Chapter 3

19 5 4
                                    

Mystica's POV

"Date tayo"

Dalawang salita lamang yan pero napakalaki ng impact sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakakaramdam ng ganito, sa best friend ko pa mismo.

"Saan mo gustong pumunta?" Nakangiting tanong sa akin ni Drake.

"Libot-libot muna tayo. Tara sa Penshoppe." Sabi ko sabay hila sa kamay niya. Bahala na tong nararamdaman ko, hindi ko na lang muna papansinin.

Pagpasok namin sa penshoppe, dumiretso kaagad ako sa women's section nila. Sumunod naman sa akin si Drake.

Habang nagtitingin-tingin ako ng damit na babagay sa akin ay kinalabit niya ako.

"Harap ka nga sakin" sabay inilagay niya sa harapan ko ang isang damit na nakahanger na para bang sinusukat niya ito sa akin.

"Pangit, 'di bagay" Ibinalik niya kaagad iyon sa pinagkuhanan.

"Ewan ko sayo" tinawanan ko na lang siya at bumalik sa mga damit na tinitignan ko kanina.

Akala ko pumunta na siya sa men's section pero may pinuntahan lang pala siyang damit at kinalabit ulit ako. Ginawa niya ulit yun ginawa niya kanina sa akin. Pero sa puntong ito, dalawa na ang hawak niyang hanger

"Hmm... ayan, bagay. Diyan ka lang babayaran ko lang ito." Sabi niya. Ni hindi na nga niya ako hinintay na magsalita at pumunta kaagad sa counter para magbayad.

Dahil wala naman akong makitang babagay sa akin ay lumabas na lang ako at doon siya hinintay na matapos magbayad.

Pagkalabas niya ay may dala na siyang dalawang paper bag. Inilabas niya isang jacket at ibinigay ito sa akin. Yun yong isinukat niya ng tingin sa akin kanina. Jacket na pink na plain na walang hood. *ang daming 'na'*

"Suot mo yan" agad ko namang kinuha at isinuot ito. Abot hanggang pwetan ko ang jacket, pero sakto lang siya sa katawan ko. Bale naka jacket na ako tapos natatakpan na ng kaunti yung skirt ko.

Pagkatapos non ay inilabas naman niya ang isang jacket din na mas malaki ang size na may hood at isinuot ito.

"Ayan parehas na tayo ng suot." Kanina kasi ang suot niya ay t-shirt na black na may pocket sa gilid tas white shorts at nike shoes.

"Edi nagmukha tayong couple neto?"

"Edi maganda, para walang aagaw sayo." Iniangat-angat pa nito ang kilay na para bang nangaasar.

*puso kumalma ka please lang. Kaibigan mo yan, bakla yan.*

"Kung ano-ano sinasabi mo! Maghunosdili ka nga! Baklang Twoh!"
Inirapan ko pa siya para damang-dama.

"Bakit? Gusto mong magpakalalaki ako para sayo? Sabihin mo lang. Baka maisip kong iconsider 'yon. HAHAHAHAHAHAHAHA"

"Ewan ko sayo! Diyan ka na nga!" Iniwan ko siyang tawang-tawa pa rin doon sa harap ng penshoppe.

Dahil sa tuloy-tuloy kong lakad ay hindi ko napansing nakapasok pala ako sa isang jewelry store. At dahil nakapasok na ako, nakakahiya namang lumabas agad nang hindi tumitingin-tingin, diba? No choice, pasimpleng inikot ko na lang ang loob ng jewelry store.

Nasa bandang malapit na ako sa counter nang may mapansin akong napakagandang necklace sa isang tabi. Isang gold na crescent moon na may dalawang maliit na star sa magkabilang taas nito.

Simple lang siya pero napakalakas ng appeal. Pinuntahan ko ito at pinakatitigan ng maigi. Bibilhin ko na sana pero pagtingin ko ng price sa baba nito--- wag na lang pala. Hehez

The Bestfriend's ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon