"Zheppy, I want to visit mama."
Hawak ko ang kamay ni Lively habang papa-labas na kami sa Mall. Wala sila mommy kaya ako ang sumama sa kaniya para malibang naman siya at hindi mag-isa sa bahay.
"S-sure."
Tahimik lang siya sa backseat at naka-titig sa labas. Ngayon ko lang nalaman na kapag wala ang parents ko sa bahay ay ang mga kasambahay lang ang kasama niya, hindi maiiwasan na maging abala sila at hindi mabigyan ng oras si Lively.
Ayaw kong maramdaman niya ang naramdaman ko noon, na walang taong gusto kang makasama. Bata pa siya at hindi niya pa napapansin ang bagay-bagay sa paligid niya pero alam kong dadating ang time na madami na siyang tanong, gaya ko noon.
"Hello mama, I miss you."
Pumunta kami sa puntod ni Andrea, hindi man naging maganda ang pag-sasama namin noon hindi parin namin pwedeng ipag-kaila sa kaniya ang anak niya, hindi naman issue kay mommy na dalawin ni Lively ito, minsan kailangan din niyang kasama ang totoong mommy niya kahit ilang minuto o oras lang, karapatan niya 'yun.
"I saw mama last night, she asked me if I'm okay." humarap siya sakin at kinausap ako.
"Hmmm, maybe she missed you so much that's why." lumapit ako at inalis ang kaunting dahon sa lapida niya.
"I came here because I want mama to know that I'm okay and happy." nakangiting sabi niya. "Ina-alagaan ako ni mommy saka daddy, saka madami akong toys sa house, I also eat delicious food too! I am happy, mama."
Nakatitig ako sa masaya niyang mukha, ngayon na bata pa siya alam kong madali pang tanggapin ang ibang bagay pero sana sa oras na tumanda na siya matutunan niyang intindihin kahit ang pinaka mahirap na bagay.
Kahit minsan hindi ako nagalit sa kaniya kahit alam kong bunga pa siya nang makalian ng magulang niya. She's so innocent, lahat ng mga ngiti niya, pati ang mga tawa niya lahat 'yun kayang burahin lahat ng sama ng loob ko, wala siyang kasalanan sa ginawa nila daddy kaya hindi ko hahayaang mag-hirap siya.
"Hey baby." hinarap ko siya sakin. "It's raining we have to go na."
Tumango siya at ngumiti sa pangalan ng mama niya sa lapida. "I will visit again, mama."
Ito ang pangalawang beses kong puntahan ang puntod niya, ang una kong punta ay hindi ko maitatanggi na may kaunting galit pa sa puso ko, pero ngayon buong-buo kong masasabi na tanggap ko na ang lahat, wala nang kahit isang porsyentong galit akong nararamdaman sa kaniya.
"I'm not mad anymore, sorry for everything. A-alagaan namin siya, pangako." nakangiti kong tumayo.
Matapos namin mag-paalam ay umalis na rin kami bago pa lumakas ang pag-ulan. Pag-uwi namin ay naka-abang na agad samin ni mommy, tumakbo naman ang kapatid ko at nag-kwento kay mommy ng mga ginawa namin sa mall at pinamili, pati ang pag-dalaw namin sa mama niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/257886100-288-k328113.jpg)
BINABASA MO ANG
Heal me, Doctor (McMaster Series #4)
RomanceNOTE : my character isn't perfect like you, like us, they cry and get hurt. She fell in love with this cold guy, a med-student. She wants him so bad but she can't have him, she knew that one day she has to chase her dream and leave this guy. How can...