TW: self-harm
"Zhep!" hindi ko pinakinggan ang sigaw niya at mabilis akong lumabas sa sasakyan.
Nakita ko pa kung paano ngumiti si Daddy, tignan lang natin kung kaya niya pang ngumiti sa oras na naka-harap ko na ang babae niya!
"Kahit hindi na, basta dito ka lang umuwi mamaya okay?" tignan ko ng masama ang babae.
Pareho silang nag-yakapan sa isa't isa habang nakangiti akong nanonood. Kelan ba ang huling beses na nakita kong ngumiti si daddy nang ganoon? kelan ba ang huling beses na naging masaya siya kasama si mommy?
"Hi, dad." makalma ang ngiti ko.
Biglang natigilan ang ngiti nila at mabilis na lumingon siya sakin. Pinag-masdan ko kung paano matakot at magulat ang reaksyon ng mukha niya, tila hindi niya alam ang gagawin at sasabihin.
"What are you doing here?"
"No. What are you doing here?" balik na tanong ko. "And who is she?" naka-yuko ang babae habang naka-harang ang daddy ko. "Kabit? babae? mistress? malandi?"
"Stop calling her a mistress!"
Inalis ko ang hawak niya sa braso ko. "Are you out of your mind? papatol ka sa babaeng halos kalahati ng edad mo? akala ko ba matalino ka?" matigas akong tumayo. "Bakit sa dami ng taong sa mundo bakit isang gaya niya pa ang pinatulan mo!"
"I said stop!" tinaasan niya na ako ng boses.
"And you!" dinuro ko ang babae. "Anong klaseng babae ka! alam mo bang may pamilya siya? alam mo bang sumisira ka ng pamilya!" sigaw ko. "Tell me, mag-kaano ang binibigay sayo ng daddy ko para ibuka mo ang binti mo!"
"How dare you!" isang malakas na sampal ang nag-pahinto sakin mula kay daddy.
Hindi maganda ang pagsasama naming dalawa pero kahit minsan ay hindi ko naramdamang idikit niya ang palad sakin. Hindi ko inaasahan na kaya niya akong saktan dahil lang sa isang babae. Hindi ko ininda ang sakit ng ginawa niya, mas naramdaman ko ang labis na galit.
"Wala kang karapatan para sabihin ang mga salitang 'yan! you're just my daughter! lahat ng meron ka lahat ng bagay na hawak mo lahat lahat ay sakin nanggaling! sino ka para sabihin sa kaniya ang mga bagay na 'yun!" galit na galit siya sakin. "Get out of here! umalis ka!"
Hindi ako nakapag-salita sa mga sinabi niya. Parang natapakan lahat ng karapatan ko bilang anak niya. Pinigilan kong hindi tumulo ang luha sa mga mata ko hindi ko gustong mapahiya sa harap niya.
"Wala kang kwentang ama." madiin na salita ko.
Higit na mag-pakita siya ng reaskyon ay sarkastiko lang siyang ngumiti. "And do you think may silbi ka bilang anak? wala kang kwenta! wala kang ibang alam kundi ang intindihin ang sarili mo! wala kang ibang ina-alala kundi ang kaligayahan mo walang ibang laman ang utak mo kundi ang pag-mamahal mo sa sarili mo! you are selfish! hindi ko alam kung bakit ikaw ang naging anak ko!"
BINABASA MO ANG
Heal me, Doctor (McMaster Series #4)
RomanceNOTE : my character isn't perfect like you, like us, they cry and get hurt. She fell in love with this cold guy, a med-student. She wants him so bad but she can't have him, she knew that one day she has to chase her dream and leave this guy. How can...