MT - 4

304 24 11
                                    

Nandito kami sa likod ng building. May garden kasi dito, may playground, at malikng fountain na may dalawang puting anghel na estatwa sa gitna. Maliit lang ang espasyo pero nakakapagpaluwag ng damdamin.

Marami ding bata. Sila yung mga batang inabanduna ng kani-kanilang magulang. Inalagaan at pinalaki sila ng mga Nanay na tulad ni Nanay Mila. Wala na daw silang pamilya at iniwan na rin kaya daw dito nalang nila inialay ang kanilang oras habang nabubuhay pa sila.

Napakasaya ng paligid ko ngayon. Maraming tawanan, chikahan, chismisan tungkol sa mga napapanuod sa telebisyon, may mga kumakanta, sumasayaw.. basta. Napakagaan ng pakiramdam at napakatiwasay.

Kasama ko si Clarissa. Nakaupo kami sa bench. Hinihimas nanaman niya ang tiyan niya. Di na tuloy ako makapaghintay na iluwal niya ang bata! Nakatingin lang siya sa langit. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Ang amo talaga ng mukha niya. Yung para bang walang pinoproblema.. kaya naman nginitian ko din siya.

"Matanong nga kita, Rose. Anong klaseng pamilya meron ka?" Tanong ni Issa.

Yumuko ako at muling tumingin sa kanya. "Ako ang unica ija nina mommy at daddy. Pareho silang nagmamay-ari ng kompanya kaya naman lagi silang busy. Hindi na nila ako nagagabayan habang lumalaki ako. Mga 8 lang siguro ako nun nung si Yaya Norwina na ang nag-alaga sa'kin." Sagot ko sa kanya habang pinaglalaruan ko ang tip ng aking buhok.

"Talaga? Kung ganon, mayaman ka pala! Ang swerte mo din kaya!" Aniya.

"Pano ako suswertehin eh kapag may assignments ako nun, lagi nilang sinasabi na busy sila. Tapos pag kumakain naman kami ng dinner, paminsan-minsan nalang kami nagkakasabay. Pag nagkasabay naman, ayun.. busy parin. Eh kasi kahit nasa hapag kainan,  nakapatong din sa mesa ang mga laptop at cellphone nila. Kaya nga.." putol ko sa sinabi ko. Bahagya akong yumuko.

"Kaya nga ano?" Tanong niya.

"K..kaya nga, nagrebelde ako nung 16 pa ako. Lagi akong late umuwi kakagala sa kung saan-saan kasama ang barkada. Natry ko ring mag smoke at uminom sa edad na yun. Tapos, nainlove ako. Yung first boyfriend ko naman nakipaghiwalay dahil hindi ko daw maibigay yung pangangailangan niya. Yung.. alam mo na. Tapos, nainlove ulit ako two months before ng birthday ko" Sagot ko sa kanya habang iniikot ang isang strand ng buhok.

"Oh, eh pano ka naman naging ganyan? Binigay mo ano?" Tanong niya habang umiiling.

Napabuntong-hininga naman ako. "Oo eh. Lasing kase ako nun kase nga birthday ko. Nagising nalang ako sa isang kwarto na hindi ko alam kung kanino. Tapos katabi ko pala si Nate, hubo't hubad kami." Napasapo ako ng mukha. Nakakahiyang alalahanin!

"Buti nga alam mo kung sino ang ama ng dinadala mo kesa sa akin. Ni-rape kasi ako Rose.. sinabi ko lang na iniwan kami ng tatay ng dinadala ko pero ang totoo niyan, hindi ko nga siya kilala.." aniya. Nagulat ako kaya napatingin ako sa kanya. Malungkot siya pero nakangiti parin. "Nagtataka ka ba kung bakit nakangiti parin ako kahit may pinagdadaanan ako?" Tanong niya at tumango naman ako. "Kasi Rose, biyaya ang baby. Biyaya siya ng Diyos para sa akin. Di natin alam.. baka nga swertehin ako dahil sa kanya, di'ba?" dagdag niya habang tumatawa kaya naman tumango ulit ako.

"Oh mga buntis diyan! Halina kayo at handa na ang pagkain para sa munti nating selebrasyon!" Tawag ni Nanay Mila sa amin, dahilan para mapatingin kami sa kanya. May selebrasyon dito dahil birthday ng batang iniwan sa may gate nila. Sinabihan kase ako ni Issa bago kami pumunta dito. Inalalayan ko si Issa para makatayo.

Habang naglalakad kami papunta kina Nay Mila, hinigit ni Issa ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya at bakit parang.. namumutla siya?

Umungol siya kaya naman nataranta akong bigla. "A..aray!" sigaw niya. Tinapik-tapik ko ng mahina ang likod niya. "Yung.. yung ba..baby.." dagdag niya habang nakahawak sa tiyan niya.

Sumigaw ako. Tinawag ko sina Nanay Mila at ang iba pa dahil biglang nahimatay si Issa. Mabuti nalang at nasalo ko siya kahit napaupo ako. May dugo sa hita niya hanggang sa paa. Nagulat ako at ang mga tao sa paligid. Parang nawala ang mala-langit na pakiramdam ko kanina at para bang sinunog ang lahat ng iyon. Napakalakas at napakabilis ng tibok ng puso ko.

Nakunan siya.

Nawala ang baby niya.

Bakit?

Bakit di man lang siya pinagbigyang mabuhay para masilayan ang mundo at para makita kung gaano katapang ang ina niya?

One to many shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon