Chapter 10

12 3 0
                                    

Mystica's POV

'I like you, Mystica'

Nakakagulat. Nakakalula. Nakakagimbal. Nakakagulantang. Nakakablangko ng isipan. Nakakawala sa tamang pagiisip. Nakakaubos ng salita. Pero iisa lang ang hindi ko maramdaman, ang 'nakakakilig sa damdamin'.

Nakangiting nakatingin lamang siya sa akin. Nandito kami ngayon sa loob ng ferris wheel sa loob pa rin ng amusement park pero hanggang ngayon ay lutang pa rin ako. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa sinabi niya kanina. Sinabi niya lang naman sa akin na gusto niya ako. Pero paano? Kailan? Saan? Bakit?

Paano nangyari iyon? Kailan nagsimula 'yon? Saan nagsimula 'yon?At bakit... bakit ako?

"Gusto mo ako?" Lutang kong tanong sa kaniya. Hanggang sa puntong ito ay processing pa rin ang aking utak. Magkatapat kaming nakaupo rito sa loob ng ferris wheel.

"Oo, gusto kita"

"Hindi mo ko gusto. Kaya mo lang nasasabi yan ay dahil sa sinabi ni Nadia na may gusto ako sayo. Hindi mo ako gus--"

"Gusto kita. Gustong-gusto kita. Matagal na, simula pa nung mga grade 7 pa lang tayo. Kailanma'y hindi tayo naging magkaklase pero hindi iyon naging sapat para hindi kita gustuhin. Crush kita, idol kita dati kasi maganda ka, cute, active ka pa sa school tapos ang ganda mo pa tumawa. Araw-araw ay gusto kong lapitan ka, pero dahil sa lintik na bestfriend mo ay hindi ako makaporma. Araw-araw akong ginagambala ng aking utak, lalapitan na ba kita, kakausapin, magpapakilala na ba ako sayo? Araw-araw pinipilit kong kalimutan ka pero sa tuwing dumadaan ka sa corridor namin, sa tuwing pumupunta ka sa classroom namin para magtawag ng students, sa tuwing tumatawa ka kasama ng kaibigan mo, sa tuwing masisilayan kita, mas lalo akong nagkakagusto sayo."

"Pero... pero bakit mo sinasabi ito ngayon? Bakit ngayon lang? Bakit... para saan pa? Kung gusto mo rin naman akong kalimutan, edi sana tinuloy-tuloy mo na, bakit mo pa sinasabi ito ngayon?"

"Dahil natauhan ako. Noong sinabi ni Nadia na may gusto ka sa akin ay tumalon-talon ang puso ko noong mga oras na iyon. Noong dineny mo yung sinabi ni Nadia ay doon ako natauhan. Siguro nga kaya hindi mo ako magustuhan kasi paano mo nga naman ako magugustuhan kung hindi ako magpapakilala. Siguro kilala mo lang ako sa school as babaero, papalit-palit ng babae, walang utak, papansin, mayabang, mapangasar, walang magawa sa buhay. Pero yun ang ang alam kong paraan para mapansin mo ako. Kung hindi dahil sa vestfriend mo ay hindi mo pa ko kakausapi. At doon sa sinabi mong nagustuhan lang kita dahil kay Nadia, hindi yun totoo. Matagal na kitang gusto, at dahil kay Nadia nagkalakas ako ng loob na sabihin ito sayo lahat ngayon."

"Pero... hindi kita gus--"

"Kaso... kahit pala sabihin ko sayo na gusto kita ay wala pa ring mangyayari. Kasi may nagugustuhan ka nang iba, hindi ba?" Dahil sa sinabi niya ay napayuko ako. Ramdam ko ang lungkot sa kaniyang mga binibigkas na salita. Ramdam ko ang pagpapakatotoo niya. Sa puntong ito, ibang Benedict ang kaharap ko. Hindi yung Benedict na laging highblood, laging nangaasar, laging mayabang at laging kapogian lang ang nasa isip. Ang Benedict na nakikita ko ngayon ay ang Benedict na may puso at nasasaktan din.

"Kaya kita niyaya ngayon hindi dahil gusto kong pilitin ka na sabihin mo na gusto mo ako. Niyaya kita ngayon kasi gusto kong malaman mo na may taong katulad ko na nagkakagusto't humahanga sayo. Niyaya kita ngayon kasi gusto ko na kahit isang araw lang, makasama ko ang babaeng matagal ko nang tinititigan ng palihim. At gusto ko na malaman mo na hindi kita pipilitin na gustuhin mo rin ko. Alam ko na may nagugustuhan ka na at alam ko ring hindi ako iyon. Niyaya kita para tapusin at pakawalan ko na ang damdamin matagal ko nang kinikimkim. At ikaw iyon, ang pagkagusto--ang pagmamahal ko sa iyo."

"Ben..." yumuko na lang ako sahil wala talaga akong masabi. Hindi pa tapos magprocess yung 'I like you' kanina tapos ngayon mas marami na naman. Nakakagulat lang kasi... siyempre hindi kami talaga naging magkaklase pero kahit na ganoon nagustuhan niya pa rin ako. Also I felt sorry for him, 'cause I know for myself na I can't give back the like--or the love that he's giving at this moment.

The Bestfriend's ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon