"Weh?" sabi niya habang nakataas ang kaliwang kilay. Inirapan nanaman niya ako at ipinagpatuloy ang paglalakad.
Takte. Ayan nanaman yang paweh-weh niya. Nakakainis na ah. Lagi nalang ganito ang eksena. Sa ilang araw kong pagco-confess sa kaniya, yan parin ang sagot niya! Tsk.
Sinundan ko siya and I grabbed her left arm. Hinarap niya ako.
"Ano?" inis niyang sabi.
Tiningnan ko siya ng seryoso. Binitawan ko narin siya.
"Oh? Magti-titigan nalang ba tayo? May gagawin pa ko." taray niyang sabi. Nasa gitna pa naman kami ng school quadrangle. Tsk.
Nagsalita ako, "Pwede ba na, sa dinami-daming salitang pwede mong isagot sa akin, pwede bang kahit ano wag lang yang 'weh'?" pakiusap ko sa kanya.
"Oh..sure! Haha..yan lang.. ba?" tanong niya sa kalagitnaan ng mga tawa.
Napakamot ako sa batok.. "Sabi ko nga, mahal kita."
Nagseryoso ang mukha niya. Tumagilid ang ulo niya. Nag cross arms pa siya. "Weh?" aniya.
Pisti. Yan nanaman eh! Kakasabi ko nga lang kanina! Nainis na talaga ako sa kanya kaya naman tumalikod ako sa naglakad palayo. Nakakabadtrip naman!
"Huy!" sigaw niya. Bahala siya.
Hindi ko siya narinig.
Hindi ko siya narinig.
Hindi ko siya narinig.
May naramdaman akong kamay na bigla humigit sa braso ko. Lumingon ako para makita kung sino itong humawak sa'kin. Leshe.
"Oh bakit?" patay-malisya kong tanong. Bakit niya kaya ako sinundan? Baka naman natauhan na siya at baka naman titino na siya sa pagsagot sakin ano?
"Weh?" aniya. Potek! Wala pa nga akong sinasabi, ayan nanaman siya!
Iwinasiwas ko ang braso ko upang mabitawan niya ako at nagawa ko naman yon. Huminga ako ng malalim, at..
"Langya Natnat! Sa paulit-ulit kong sabi sayo na mahal kita, hindi ka parin naniniwala sa'kin? Sa tagal ng ating pinagsamahan, wala kang tiwala? Matagal na tayong magkakilala ah! Simula pa nung grade four! Ngayong second year college na tayo, wala pa din ba? Ano ba yan Nat?!" dire-diretso kong salita sa harap niya.
Halata namang nagulat siya sa sinabi ko dahil nanlaki ang mga mata niya at medyo paatras siya ng konti.
Napahilamos siya ng mukha gamit ang kaliwa niyang kamay. Yumuko siya at muling nakipag-eye to eye sakin.
"Potek ka Potpot! Nagpapakipot lang naman ako sayo eh! Noon pa ako may tiwala sa'yo! Tae. Lagi ko yung tinatanong dahil gusto ko lang naman malaman kung bakit mo 'ko mahal! Eh mahal din naman kita! Walanjo! Nung high school pa kita gusto simula nung nagmature ka! Bwiset! Tingnan mo! Napaamin tuloy ako ng wala sa oras! Bwiset talaga Potpot!" sigaw niya na dahilan para mapatingin samin ang ibang mga estudyante. Enrollment kase ngayon kaya maraming tao.
"Bahala ka na nga diyan!" dagdag niya at tinalikuran na niya ako. Naglakad na siya palayo.
Nawindang ako sa mga sinabi niya. Ano? Noon pa niya ako gusto? Takte. Hindi ako makapaniwala. Nalaglag ang panga ko sa ginawa niyang pag-amin. Parang may mga paru-paro at dragon at malalaking pink balloons at maraming puting feathers at stars na naghahalo sa tiyan ko.
Napangiti ako.
Dali-dali akong tumakbo patungo sa direksyon niya. Mabuti't naabutan ko siya bago pa siya makapasok sa women's restroom.
Hinatak ko ang kamay niya at niyakap ko siya. Gusto ko nang tumalon sa sobrang tuwa! Leshe nakakabakla!
Kumawala siya sa yakap ko at hinarap niya ako habang nakapameywang. "Rapist! Layuan mo ako!" sigaw niya.
Napakalawak ng ngiti ko. Hindi ko na mapigilan. Yinakap ko siyang muli. "Wag ka nang ganyan Natnat, hala ka, papanget ka niyan!" biro ko sa kanya.
"Tae ka kase Potpot." sabi niya habang pabalik niya akong niyakap.
---
Fin ~
SamBintana 2013