CHAPTER 20

15K 297 62
                                    

"Doc, sure ka hindi ka sasabay?" nasa labas ako ng Hospital nang tawagin ni Sammy.


"Hindi na may pupuntahan pa ako." pang-tanggi ko.


Nasiraan ako ng sasakyan kanina kaya iniwan ko muna iyon sa pagawaan at ngayon ko balak tignan. Nag-commute lang ako, laking pasasalamat ko na ayos lang ang kotse, iyon ang unang sasakyan na nabili ko kaya iniingat-ingatan ko.


"Daddy, paulit-ulit ka naman sabing hindi na nga kasya!" 


Matapos kong ayusin ang damit ay humarap ako sa kanya, gulong-gulo siya dahil hindi ma-suot ang sapatos, halos kaka-bili ko lang non noong nakaraang buwan lumaki na agad ang paa niya?


"Pilitin mo." sabi ko. 


"E, paano kapag ayaw ko?" tumaas siya ng tingin. 


"Huwag kang sumama, ganon kadali." tumalikod ako.


Limang taon lang siya pero kung mag-isip parang matanda. Minsan hindi ko din kayang makipag-sagutan sa kaniya dahil nakikita ko lang ang sarili kong ugali dito, maayos naman siyang kausap minsan, madalas lang talagang masungit.


"Bili mo ako bagong shoes, a?" lumabas siya sa kwarto at suot-suot na ang sapatos. 


Nasa couch ako at naka-upo hawak ang telepono, hindi ko alam kung sino ba ang mabagal saming kumilos, tuwing linggo ay nag-sisimba kami at mukhang hindi na naman maabutan ang unang misa dahil inabot siya ng dalawang oras sa paliligo lang.


"Kakabili ko lang sayo, diba?" 


"Pero daddy, look, maliit na hindi na pwede saka sasakit lang ang paa ko dito kapag binilhan mo ako bagong shoes e'di hindi na po sasakit, diba?" lumakad siya at pumunta sa harapan ko. 


"We had a deal, right, ang sabi ko bibilhan lang kita ng mga shoes kapag wala ka nang inaaway sa school." 


"Hindi ko naman sila inaaway, sumasagot lang naman ako." ngumuso siya. "Sabi kasi nila wala daw akong mommy." 


Tumingin ako at tinitigan ang malungkot niyang mukha, huminga lang ako ng malalim bago tumayo. Ilang beses ko nang naipaliwanag sa kaniya ang bagay na 'yon pero alam kong madami parin siyang gustong malaman at kung bakit lumaki siya na hindi gaya ng isang kaklase niya na may magulang na palaging pumupunta sa school.


"Bibili kita ng bagong shoes mo after, basta i-promise mo sakin na hindi mo na ulit aawayin ang ibang kaklase mo, understand." sinilip ko siya sa backseat. 


"Yes, doc!" naka-ngiting sagot niya.


After ng misa ay pumunta kami sa donation box, naka-kapit lang siya sa braso ko habang madami paring tao sa loob, hilig niyang tignan ang mga mukha ng mga tao dahil akala niya malalaman niya ang name sa pagtitig lang, 'yun kasi ang nakikit niya sa television.

Heal me, Doctor (McMaster Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon