CHAPTER 16

13K 343 66
                                    

"Huwag kang gagawa ng kahit anong gulo doon." mahinang bulong sakin ni Daddy. 

Naka-palibot ang ibang sasakyan samin, ang iba ay puno ng pag-kain at gamot. Kasama narin ang ibang damit na dinonate ni mommy sa team nila Nanay Tess. 

"Huwag kang mag-alala papasabugin mo ang bundok para sayo, dad." 

"You-" natigilan siya ng biglang dumating ang ibang member ng team, ngumisi lang ako dahil alam kong hindi niya ako papagalitan sa harap ng ibang tao.

"Maraming salamat talaga Dr. Zurina hindi namin alam kung saan kukuha ng mga gamot ang team namin kung hindi kayo dumating." 

Nasa isang tabi lang ako at masama ang tingin kay daddy, hindi ko inaasahan na si daddy ang pupunta dito hindi ang mommy ko. Masyado siyang anghel sa harap ng ibang tao, naiinis ako kapag pinupuri siya ng iba. 

"Maliit na bagay, sa totoo nga ang anak ko ang humiling nito at masaya din kaming tumulong sa ibang tao lalo na sa mga mamamayan sa bundok na walang kakayanan na pumunta dito para gamutin ang mga sakit nila." nakangiti lang si daddy sa kanila.

Tumalikod ako sa kanila, nag-bago ang ekspresyon ng mukha ko nang makita si Artem na may dalang malaking bag, ilang araw ba ang ilalagi namin doon? wala akong idea kung ano ang makikita ko sa tuktok ng bundok. This is my first time, sana maganda ang bumungad sakin. 

"Hi." I greeted him.

"Mamaya kana." nang ilapit ko ang mukha ko ay ginamit niya ang palad para itaboy ako dahil tumutulong siya sa ibang tao na nililipat ang ibang gamit sa sasakyan.

"Here we go again, my cold boy." umirap ako sa kaniya at ngumuso, hinintay ko nalang siyang matapos sa pag-bubuhat.

Twelve na tao ang kasama sa team ni nanay tess kabilang na kami ni Artem, may kasama din kaming mga photographers, ang iba ay nag-volunteer lang na sumama. Naka-krus ang braso kong pinapanood si Artem na nag-bubuhat, parang walang kahirap hirap sa kaniya, halata naman sa laki ng katawan ng lalaking 'yun.

"Pwede na ba?" tanong ko pag-lapit niya. 

Umiling-iling siya saka pinunasan ang leeg, tumango siya sakin at agad akong yumakap sa kaniya. Nasa likod kami ng sasakyan kaya walang nakaka-kita. 

"Kiss?" I pouted. 

"Nandito ang daddy mo baka makita tayo." hinarang niya ang palad sa bibig ko. 

"So what? halik lang naman hindi sex." mas ngumuso pa ako sa kaniya. 

Mukhang kahit anong oras ay sasabog na siya dahil sa irita sakin. Tumingin siya sa likuran para siguraduhing walang tao, agad namang pumikit ang mata ko ng yakapin niya ang beywang ko't ilapit sa kaniya. Pumulupot lang ang braso ko at sinasagot ang madiiin niyang halik. 

Nag-ayos lang kami nang tawagin kami nila nanay tess, good thing walang lipstick ang lips ko kundi mahahalata kami. Gamit ang ibang sasakyan ay nag-kanya kanya kami ng sakay, sumakay kami ni Artem sa isang sasakyan kung saan nandoon ang ibang gamot. Siya ang nag-mamaneho ngayon. 

"Gaano katagal bago tayo maka-punta sa bundok?" I asked him.

He shrugged. "Hindi ko alam, siguro gabi na tayo makakapunta dahil masyadong mabato ang daan saka kailangan din nating mag-lakad papunta sa tuktok dahil hindi kakayanin ng sasakyan 'yon."

Nag-reklamo agad ang mukha ko. Tama nga siya sa sinabi, hapon na ng makarating kami sa gitna ng bundok at kinakailangan naming bumaba at gamitin ang paa para umakyat sa tuktok. Ang ibang lalaki ay nag-tulungan para buhatin ang ibang gamit. Habang ako ay naiiyak niya, iniisip ko palang kung gaano kalayo parang mamamatay na ako.

Heal me, Doctor (McMaster Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon