"Sino ang nakakaalam ng sayaw na Cariñosa?" tanong ng aming MAPEH teacher na si Ms. Villarino. Music day kasi namin ngayon at magpe-present kami ng sayaw. "Yes, Mr. Adorno?" napatingin ang lahat sa kanyang gawi.
"Alam ko po ang Cariñosa. In fact, I can dance it well." pagyayabang niya na dahilan para maghiyawan ang aming mga kaklase. Eh kasi taga Portugal naman siya at nandito lang sa Pilipinas dahil isa siyang exchange student sa academy namin. Siya si Gui Adorno. Pronounced as "Gi", ang pure Portugese na may pusong Pilipino.
"Sure, why don't you try? Ah! Si Ms. Diaz nalang ipartner mo." sa pagkakarinig ko ng pangalan ko, agad akong napatayo. Naghiyawan nanaman yung mga kaklase namin. Pag kami talaga ang magkapartner ni Gui, lagi kaming tinutukso. Ewan ko nga kung bakit eh sa pagkakaalam ko, hindi naman ako gusto ni Gui tsaka wala din akong gusto sa kanya. Wala naman ding malisya yung pagkakaibigan namin dahil lagi kaming magkasama.
Sabihin na nating, bestfriend ko siya. Ako lang kasi ang naging kaibigan niya mula nung dumating siya sa academy. Hiwagang-hiwaga nga ako sa kanya kasi nga, isang banyaga ang magiging bestfriend ko. Ako naman, itinuturing nilang nerd. Kapag ba nakaglasses, nerd na agad? Di ba pwedeng malabo lang talaga ang paningin?
Nagsimula na kaming sumayaw ng Cariñosa. Halos mapamura na nga ako sa aking isipan sa katigasan gumalaw ni Gui tapos yung mga kaklase naman namin ay humahagikhik ng mahina pero dinig ko naman. Nangingiti-ngiti pa nga siya habang sumasayaw. Hindi ako sure kung naririnig man iyon ni Gui dahil dedma lang siya at patuloy parin sa pagsasayaw hanggang sa umabot na kami sa part na may panyo nang kasama.
Saglit kaming tumigil dahil binigyan kami ng panyo ni Ms. Villarino. Agad naman itong tinanggap ni Gui at tinanguan ako. Sinagot ko rin siya ng isang tango at muli nanaman kaming nagsayaw. T'wing natatakpan ang mukha niya ng panyo natatawa talaga ako. Kasi naman, napakatangkad niya tapos nagiging mataas yung pagkakahawak niya ng panyo at lagi siyang sinusuway ni Ms. Villarino.
Lunch time na at magkasama nanaman kami ng bestfriend kong banyaga sa cafeteria. Napakadami paring nagpapa-pansin sa kanya pero dedma lang ulit siya. Minsan nga napapaisip ako kung bakla ba siya dahil wala talaga siyang pakealam sa mga babaeng nagpapa-cute sa kanya.
"Pwede ka bang ligawan?" rinig kong sabi niya. Napatigil naman ako sa pag kain at tumingin sa kanya.
"Anong sabi mo?" tanong ko habang nanlalaki ang aking mga mata. Siya naman ay naging seryoso ang mukha pero agad namang nawala sa kanyang pagngisi ng malapad.
"Joke lang, Belle! But seriously, how do Filipinos do this ligaw thingy?" napapikit ako ng mata at napabuntong-hininga. Dumilat naman ako at tanaw ko ang nagtatakang mukha niya.
"Why? Do you like someone?" diretso ko namang tanong.
Ininom muna niya ang kanyang tubig. Kitang-kita ko tuloy kung gaano kahubog ng kanyang adam's apple. Ang laki pala ng sa kanya 'di katulad ng iba kong mga lalakeng kaklase. "Yeah, may gusto ako at I want to do this ligawan portion." sabi niya habang nagku-quote sign pa sa salitang ligawan.
Nagroll eyes naman ako. "Okay, do I know this unlucky girl?" sambit ko habang natatawa.