CHAPTER 35

15.3K 342 67
                                    

WARNING | R18


"Doc may nag-hahanap daw po sa inyo sa 1st floor." bumukas ang pinto at sumilip si Marco. "Pogi doc, 'yung tipong sinaktan ng sampung babae tapos biglang nag glow-up." 


Hindi agad ako tumayo dahil wala naman akong inaasahan na bibisita sakin dito. Lalo na sa sinabi ni Marco at mukhang lalaki 'yun. Sumabay ako sa kaniya pag-labas ay pinuntahan ang lalaki.


"Where is he?" 


"Nandoon siya doc." ngumuso ito. Tumingin ako at nakita ang isang lalaking naka-talikod at nakapamulsa pa. 


Hindi siya sakin pamilyar kaya nag-dadalawang isip ako. Imposible na ang kuya ko 'to. Naka-abang ako habang dahan-dahan na itong humarap. Ang mata ko ay biglang nanlaki ng makilala ang lalaki. 


"Ramir!" hindi na ako nag-hintay at agad tumakbo papunta sa kaniya. 


Nakangiti ito sakin. "Wow, kahit papaano may igaganda ka pa pala akala ko noon sagad na 'yun." 


Humugot ako ng malakas na suntok sa braso niya. Natawa lang siya saka hinipo-hipo 'yun sa sakit. I can't even remember the last time we met, he's also my friend when I was in college. Ang huli kong balita capitan siya ng barko,'yun ang sabi sakin si Trinity.


"Bakit ngayon ka lang nag-pakita sakin?" 


Sumandal siya. "Busy sa mga babae ko sa barko." biro nito pero mukha namang totoo. "Saka ang sabi sakin ni Trinity ilang buwan narin since nung bumalik ka."


So nakakausap niya parin si Trinity. Ang buong akala ko seloso ang asawa niya kaya ayaw makita si Ramir. Sa sobrang gwapo nito halos lahat ata pinag-selosan na siya. 


"Hindi ka parin nag-babago." umiiling ako na kunwari ay disappointed sa kaniya. Mr. playboy.


Mukha siyang busy na tao. Hindi ko lang alam kung saan siya busy sa trabaho niya o sa mga babae niya. Siya yung tipo ng kaibigan na mapag-kakatiwalaan talaga, kaya wala akong ibang kaibigan noon na lalaki kundi siya. Well, alam ko naman na parang batang kapatid ang turing niya sakin noon pa.


"Artem?" tumingin siya sa likuran. "Hell no, Is that you?" 


Tumingin din ako sa likuran at nandoon nga si Artem. Ang mukha niya ay sobrang seryoso at walang paki habang todo ang ngiti nitong si Ramir, sobrang sama pa ng mga titig niya. Mukhang wala siya sa mood ngayon, for sure hindi na naman siya nakapag-pahinga.


Lumapit siya kay Artem na umasta na parang close sila.


"So pareho kayong nag-tatrabaho sa isang hospital." tinuro niya ako. "Hey zheppy alam mo bang siya ang nag-iiwan ng roses sa locker mo before? na-aalala ko pa nga dino-doble mo ang lectures mo para kay Zhep, sino nga bang mag-aakala." 


Nagulat ako na alam niya din 'yun. So ako lang ang walang alam at hindi nakakapansin ng bagay na 'yun. Hindi ko din alam na close silang dalawa ni Ramir. Ang mukha ni Artem ay makalmang nakikinig kay Ramir pero iba ang pinapakita ng mga mata niya, tila ba sasapak siya.

Heal me, Doctor (McMaster Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon