CHAPTER 26

13.6K 271 12
                                    


Hangga't kaya kong mag-bigay ng oras para kay mommy ay ginagawa ko. Ilang taon din kaming hindi nag-kasama at hindi ako magiging patas kung hanggang ngayon ay wala parin akong time for her. 


Ngayon na mas pinili ni Kuya na tumira sa ibang bansa kasama ang asawa niya mas lalong mawala ang oras niya kay mommy, tumatawag naman daw siya minsan pero iba parin talaga kapag personal. Hindi ko naman din siya masisisi dahil mas nasanay siya doon kaysa dito sa Pilipinas.


Kapag Christmas ay madalas si Kuya ang kasama ko noon sa ibang bansa, palagi niya kasi akong binibisita, pakiramdam ko tuloy parang gusto niya lang pasyalan ang lahat ng lugar, malayo din sa condo ko ang place niya pero parang wala lang sa kaniya ang pag-punta sakin. 


Naka-upo lang ako sa couch, hawak ang phone ko. Napahinto ako nang makita ang bagong post ng asawa ni Kuya. So nasa Paris sila ngayon? napa-ngiti akong makita na mag-kasama silang dalawa buhat ang pamangkin ko.


Alam ko na bukod sakin ay hindi din naging madali ang buhay kay Kuya, hindi din naging masaya ang mundo niya noon. Nakaramdam din siya ng pag-kukulang mula sa parents namin, alam ko na isa sa mga pangako niya sa sarili na magiging mabuting asawa at ama sa oras na nag-karoon siya ng sariling pamilya at masaya akong nakikitang nagagawa niya ang bagay na 'yun. 


Kita sa mga ngiti niya ang labis na saya, kahit anong pilit ko sa sarili na huwag makaramadam ng selos ay hindi ko maiwasan, normal lang siguro 'to. Halos lahat ata ng mga taong mahahalaga sakin ay may kanya-kanya ng buhay kung saan sila kuntento, at masaya naman ako para sa kanilang lahat, alam kong iyon ang nararapat sa kanila. 


"Kamusta ang buhay mo noon sa State?" umupo si Feemi sa chair niya. 


Naisipan ko lang na bisitahin siya dahil wala naman akong ibang magagawa, saka gusto ko din siyang makita. Naka-tayo at umi-ikot ang mata ko sa office niya, tinitigan ko ang mga frames. 


"Super good." sagot ko naman. "Sa sobrang good pakiramdam ko gusto ko nalang inumin ang dagat." 


Natawa siya, sobrang daming pictures sa office niya pero wala akong nakita na kasama ang parents niya. Kamusta kaya siya at ang daddy niya, ang pag-kakaalam ko pa naman daddy's girl ang babaeng 'to. 


"Wait a minute, you still have this picture?" kinuha ko ang isang larawan. 


Tumayo siya at tinitigan ang hawak ko, napa-ngiti siya saka tumango naman sakin. 


"Why not? madami tayong picture na mag kasama but that's my favorite, so 'yan ang dinisplay ko sa office." sagot niya naman. 


Gosh, na-aalala ko pa ang story ng picture na 'to, college days namin. Pareho kaming late sa first subject namin kaya bilang punishment samin ng Proffesor ay pinag-linis kami ng buong Science room, pero higit na mag-linis ay mas lalo lang namin ginulo iyon at kumuha ng mga litrato kaya ng sumunod na araw hindi kami binigyan ng test. 


Labas ngipin kaming naka-ngiti doon sa larawan habang naka-yakap ako sa likuran niya. 


Heal me, Doctor (McMaster Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon