Chapter 15

10 3 3
                                    

Mystica's POV

"I'll do everything for you to say yes."

Kahit hindi niya sabihin ay 'yes' pa rin naman ang sagot ko sa tanong niya. Ang gusto ko lang din naman ay maranasan ang may manligaw sa akin. Iyon lang at saka sasagutin ko na siya. Pero ngayon, tignan muna natin kung paano nga ba manligaw ang isang Charles Drake Jordan.

Thursday ngayon at umagang-umaga ay nandito na agad siya sa bahay namin.

"Bakit kasi ang aga-aga mo? Yan tuloy nagmadali pa ako magbihis!" Inis kong sabi sa kaniya. Eh paano ba naman kasi 6 AM pa lang nandito na siya and take note kasama niya ngayon ang pinakamamahal niyang sasakyan.

"Wala lang gusto lang kitang sunduin. Tsaka gusto kitang makasabay sa pagpasok." Sabi niya at saka inistart ang sasakyan.

"Eh sobrang aga mo eh!" So yun lang yung dahilan niya bakit siya pumunta ng maaga sa bahay? 6:30 AM na at kanina at 6 AM nasa bahay na siya. Alam niyo ba ang nangyari kanina? Ganito

*FLASHBACK*

5:45 AM ako nagising dahil na rin sa napasarap ng tulog at dahil sa panaginip kong--hindi ko na maalala yung panaginip ko.

Kakasimula ko pa lang maligo sa cr sa kuwarto ko nang kumatok si mama sa pinto ng cr ng kwarto ko.

"Nak! Nandito si Drake, umaakyat ng ligaw." Dahil nga kakasimula ko lang ay inaantok pa ako at hindi pa masyadong gising ang kaluluwa ko kaya hindi ko naintindihan ang sinabi ni mama.

"Okay, ma." Tamad kong sabi. Syempre inaantok pa ako, hinihila pa ako ng kama ko kahit wala dito as cr yung kama.

"Anong okay?! Nandito si Drake, hoi! Nakakahiya naman sa bisita mo! Bilisan mong maligo diyan dahil yung manliligaw mo ay umaakyat ng ligaw ke-aga-aga pa lang. Susunduin ka ata para sabay kayo pumasok! Bilisan mo diyan, Mystica!" Pinalo pa niya ang pinto ng cr ko ng malakas dahilan para magising ako.

ANO??? SI DRAKE NANDITO?? ANG AGA PA LANG GRABEEEE!!!

Binilisan ko kaagad maligo at mag-ayos. Pagbaba ko ay nakita ko siyang naka suot ng strand shirt uniform namin, nakaupo sa sahig na may rag at sinasamahan si lolong i-assemble ang lego nito. Nang mapansin niyang pababa na ako ng hagdan ay maingat siyang tumayo at kinuha ang isang bouquet ng rosas sa upuan na nasa likod niya saka lumapit sa akin. Hindi ko napansin na may rosas doon, napansin ko na lang nung kinuha niya.

"Flowers for my babe. Good morning, Mystica babe." Bungad niya paglapit sa akin sabay inilahad ang bouquet na hawak niya.

*END OF FLASHBACK*

Ganiyan ang nangyari, kaya end up, hindi pa ako masyadong nakaayos.

"Gusto lang naman kitang makita ng maaga kaya pumunta ako ng maaga." Pinausad niya na ang sasakyan at nagsimulang lumarga.

"Pero sobrang aga naman nung 6 AM! Hindi pa gising kaluluwa ko noon eh! Tsaka tignan mo hindi ako masyadong nakaayos kamamadali ko" Gigil pa rin kasi ako, ang aga-aga kasi. Ayan kasi! Pero... kinilig naman ako sa pa flowers ni mayor Drake. Lakas maka bouquet of flower sa umaga eh. Actually kandong ko ngayon itong flowers. Wala lang bet ko lang dalhin sa school. Papainggit ko lang, charrot! Dinala ko na itong flower ang bango kasi. Kaya kahit na medyo inis ako sa kaniya dahil sa pambubulabog niya sa akin ng maaga ay okay lang kasi may pa flowers naman. Hindi ko masyadong bet ang mga flowers pero never ko pang na-experience ang mabigyan ng flowers ng ibang tao bukod sa tatay ko kaya...

Keneleg eke kehet dete leng se pe flewers.

"Okay lang naman kahit hindi ka magayos--*sinulyapan niya ako*-- maganda ka pa rin naman." Ngumiti muna siya bago ibinalik ang tingin sa daan.

The Bestfriend's ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon