MT - 5

307 21 16
                                    

Play the video for more feels, lol.

--

Iyak ng iyak si Issa nang malaman niyang wala na ang baby niya. Nakakalungkot at nakakapanghinayang din para sa amin ngunit kailangan naming maging matapang para sa kanya. May dahilan naman siguro kung bakit nangyari 'yon.

Nasa kwarto ako ni Issa. Nakahiga siya at patuloy parin sa pag-iyak kahit isang linggo na ang lumipas. May kumatok sa pintuan kaya naman tumayo ako at binuksan ito. Kayumangging bata na nasa walong taong gulang, si Anton ang bumungad sa'kin.

"Ate Rose, pinapatawag po kayo ni Nay Mila. May sasabihin po siya, sa kwarto niya daw kayo mag-uusap." mahinahon niyang sabi. Ginulo ko ang buhok niya at pinapasok ko siya sa loob para siya naman ang magbantay kay Issa.

Nagtungo ako sa kwarto ni Nanay Mila. Kumatok muna ako, pinapasok niya din naman ako. Nakaupo siya sa kanyang kama at tinatapik-tapik niya ang higaan. Pinapahiwatig niya na umupo ako sa kanyang tabi. Sinunod ko naman siya.

"Alam mo ija, naaalala ko talaga ang sarili ko kapag nakikita ko si Issa. Bakit? Pareho kasi kaming na-rape. Pero nailuwal ko naman ng maayos ang bata. At alam mo ba kung ano ang masaklap dun?" Paliwanag niya sabay tanong.

"Hindi po, bakit?" Sabi ko sabay iling ng aking ulo.

"Kasi noon.." putol niya dahil bumuntong-hininga siya. "Noong dalawang buwan na ang anak ko, kinuha siya ng mga magulang ko. Oo galing ako sa marangyang pamilya at ikakasal na sana ako noon kaso na-rape kaya itinakwil nila ako. Dito narin ako nag punta. Sabi naman ng pamilya ko, inalagaan daw nila si baby Nico, yun ang ipinangalan ko sa kanya ngunit pinalitan iyon ng mama ko. Hindi nila pinaalam sa akin pero pinapadalhan naman nila ako ng mga litrato ng anak ko habang lumalaki siya." dagdag niya habang unti-unting napupuno ng luha ang kanyang mga mata.

Di ko napigilang magtanong. "Pwede po bang makita ang mga pictures?" Naku-curious din kasi ako dahil sa pagsabi ni Nay Mila ng nakaraan niya, bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Sige, teka.." sabi niya sabay tayo at pumunta siya sa maliit na mesa na may drawer. Binuksan niya iyon at kinuha ang mga piraso ng mga litrato. Naglakad na siya pabalik sa akin at umupong muli. "Heto oh" sambit niya habang inaabot sa akin ang ilan ng mga litratong hawak niya.

Hindi ko malaman kung bakit bigla akong kinabahan at mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso. Tinanggap ko ang mga litrato at nang makita ko ang mga iyon.. nanlaki ang aking mga mata at naging abnormal ang paghinga ko.

"Gwapo siya, hindi ba?" Tanong niya tsaka yumuko ng bahagya para tingnan ang isang litrato ng anak niya noong baby pa ito. Hindi ko siya sinagot dahil hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko.

Nagsalita siyang muli, "Naaalala ko pa nga ang mga sinabi ko sa kanya noong karga-karga ko pa siya.." tumigil siya kaya napatingin ako sa kanya. Tumulo ang kanyang mga luha. "Sabi ko kasi sa kanya.. anak, sana'y hindi ka maging katulad ng ama mo na matapos manggahasa o matapos makabuntis ng babae'y iiwan mo. Sana maging responsable kang ama kung sakaling magkakaroon ka man ng pamilya at sana lumaki kang marespeto at mabait. Mahal na.. mahal kita..anak.." sabi niya sa pagitan ng mga hikbi.

One to many shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon