CHAPTER 15

14.9K 316 72
                                    

"Surgeon, kaya biology any kinuha ko."


May kawayan na higaan sa labas ng bahay nila at pareho kaming naka-upo. Naka-sandal ako sa pader habang yakap-yakap ang tuhod. Sobrang nakakagaan ng loob ang hangin dito sa labas.


"What is your main reason?" tanong ko. "Tinanong kita before kung bakit gusto mong maging Doctor pero hindi mo naman ako sinagot ng maayos." 


Nasa likuran niya ako at titig na titig ako sa laki ng katawan niya dahil sobrang nipis ng damit na suot-suot niya ngayon kaya masyadong halata. 


"Para mang-gamot." sumimangot ako sa sagot niya. 


"Syempre alam ko naman isa 'yun sa reason mo alangan namang mag-dodoctor ka para pumatay, diba?" umusad ako at tumabi sa kaniya. 


He was looking at the sky with a big smile. Ginaya ko siya, I looked up too baka nandoon ang sagot niya sa mga tanong ko!


"Lahat ng mga tao sa paligid ko duda sa mga bagay na kaya kong gawin. Wala silang tiwala na makakaya ko at magagawa ang isang bagay, nag-uumpisa palang ako binababa na agad nila ang tingin ko sa sarili. Kahit ang sarili kong ama sobrang baba ng tingin sakin bilang tao." 


Inalis niya ang tingin sa itaas at biglang humiga. Hindi siya nakatingin sakin dahil masyadong seryoso ang mata niya sa ibang bagay. 


"Minsan natatanong ko ang sarili ko kung saan ba dapat ako lumugar, kung saan ba talaga ako bagay. Kahit saan ko ituon ang pansin ko palagi kong maiisip ang mga salita nila sakin, sobrang simple lang naman ng gusto ko, ang pagkatiwalaan nila ako." huminga siya ng malalim na para bang may kung anong mabigat sa dibdib niya.


Ngayon ay may tipid na ngiting pinapakita ang labi niya, pero isa 'yung mapait na ngiti. Titig na titig ako sa mukha niya na nasisinagan ng araw, gusto kong basahin kung ano ang nasa isip niya, gusto kong alamin ang pinapahiwatig ng mga mata niya.


"Naniniwala ako sa mga bagay na kaya mo, Artem." I caressed his face.


Sandali siyang natigilan sa sinabi ko at umiwas ng ngitin sakin saka biglang lumaki ang ngiti. 


"Paano kung tama sila na hanggang dito nalang talaga ako." masyadong malungkot ang boses niya.


"Kailangan mong maniwala sa sarili mo hindi sa sinasabi ng iba sayo, hindi naman sila tutupad ng pangarap mo kundi ikaw mismo." 


Hindi ko alam kung dapat ko bang ikumpara ang sitwasyon ko sa kaniya. Maron siyang gaya ni nanay tess  while me I have no one, maliban sa sarili ko wala ng ibang naniniwala pa sakin. Wala ng iba pang mag-titiwala sakin kundi ako lang, kahit pa ang buong pamilya ko.


"Paano mo nagagawang bigyan ng lakas ang ibang tao kung pati ikaw wala non." 


Pareho kaming nag-titigan sa isa't isa. Ngumuso lang ako sa kaniya, hindi ko din alam siguro hilig ko nalang talaga na intindihin ang problema ng ibang tao at hayaan ang sarili kong manghina.

Heal me, Doctor (McMaster Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon