"Hija, bumaba ka na."
Hindi ko sinagot si Manang hanggang sa marinig kong umalis na siya. Dalawang araw na hindi umuwi si daddy dahil may kailangan daw siyang gawin sa Hospital. Tumayo ako at sumama sa kanila sa hapag.
Biglang huminto ang paglakad ko nang makitang nag-uusap silang dalawa. Hindi ko kayang tingnan ng matagal si daddy pakiramdam ko hindi ko mapipigilan ang sarili ko.
"Join us." pinansin ako ni Daddy.
Ugaling kong tumabi malapit kay daddy ngayon ay pareho akong malayo sa kanila. Patuloy lang sila sa pag-uusap, sa loob ko ay humahanga ako sa kaniya dahil kaya niyang harapin si mommy ng walang nararamdaman na kahit anong konsensya.
"Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na huwag mong kakausapin ang kuya mo?"
Naka-baba lang ang tingin ko sa pag-kain. "Why not? kapatid ko naman siya."
"Stop being so sarcastic, zhep!"
Palihim akong ngumisi at nag-patuloy lang sa pag-kain. Ang mga titig niya ay alam ko na agad na kumukulo ang dugo niya, ayaw na ayaw niyang binabastos siya ng anak niya.
"Anong mali sa pag-sasabi ng totoo?" sagot ko. "How about you dad, kaya mo bang mag-sabi ng totoo?" sarkastiko akong ngumisi.
Naguguluhan siyang tumingin sakin. Si mommy ay naka-tahimik lang pero alam kong nakikinig siya sa usapan namin. Palagi siyang ganito, tahimik at walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya. Hindi niya man lang kami kayang ipagtanggol kay daddy.
"What do you mean? of course!" tumaas ang boses niya.
"Sa palagay ko hindi."
Kinabukasan ay sabay kaming pumasok sa first class ni Feemi. Naramdaman niya ang pagiging tulala ko buong klase, hindi ko nakita ng maayos ang mukha ng babaeng kasama niya kaya hindi ko din makikila yun kahit siguro nasa tabi-tabi ko lang siya.
"What's your problem?" pumapong siya sa hita ko saka hinawakan ang baba ko para natitigan ko siya.
Huminga ako ng malalim bago siya tignan. "I-I think my dad is..cheating." hirap na hirap akong sabihin.
Tinitigan niya pa ako para malaman kung nag-sasabi ako ng totoo sa kaniya. Nang matapos siya ay bigla nalang nanlaki ang mata niya at hinawakan ang pisngi ko.
"Wait? but!" hindi niya alam ang sasabihin. "Are you okay? you fine? wait? are you joking?"
Umiling lang ako.
"Paano mo naman nalaman? like nahuli mo? nakita mo? narinig or you know caught on camera?" gulong-gulong tanong niya.
Yumakap ako sa kaniya saka sumandal sa dibdib niya. "I saw him." bulong ko. "You know what hurts me? I thought he was perfect pero gaya din pala siya ng iba. Kung umasta siya sa harap ni mommy parang santo but deep inside alam kong masaya siya dahil naloloko niya si Mommy."
![](https://img.wattpad.com/cover/257886100-288-k328113.jpg)
BINABASA MO ANG
Heal me, Doctor (McMaster Series #4)
RomanceNOTE : my character isn't perfect like you, like us, they cry and get hurt. She fell in love with this cold guy, a med-student. She wants him so bad but she can't have him, she knew that one day she has to chase her dream and leave this guy. How can...