CHAPTER 28

13.5K 257 9
                                    


"Sorry sa sinabi ni Doc kanina sayo mahilig lang talaga silang mang-inis." 


Nasa shotgun seat ako at naka-tingin sa labas. Kanina pa siya pa siya nag-sosorry about dun, well hindi naman big deal sakin ang pang-iinis ng ibang kasamahan namin dahil hindi naman talaga ma-aalis 'yun masyado siyang affected.


Nasa hita ko ang bagong bake na cookies ang sabi niya favorite daw ito ni Zelig kaya ito ang binili ko para sa anak niya, hindi ko naman ma-kakalimutan ang promise ko na dadalawin siya sa bahay nila at mukhang hindi naman din iyon naka-limutan ng bata.


Pumasok kami sa malaking Village, ini-isip ko kung sino ang kasama ni Zelig sa bahay kung palaging wala si Artem at nasa Hospital, hindi kaya may kasambahay sila imposible naman nahahayaan niya lang mag-isa ang anak niya sa bahay at walang kasama.


"Daddy!" 


Bubuksan palang niya ang gate nang bigla naming narinig ang sigaw ni Zelig, tumatakbo siya at nang makita ako ay siya mismo ang bumukas ng gate nila.


"Hi." I smiled at him.


"Hello po!" huminto siya sa harapan ko at ngumiti ng malaki.


Pawis na pawis ang noo niya, may hawak pa itong bola at halatang kaka-galing lang sa pag-lalaro. 


"Hindi ba sinabi ko sayo na huwag kang pag-papawis." 


"Hindi naman napipigilan ang pag-papawis, daddy." 


Tinignan ko ang reaksyon ni Artem, napa-kamot siya sa ulo dahil sa sinagot ng anak niya. Mukhang sanay na talaga siya dito.


Hinawakan niya ang kamay ko at nauna kaming pumasok sa loob ng bahay nila habang si Artem ay mukhang hindi pa nakakapag move-on sa pambabara ng anak. 


"Daddy! are you going to cook adobo!" 


Pumunta kami sa couch habang dumiretso ang daddy niya sa hagdan para mag-bihis. 


"Paulit-ulit?" sagot ni Artem bago tuluyang umakyat. 


Binitawan niya ang bolang hawak at tumabi sakin. Sobrang basa ng sando niya, wala ba siyang bimpo man lang para mapunasan 'yun. Nasa kabilang side ang school bag niya at may naka-sabit na bimpo doon kaya agad kong kinuha. 


Tumalikod siya habang pinupunasan ko ang likuran niya gamit ang puting panyo.


Ano bang ginawa ng batang 'to para namang tumakbo siya papuntang Mindanao.


"I tried to play badminton." sabi naman nito.


Humarap siya at pinunasan ko ang mukha. "You know what your dad, he's good playing badminton." 

Heal me, Doctor (McMaster Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon