"Asaet!"

Napuno ng hiyawan na may kasamang lungkot ang gymnasium. Bakit naman kasi ang sad ng sagot mo Drakey babe??? Tinignan ko siya at tumingin din naman siya sa akin. Nginitian niya ako tsaka nakipagpalit ng pwesto dahil ako naman ang sasagot.

"Wew! Napakamadamdamin at napakalungkot naman ng iyong kasagutan, kuya number 5. Pinagsisisihan niyang naglihim siya sa taong minamahal niya. Ang sad. Sana ay pagkatapos nitong patimpalak ay masabi mo na sa taong iyon ang lihim na matagal mo nang nililihim-- Pero! Hindi pa tapos ang laban dahil ang kapartner mo naman ang sasagot. Binibini, maaari ka nang bumunot ng katanungan." Bumunot na ako at ibinigay na ito sa host. Binasa niya na rin naman ito.

"Ayan! Medyo magaan naman ang tanong ngayon." Tumingin muna ito sa akin bago nagsalitang muli. Naramdaman ko rin ang kamay ni Drake na humawak sa kamay ko.

"Ito ang katanungan para sa iyo. Ano ang tunay na kahulugan ng 'beauty queen' para sa iyo?" Ngumiti naman ako sa madla bago nagsimulang magsalita.

"Una sa lahat, maraming salamat sa napakamakabuluhang katanungan. Para sa akin, ang tunay na 'beauty queen' ay hindi lang maganda, dapat siya rin ay matalino. Matalino na kung saan siya ay madiskarte sa buhay. Matalino na kung saan sa lahat ng problema siya ay may solusyon o di kaya naman ay hindi sumusuko sa lahat ng pagsubok na kaniyang dinaranas. Isa pa, ang tunay na 'beauty queen' ay hindi lang dapat maganda, dapat din ay may paninindigan at pangarap sa buhay. Paninindigan na kung saan hindi lang siya puro salita ng salita bagkus siya'y gumagalaw at tumutupad sa kaniyang mga pangako. May pangarap sa buhay na kung saan may adbokasiya siya hindi lamang para sa ikaaangat niya kundi para na rin sa mgs taong masasakupan niya. At panghuli, ang tunay na 'beauty queen' ay hindi lang maganda sa panlabas na hitsura, ang tunay na 'beauty queen' ay may puso. Beauty, kung sa wikang Filipino, ito ay kagandahan. Ang kagandahan ay hindi nababase sa pisikal na kaanyuan bagkus ito'y nasa ganda ng iyong kalooban. At isa pa, ang kagandahan ay hindi in nababase sa mga materyal na bagay. Ang mga alahas, ginto, magagarang sasakyan at kung ano-ano pa mang mga materyal na bagay ay hindi tinatanggap ng langit kaya pagisipan mong mabuti ang iyong gagawin. Mag-ipon ng mga gamit o mag-ipon ng magagandang gawain. Iyon na lamang po at maraming salamat." Mahaba kong sabi at napuno na naman ng hiyawan ang buong gymnasium.

The Bestfriend's ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon