Chapter 22

6 2 0
                                    

Mystica's POV

Kakatapos lang namin kumain sa cafeteria and ngayon ay pabalik na kami sa classroom para siyempre ituloy ang aming pagpre-prepare para sa Buwan ng Wika sa friday. Excited ako na kinakabahan grrrrr. Yung buwan ng wika celebration na yun ay syempre exclusive lang para sa highschool students. Sa ibang naman gaganapin ang Buwan ng Wika para sa elementary. Yung sa college ay ang alam ko hindi na sila magcecelabrate pero meron lang silang requirement ata? Hindi ko sure. 

Nang makarating kami sa classroom ay agad kaming sinalubong nina Jenny at Nadia.

"Mystica! Drake! Andiyan na pala kayo! Try niyo nga isuot itong mga idadamit niyo para makita namin kung may adjusments pang kailangang gawin bago sa friday." Oo nga pala, naunang bumalik sina Nadia at Zoe dito sa classroom dahil may kainailangan daw silang ibahin sa gown ko. 

"Sige, pasok na babe." Inilahad niya pa ang kamay papasok sa classroom kaya pumasok na ako, pumasok na rin siya pero hindi na siya sumunod sa akin dahil sumama na siya kay Jenny para subukan ang Barong na susuotin niya. Ako naman ay sumama kay Nadia para isuot ang gown ko syempre.

"girls, harangan muna natin ng kurtina si Mystica habang nagbibihis siya." Isa-isa namang kumuha ng kurtina yung mga babaeng kaklase namin para takpan ako paikot. Nang matakpan na ay ako at si Nadia na lang ang nandito sa loob, sinukat ko na rin ang gown na gawa nila.

Nung una ay medyo nahirapan pa ako itong isuot dahil medyo mahaba kaya inassist ako ni Nadia.

"There. Perfect! Gandha kah ghorl?! Girls baba niyo muna para makita niyo." Binaba naman nila ang mga kurtinang pinagtagpi-tagpi para takpan ako.

"Ang gandaaaa!!!"
"Sana ol reyna!"
"Shet Binibining Wika na this!"
"Hallah ang ganda mo, Mystica!"
"Oo nga sana ol na lang."

Hindi pa tapos pumuri ang mga girls sa akin nang biglang sumingit si Harold, kaklase rin namin.

"Hoi! Hintayin niyo si Drake, nagpapalit din siya." Tinignan ko ang pwesto ng mga boys at nakita kong nakaangat din sila ng kurtina para harangan si Drake na sa tingin ko ay nagpapalit din ata.

Naghihintay kang kaming mga girls habang nakatingin sa pwesto nila hanggang sa ibinaba na rin ng mga boys ang kurtina para may Drake.

Shet ang hawt!! Why naman so hot aking boyfriend?

Sakto namang napatingin sa akin si Drake. Ngumiti ito at shet, yung puso ko nalaglag. Ang gwapo niya sa suot niyang Barong Tagalog. Napakamanly tignan. Hindi ko lam kung matatawa ako sa naisip ko o kikiligin kasi naman mukha siyang sobrang karespe-respetadong politiko sa suot niya. Para siyang Presidente ng Pilipinas tapos makiki-attend ng meeting para sa ASEAN Summit na gaganapin next year. Ganon ang datingan niya!

Nagulat ako nang lumapit ito sa akin at saka nagbow sa harapan ko. Yung pagbow niya ay yung parang prinsipe na inilagay pa niya ang kaliwang braso sa likod at ang kanang braso naman ay sa harap.

"Binibini, maaari ko po bang hingin ang iyong pangalan? At naway mabigyan mo ako ng pagkakataon na maipahayag ko sa iyo ang damdaming bumuhos sa aking kalooban matapos kong masaksihan at masilayan iyong nakabibighaning mukha kasama ang iyong napakagarbong kasuotan. Kahit na walang kolorete sa iyong mukha ay umaapaw pa rin ang iyong kagadahan, aking binibini." Nagbow ulit ito at sa puntong iyon ay hindi na niya inangat ang kaniyang ulo.

"Ayiee! Sana ol!"
"Sana ooool!"
"Ang lalim!"
"Nosebleed ako!"
"Pengeng tissue guys!"
"Kaya naman pala kasi nagpractice pa ng sasabihin si koyah!"

Tawanan naman lahat nang sinabi iyon ni Akhi. Ako naman ay pinatayo siya kaagad. Nakakahiyaaaa!

"Hoi! Hallah ka! Umayos ka nga ng tayo!" Matapos kong sabihin iyon ay iniangat naman na niya ang kaniyang mukha. Nakangiti ito nang bumaling sa akin.

The Bestfriend's ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon