Magic Creams

14 0 0
                                    

"Andito na ako, ma!" bati ni Toni sa kanyang ina nang buksan niya ang kanilang pinto. 6:40 PM na at kaka-uwi niya palang galing sa university na pinapasukan.

Agad din naman na naglakad patungo sa kaniya ang ina mula sa kusina. "Oh," inilahad ng ina ang kanyang kanang kamay sa harap ni Toni at nagmano naman dalaga. "Kamusta thesis defense niyo 'nak?" nakangiting tanong ng kanyang ina habang may hawak na sandok sa kabilang kamay.

Inilapag muna ni Toni ang kanyang backpack sa sofa at sinamahan papuntang kusina ang kanyang ina. "Okay lang naman ma, pasado kahit papano. Nakakapagod 'yon pero kinaya ko! Oh diba, masipag kaya 'tong anak mo!" pagbibiro niya na dahilan para humagikhik ang silang dalawa.

"Sige, akyat ka na muna sa kwarto, magbihis ka at magluluto pa ako. Tatawagin na lang kita pag handa na ang hapunan, ha?" tinanguan lang ni Toni ang sinabi ng ina. Pumasok na siya ng kaniyang kwarto at nagbihis pambahay. Wala naman siyang ibang ginagawa kapag nasa bahay na siya kundi ang buksan ang kanyang laptop at mag-internet.

"Ah ganun ah, wala ka na talagang balak basahin ang message ko." sabi niya sa kaniyang sarili. Kahapon pa naiinis si Toni sa taong ka-chat niya sa Facebook. Kahit halatang online, hindi parin binubuksan ang message ng dalaga. Nainbox-zoned kumbaga.

Dahil bored siya, pinuntahan niya ang public page ng The Wattpad Files. Hindi siya nagse-send ng mga confessions roon, nagbabasa lang siya. Marami na siyang nabasa na mga confession na tungkol sa mga dummy accounts na nagkakagustuhan. Aminado siya na medyo nakaka-relate siya sa mga posts dahil may nagugustuhan na rin siyang kapwa dummy user. Kahit hindi pa niya nakikita ang mukha ng nakaka-chat sa halos na anim na buwan, unti-unti nang nahuhulog ang kanyang loob.

Habang nagso-scroll down sa kanyang News Feed, nagulat siya sa kanyang nakita.

Magic Creams WP is in a relationship with Princess Sunshine WP.

"Toni, anak. Nandito na ang papa mo, handa na rin ang dinner. Bumaba ka na." bigla siyang natauhan sa narinig niyang katok sa pinto at boses ng kaniyang ina. Kinurap-kurap pa niya ng maraming beses ang kanyang mga mata at kinusot-kusot pa. Baka sakaling namamalikmata lang siya sa kanyang nakita.. pero hindi eh.

Habang kumakain ng hapunan, hindi pa rin mawala sa isipan ni Toni ang kanyang nakita sa Facebook. Lagi niyang iniisip kung seryoso nga ba 'yon o kalokohan na naman ni Magic Creams WP.

Hindi na binuksan ni Toni ang kanyang laptop mula nong natapos siyang makipag-usap sa kaniyang mga magulang. Pagod siya kanina sa school kaya naisipan niya na lang na matulog agad kahit alas onse pa lang ng gabi. Sabado rin naman bukas pero kahit sa pagtulog, walang ibang tumatakbo sa utak niya kundi ang tao sa likod ng pangalang Magic Creams WP.

Bandang 8:30 ng umaga nagising si Toni. Marami ang bumabagabag sa isipan niya. Tuluyan na ba talagang nahulog ang loob niya sa taong hindi pa niya nakikita at nakikilala ng lubos? Curious din siya sa nakita niyang relationship status kagabi. Kinuha niya ang kanyang cellphone mula sa side table at binuksan ang Facebook app.

Natambakan siya ng napakaraming messages. Kadalasan doon ay galing sa mga gc o group chats na kanyang sinalihan pero may naka-agaw sa kanyang pansin. Iyon ay ang reply na nagmula sa taong hinihintay niya na two days ago pa.

12:48 am

Anong ginagawa mo?


1:16 am

Busy ka?

1:32 am

Andyan ka ba? Huy. 

Huy!


2:27 am

Tulog ka na yata e. Ang aga naman. Wala na tuloy akong kausap ngayon sa mga oras na to.


4:06 am

Sige na, matutulog na rin nga lang ako. Ge.

Halu-halong emosyon ang naramdaman ni Toni. Inilapag niya sa higaan ang kanyang cellphone at nagtungo sa malaking salamin katabi ng kanyang closet.

"So ganon nalang 'yon? Hinahanap niya ako kasi wala siyang makausap sa mga oras na 'yon? Kainis naman 'tong taong 'to!"

Ganoon nga lang ba iyon? Hinahanap lang siya kapag bored at walang maka-usap 'yong tao? Hindi maintindihan ni Toni ang kanyang nararamdaman. Bakit siya naiinis e useless lang naman 'yong pagka-inis niya sa tao.. sa cyber world. People come and go sa mundong ginagalawan niya, paano nalang kapag online?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One to many shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon