CHAPTER 17

14K 325 96
                                    

WARNING | R18


"Ang sabi mo sakin hindi mo siya babe pero bakit pinag-iigib mo?" 


Humarap samin ni Artem si Akah at mukhang galit na galit sakin. Masyado siyang malapit kay Artem at protective para namang nanakawin ko sa kaniya.


"Pinag-iigib naman din kita diba." ginulo nito ang buhok ni Akah. 


Nag-krus ang braso niya saka ngumuso. Nang umalingaw ang maingay na tunog ay umalis na din si Akah, oras na para kumain sila. Naiwan kami ni Artem sa paliguan, maaga akong nagising para samahan si nanay tess kanina habang abala si Artem samahan ang ibang kalalakihan para kumuha ng mga kahoy, may celebration daw kasi bukas.


"You can go now, thank you." sabi ko at pumasok sa paliguan. 


Tinaasan niya ako ng kilay at mukhang may hinihintay pa na sasabihin ko, nakatayo siya ng tuwid habang pareho kaming nag-titigan. Hindi pa ba siya aalis? 


"Gusto mo samahan ako sa loob?" tanong ko. 


Nagulat pa siya at biglang namula ang pisngi. "P-pwede?" 


"You wish!" sagot ko at sinarado ang kawayan na pinto. 


Kailangan kong mag-painit ng tubig dahil sobrang lamig ng water nila. As in manginginig ka sa sobrang lamig non. Sanay ako sa malamig dahil madalas kong kasama si Artem pero hindi sa malamig na tubig pakiramdam ko 'yon ang magiging dahilan ng paninigas ko.


Walang silbi ang pag-dala namin ng gadgets dito dahil wala namang signal, pero minsan masayang hindi inalalaan ang oras sa ibang bagay masaya kausap ang mga tao dito, nakakakagaan ng loob, nawawala lahat ng iniisip ko tuwing nakaka-usap sila.


"Nay tes! nay tes! may bisita tayo!" pumasok si Jek na sumisigaw at hingal na hingal. 


Natigil kami sa pag-aayos ng pagkain dahil sa kaniya. Nag-taka kami dahil wala kaming idea sa sinasabi ni Jek, lahat kami ay lumabas upang makita ang sinasabi niya. 


"Doktora!" mabilis na lumapit ang ibang kasamahan namin.


Para ba akong namalik-mata. "M-mommy?" 


Dala ang ibang gamot pumunta siya dito kasama ang ilang doctor. Lumapit siya kila nanay tess at bumati, nasa likuran ako at hindi makapaniwala sa nakita. Hindi ko inaasahan na pupunta siya dito, never.


"Kamusta ang mga araw mo dito?" tanong niya pag-kalapit sakin. 


Tumingin ako sa kaniya. "A bit hard but It's all good, happy." 


She smiled. "Glad to hear that." 


Ilang gamot pa ang dala nila mommy para sa mga tao, ang ibang doktor mula sa Hospital namin ay pumunta dito para tumulong. Masaya sila dahil hindi na masyadong mahirap ang gagawin nila, maligaya din ang iba dahil sobra na ang mga gamot na magagamit nila, nasa silid din ang ibang doktor para turuan kung ano ang dapat gawin kapag nakaramdam ng sakit sa katawan.

Heal me, Doctor (McMaster Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon