Ngayon ang birthday ni Daddy kaya madaming kilalang tao ang nasa party. Pati ang mga Doctor na may matataas na pwesto sa Hospital ay nandidito sa bahay.
Nasa gilid lang ako at hawak ang wine habang si daddy ay kausap ang ibang business partners nila. Hinahanap ng mata ko si Artem, I'm sure na nandito siya at kasama si Doc Valdez pero kahit saang silip ko hindi siya mahanap ng mata ko.
Dahil nga abala sila daddy sa ibang tao ay kasama ni manang si Lively sa loob, ayaw nito ang madaming tao kaya mas pinili na nasa kwarto niya lang. Nakakasawang titigan ang mga ngitian ng mga tao dito, halata naman na peke ang mga 'yun. Kinuha ko ang phone ng marinig ang tunog.
[Table 19.] mahina ang boses niya. [See you.]
Pinatay niya na ang tawag. Sumilip ako kung saan ang sinasabi niya. Nakalimutan niyang sabihin sakin kung ano ang suot niya. Dahan-dahan akong nag-lalakad, tinitigan ang numbers ng mga table na dadaanan ko hanggang sa kusang tumaas ang gilid ng labi ko nang matanaw ko siya.
I stared at him. Pinagmasdan ko ang suot niya, mas lalo lang siyang gumagwapo sa patingin ko kapag naka-ayos siya. I am lucky, right?
"You look good in black-" I stopped, tinitigan ko ang babaeng kasama niya.
"Oh, hello, my daughter." it was mom.
Tinitigan ko agad si Artem, nakangiti siya pero halatang pilit. Lumapit ako at nilakihan ng mata si Mommy. What the hell is she doing here? bakit hindi niya kasama si daddy. Kung titigan niya ako parang may iba siyang ini-isip ngayon.
"I agree with my daugther. You look more handsome tonight Doc Nacinno." tinapik-tapik niya pa ang braso ni Artem. "He's handsome, right? Zhep."
Inayos ni Artem ang necktie niya. "Thank you, Mrs. Zurina."
Binaba ni mommy ang wine sa table. "Come on, stop calling Mrs. Zurina. Alam kong may something between you and my daughter, I could smell it."
Ako ngayon ang nahihiya para kay Mommy. Ang mukha ni Artem ay tila natatakot na hindi ko maintindihan. Para naman kasing papatay si mommy kung humawak sa kaniya.
Lumapit na ako at binawi si Artem sa kaniya. "Mom, can you stop. You're scaring him."
Napahawak si mommy sa dibdib at kunwari ay nasaktan. "I'm sorry, sinusubukan ko lang pakalmahin siya."
Humawak si Artem sa kamay ko, sobrang lamig niya. Mahigpit 'yun na para bang pinipigilan niya ako. What's wrong with him, I thought he's not a coward anymore, mukhang natatakot siya kay mommy dahil panay ang luwag niya sa necktie na suot.
"He's my boyfriend." I said. "Are you happy, mom. Alam kong 'yun lang ang gusto mong marinig sakin." Hindi gulat ang reaksyon niya hindi tulad ni Artem na hindi makapaniwala. Mas lumaki ang ngisi sa labi ni mommy at pareho kaming tinitigan ni Artem.
"Well, narinig ko na ang gusto kong marinig." kinuha niya ang wine. "I'll get going." tumalikod na siya. "And, goodbye son in law." she waved at Artem.

BINABASA MO ANG
Heal me, Doctor (McMaster Series #4)
RomanceNOTE : my character isn't perfect like you, like us, they cry and get hurt. She fell in love with this cold guy, a med-student. She wants him so bad but she can't have him, she knew that one day she has to chase her dream and leave this guy. How can...