Chapter 7

13 4 0
                                    

Mystica's POV

'Back off, she's mine'

'Back off, she's mine'

'Back off, she's mine'

'Back off, she's mine'

Teka lang goiz. Until now hindi pa rin kasi maprocess sa utak ko yung sinabi ng best friend ko. Like... why would he say those words? I mean... Does he like me? Kasi... diba hindi naman sasabihin ng isang tao yun kung wala siyang gusto rito?  Dibaaaa??? Like... ano... may best friend bang ganun yung sasabihin sa iba? Pwede... pero...

AHHHHHHH MYSTICAAAA!!! NAPAKA ASSUMING MOOOO!! Porket sinabihan lang na 'back off she's mine', ganiyan ka na? 

Pero kasi... paano pag may gusto rin pala siya sa akin? Kasi diba ang sweet niya sa akin lalo na this past few day?

Pero paano kung hindi ka lang talaga niya gusto at bestfriend lang tingin niya sayo?

Paano pag more than friends na pala ang tingin niya sa akin?

More than friends... edi bestfriend. Duhhh. Assuming!

Pero... errrr nakakainis! Bat ko na naman ba kinakausap sarili ko? Nakakabaliiiiwwwww!

"Nak!" sigaw ni mama mula sa sala. 

"Poooo??" sigaw ko rin pabalik. Syempre hindi naman niya maririnig kung ibubulong ko lang. Layo kaya namin, nandito ako sa kuwarto ko tapos siya nasa sala. 

"Magg-grocery kami ng lolo mo! Sama ka!" 

"Ma marami pa akong gagawin."

"Ayaw mo sumama? Hindi ka na nga namin nakasama ng matagal nung sabado at linggo kasi nagkulong ka riyan sa kuwarto mo. Hindi tayo nakagrocery!" Ginawa ko kasi yung project namin sa Calculus. Herap pre.

"Sige na nga po! Sasama ako! Magbibihis lang po!" 

Nagbihis naman na ako ng pangalis na shorts at t-shirt at nagsandal. 

Kung hindi niyo alam, nandito na ako sa bahay at kanina nangyari yung scene sa school na kung saan nangyari yung hilaan session nina Drake at Benedict.

Nang makuntento ako sa sarili ko ay bumaba na ako dahil sasama ako sa aking nanay at lolo na mag ggrocery. Mali, mapupulot-pulot lang pala ako ng mga pagkain. Every saturday or sunday kasi ganito ang routine namin nina mama. Pero dahil hindi ako available kahapon ay ngayon namin gagawin. Kung hindi pa rin ako available ngayon ay aalis na silang dalawa ng silang dalawa lang. 

Isa ito sa mga bonding naming tatlo na talaga namang nagpapatibay sa aming relasyon as a family. Dahil may katandaan na si lolo ay si mama na ang nagddrive. Pero malakas pa naman si lolo kaya nakakapaglakad pa ito. Nakakatakbo pa nga eh. Nambabatok pa yan kapag may nagawa kang mali.

"Tara na dahil alas-singko na. Baka masyado tayong gabihin kapag hindi pa tayo lumarga" 

Agad naman akong sumakay sa likod ng sasakyan. Sa likod na may upuan ah. Hindi sa compartment sa likod. Parang ang weird naman kung sa compartment ako sasakay. Umupo na rin si lolo sa may bandang passenger's sit at si mama sa driver's sit.

"Hoi Mystica! Bumaba ka riyan, ikaw mag sara nung gate natin." 

"Bakit ako???"

"Alangan naman na lolo mo ang magsara pa ng gate? Nakaupo na siya dito oh!"

Wala akong nagawa kundi bumaba sa sasakyan at hinintay na mailabas ni mama ang sasakyan sa gate bago ito isinara at sumakay na rin sa sasakyan. 

Haban nasa daan kami ay nagkwekwentuhan lang kaming tatlo. 

The Bestfriend's ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon