Chapter 14

9 3 5
                                    

Mystica's POV

"Yes"

"Anong yes? Yes as in tayo na?" Gulat na sabi nito pero may napakalaking ngiti sa labi. Pinalo ko naman siya sa isipin niyang yun.

"Yes as in pumapayag ako na ligawan mo ako. Syempre dapat ligaw muna. Kahit na bestfriend kita, gusto ko pa rin namang maranasan yung pagkakaroon ng manliligaw." Natawa naman ito sa sinabi ko.

"Huwag kang mag-alala kahit sagutin mo ako ngayon. Araw-araw pa rin kitang liligawan." Ngumiti ito sa akin saka nagfinger heart sign. Enebe nemen yen Dreyk beket mey pe genyen. 

"Hay nako! Ewan ko sayo! Tara na uwi na tayo, alas-syete imedya na rin." Bumalik naman na kami kaagad sa sasakyan niya at nagsimulang maglakbay pauwi sa bahay namin--ko-- basta sa bahay nina mama. 

Habang nasa daan kami ay nakaharap lang ako sa may bintana habang nakapikit ang mga mata, iniisip kung ano ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw at linggo. Parang ang bilis kasi... isang linggo lang makalipas nang magsimulang magbihis lalaki si Drake nang magustuhan ko siya. Tapos ngayon malalaman ko na hindi naman pala talaga siya bakla at all this time nagpapanggap lang itong bakla. Sa tagal naming magbestfriend, never kong naisip na lalaki pala talaga siya---

Teka... naalala ko yung tanong ni mama kanina. 

"Paano kapag lalaki naman pala talaga si Drake at nagpapanggap lang na bakla? Ano mararamdaman mo?"

May alam kaya si mama? Alam niya kayang nagpapanggap lang si Drake? Pero kung may alam siya, bakit ngayon lang siya nagtanong about doon? Bakit hindi pa dati? Eh simula naman 'daw' sa una nagpapanggap na si Drake (Sabi niya). 

Tinignan ko si Drake, only to find our na nakatingin din siya sa akin kaya naman napaiwas ako at tumingin na lang sa harapan, kaya naman pala nakatingin sa akin si Drake kasi nakatigil ang sasakyan namin. 

Bumalik na naman ako sa pagiisip. Ngayon, prinoproseso ko naman kung ano ang sinabi ni Drake sa akin kanina. 'Yung batang lalaki sa kuwento niya ay siya at yung batang babaeng nagugustuhan niya ay ako'. Bata pa lang siya ay gusto niya na raw ako at akala niya okay lang na ganoon ang set up namin hanggang sa may magustuhan akong ibang lalaki--- sino? Wala naman akong nagugustuhang lalaki. Tsaka nagsimula lang naman siyang magbihis lalaki nang malaman niyang--si Benedict. Si Benedict yung akala niyang nagugustuhan ko. 

Gusto ko rin si Drake. Alam niyo yang dahil saksi kayo sa kung paano ako mahulog sa kaniya pero gusto ko namang maranasan ang maligawan. Buong buhay ko kasama ko lang yang baklang-- lalaki palang yan kaya wala akong pinapayagang manligaw sa akin. Hindi ko naman kasi gusto yung mga yun.

Nakarating kami sa bahay ng mga alas-otso na ng gabi. Akala ko ay deretso na siyang uuwi kaso nagulat ako nang patayin niya ang makina ng sasakyan, lumabas at pumunta sa side ko at pinagbuksan ako ng pinto. 

"Baba na." inilahad niya pa ang kamay niya sa akin at inalalayan akong bumaba. Nahihiwagaan ako sa mga kilos niya. Hindi ako sanay... nakakailang, nakakakilig.

"Papasok ka pa?" tanong ko sa kaniya nang maisarado niya ang pintuan ng passenger's seat. Tumango naman ito sa akin at ngumiti. 

"Magpapaalam ako sa mama at lolo mo." napakunot naman ako sa sinabi niya.

"Magpapaalam saan?"

"Liligawan kita, hindi ba? Magpapaalam ako sa kanila na liligawan kita." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Magpapaalam siya na manligaw sa akin?

"D-diba ang alam nila mama bakla ka? Hindi ba pwedeng bukas na lang? Or sa susunod na bukas?" dahil sa sinabi ko ay ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. 

The Bestfriend's ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon