Chapter 13

8 3 2
                                    

Mystica's POV

"Hindi ako nagloloko. Napakaganda mo"

Seryosong ulit nito sa akin na naging sanhi nang biglaang pagdating ng mga paru-paro sa tyan ko. Tila ba hinahanap nila ang kiliti ko. Kinakabahan ako. Alam ko sa sarili kong gusto ko na si Drake. Pero dahil sa nangyayari ngayon dahil sa sinabi niya ngayon... parang mas lalo pa akong nahuhulog sa kaniya. At talaga namang nakakakaba at nakakatakot kasi... kasi simula nang magbihis, gumalaw at magsalita siya na parang lalaki ay wala na siyang binabanggit tungkol sa kasarian niya. Dati palagi niyang sinasabi sa akin na 'bakla siya' lagi niyang pinapaalala sa akin kung gaano siya ka bakla at lagi niyang ipinapakita sa akin na bakla siya sa bawat kilos niya. Pero nito lang mga nakaraan ay wala na, biglang naging lalaking-lalaki kung gumalaw na akala mo hindi talaga siya bakla. Noong nagsimula iyang magbihis lalaki (sa loob at labas ng school) ay tsaka ko naman siya nagustuhan. Parang-- parang ngayon ko lang narealize. Bakit hindi ako lumayo sa kaniya? Kung ganoon na ang nararamdaman ko?

Bigla namang bumalik sa isipan ko ang naisip ko kaninang umaga lamang, 'paano kung bakla naman talaga siya at joke lang ulit itong mga sinasabi niya? Paano kung pa-fall lang talaga siya?'. Edi napaasa ako? Pero... siguro hindi ko naisip na layuan siya noong nahuhulog pa lang ako kasi dahil na rin sa best friend ko siya at siya lang talaga ang makakapitan ko sa lahat.

"Mystica..."

Takatingin pa rin siya sa akin ng seryoso dahilan para mailang ako't umiwas ng tingin sa kaniya. Paano ko malalayuan itong lalaking to kung ganito ang epekto niya sa akin.

"Uwi na tayo." Sabi ko na lang sabay talikod pero bago pa ako makahakbang ay bigla niya akong hinigit pabalik sa kaniya.

"Mystica, wala ka bang napapansin sa akin?" Iginala ko naman ang aking mga mata sa kaniya, magmula ulo hanggang paa at pabalik.

"Wala naman... bakit?" Huminga ito ng malalim bago nagsalitang muli.

"Mystica, I have something to tell you." Seryoso niyang sabi. Nage,english na kaya sigurado akong seryoso ito. Sobrang seryoso ito kapag english ang salita niya.

"Ano?" Nakatingin lang siya sa mga mata ko.

"I... *hingang malalim* I don't know where to start." Yumuko ito at hindi na dinagdagan ang sinabi.

"Ano ba yun?" Tumingin ulit ito sa aking and this time parang alam niya na ang sasabihin niya.

"I have a story."

"Once upon a time, there was a little boy who is very shy. He is very shy to the point na wala siyang kaibigan ni isa sa kaniyang pinapasukang paaralan. He's always in his room doing everything to ease his boredom. Sometimes playing chess with himself, reading almanac books, writing fiction stories on his notebooks, eating stuffs given by his maids and other boring things. In short, he is a very introvert person. But then here comes his mother's friend. His mother's friend has a daughter with the same as his age. The first time he saw her, he already liked her because she's very very cute. But then this girl is very loud and as an introvert person, he doesn't want loud people." Naglapag ito ng dalawang panyo sa damo-damo at saka umupo roon. Ti-nap niya yung tabi niyang may panyo kaya umupo rin ako roon. Tumingin muna siya sa langit bago nagpatuloy sa pagkukuwento.

"Nang maipakilala sa kaniya ang batang babae ay pinilit talaga nitong huwag siyang yakapin at huwag siyang kausapin. Bakasyon noon nang ipakilala sa kaniya ang batang babae kaya naman halos araw-araw nagpupunta yung friend ng mommy niya kasama yung anak nito sa bahay nila. Sa lahat ng oras na nandoon sila sa bahay ng batang lalaki at lagi lang itong nasa kuwarto niya. Hanggang sa isang araw, nasa bahay na naman ng batang lalaki yung friend ng mommy niya at yung batang babaeng cute na maingay. Nasa kusina ang batang lalaki noon At kasalukuyang naghahanap ng pagkain nang makakita ito ng gagamba sa aparador dahilan upang ito'y tumili ng pagkalakas-lakas. Sakto namang papasok din ang batang babae sa kusina para humingin sana ng tubig sa mga maids. Narinig ng batang babae ang tili nung batang lalaki kaya tinawanan niya ito ay sinabihan siyang bakla." Tumawa naman ng mahina si Drake. Pati ako ay natawa rin, cute kasi nung story niya. Pero parang familiar yung story.

The Bestfriend's ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon