Chapter 19

6 2 0
                                    


Mystica's POV

"Hmm... hm..hmmm..."

Ngayon ay araw ng biyernes at nandito kami ni Drake sa may garden dahil lunch namin ngayon at tapos na kaming kumain. Nakahiga ako sa lap niya habang siya ay patuloy na nagsusulat ng kanta niya na kakantahin ng mga kaklase namin para sa talent portion namin. Dapat matapos niya na ito hanggang sa monday o dapat nga hanggang ngayon na lang para sa monday ay start na ng practice namin para sa sayaw. Actually sabi niya ginagawan niya na rin ng steps yung kanta habang sinusulat ito para raw mas mabilis at ituturo niya na lang daw sa akin. Hinahayaan ko na lang siyang gawin iyon at hindi ito iniistorbo. Minsan pinapakanta ko sa kaniya yung ginawa niya pero ayaw niyang kantahin. Gusto niya raw iparinig sa akin kapag natapos na lang daw para mas maganda pa kingga--

"Finiiiish!" Inangat ko naman ang tingin ko sa kaniya nang magsalita ito.

"Tapos na? Lahat?" Tumango naman ito sa akin.

"Yeah. Wanna hear it?" Tinaas-taas niya pa ang kilay niya.

"Oo naman."

"Ok... uhm... ehem..." umubo-ubo pa ito na akala mo magpeperform sa stage ih. Ahahaha

"The sun, its rays

The light that shines so bright

The fire, it flames

The heat that makes me melt."

Napakalamig ng kaniyang boses. Ang sarap pakinggan. Nakakarelax sa pakiramdam. Tsaka unang verse pa lang ng kanta alam mong masaya ang ipinipahiwatig nito kahit na may pagka-malumanay.

"And every time you smile.

My heart starts to beat fast."

Tumingin siya sa akin at ngumiti ito. Nakatingala lang ako sa kaniya habang patuloy itong kumakanta.

"Cause baby, you are my light.

You shine in my life so bright

You're the one that gives me strength,

the girl that complete's my day."

Habang kinakanta niya na ang chorus ay nagssway-sway na ang kaniyang ulo pero ang mga mata ay nakatitig pa rin sa akin. Bakas din ang ngiti sa kaniyang labi habang patuloy na inaawit ang kaniyang isinulat na kanta. Para bang bawat salitang kaniyang ibinibigkas ay talagang nakalaan para sa kin.

" 'Cause baby you-u-u are,

'Cause youuu

are my baby babe.

'Cause you-u-u-u are

You are my only babe."

Patuloy pa rin siya sa pagkanta. Pero this time parang mas mabilis na ng kaunti ang tempo ng kaniyang kanta hindi tulad kanina na sobrang lumanay.

"The stars, they twinkle

The light that shines in the darkness.

The snow, it sparkles

The cold that's embracing us.

And every time you smile.

I fall in love all over again.

Sa puntong ito ay pinaupo niya na ako sa tabi niya ngunit patuloy pa rin itong kumakanta habang matamang nakatitig pa rin sa mga mata ko. Wala ni isa sa amin ang nagtangkang magiwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit ngunit parang biglang nawala ng parang bula ang ibang mga taong nandito sa garden. Malawak ang garden kaya kahit ilang estudyante ang narito ay hindi ito magiging crowded. 

The Bestfriend's ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon