x8x

1.5K 72 7
                                    

Pag gising ni Karylle, agad bumungad sa kanya ang bango na maglalaway kang talaga. At alam na alam niya kung sino ang nagmamayari sa amo'y na yun. Agad siyang napa-upo at tumingin sa kanang bahagi ng kwarto.

Nagulat siya, dahil ibang kwarto pala ang tinulugan niya kagabi. Pero, wala naman siyang naalala na may ibang bahay siyang pinusukan kagabi.

Lumingon naman siya sa kanang direksyon ng kwarto. Muntik ng napatalon si K dahil sa pag kagulat ng may tatlong kasambahay na nakatingin at nakatayo sa kanyang giliran.

Ngumiti naman agad ang isa at nagpakilala.

"Ako si Manang Bubbles,"sabay turo sa kanyang sarili.

"Siya naman si Blossom."sabay turo sa kanyang katabi.

"At yung nasa dulo... si Buttercup."sabay turo din sa isa pang kasambahay.

Ngumiti si Bubbles at Blossom kay Karylle.  Kaso, si Butttercup—poker face lang ang expression sa mukha.

"Ano bang mai-pag lilingkod namin sa iyo, iha?"tanong ni Aling Blossom.

"Ka-kanino pong bahay ito?"balik tanong ni Karylle.

Nagkatinginan naman ang tatlong magkasambahay, bago sinagot ang tanong ni K.

"Ah, iha, nasa Jackstone Residence ka ngayon."sagot ni Aling Bubbles.

"Buhat-buhat ka pa nga ni Ser kagabi, papasok dito eh."walang reaksyong dagdag ni Aling Buttercup.

"Ha?! Wala po kasi akong natatandaan kahapon eh."kuno't noong sabi ni K.

"Hala!"napatingin sila sa direksyon ni Aling Bubbles.

"Baka... pinainom ka ng pampatulog ni Ser!"

"Hala!"napatingin sila sa direksyon ni Aling Blossom.

"Baka... ni-rape ka na ni Ser!"

"Hala!"napalingon na naman sila sa direksyon ni Aling Bubbles.

"Baka... nabuntis ka na ni Ser!"

"Hala!"napatingin na naman sila sa direksyon ni Aling Blossom.

"Baka—"

"Sisantihen ka na ni Ser!"pambabara ni Aling Buttercup kay Aling Blossom.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Aling Blossom, pero hindi parin ito nagpatinag sa kanya, kaya binaling na lang niya kay Karylle ang kanyang atensyon.

"Iha, baka gutom ka na. Nakahain na sa baba ang pagkain."mahinanong sabi ni Aling Blossom.

Imbis na sagutin si Aling Blossom, nabaling ang paningin ni Karylle sa kanyang damit na naka-hanger sa bandang likod ng pintuan sa kwartong tinulugan niya.

Literal na nanlaki ang dalawang mata niya at agad sinuri kung ano ang suot niyang damit o may suot ba siyang damit?

Nahalata naman agad ito ng mga kasambahay, kaya agad silang nagsalita.

"Ako ang nagbihis sayo."masayang saad ni Aling Bubbles.

"Ako naman ang naghanda ng mga damit na susuotin mo."masayang saad din ni Aling Blossom.

"Ako naman ang nagpigil kay Ser, upang hindi ma-rape yang katawan mo."poker-face na saad ni Aling Buttercup.

Napangiti naman si K, dahil kahit may pag kamasungit si Aling Buttercup, may tinatago din pala itong humor.

"Kaninong damit po itong pinasuot niyo sa akin?"tanong ni K.

"Ah.."napakamot si Aling Blossom sa kanyang kilikili, bago dugtungan ang gustong sabihin. "Kay Ser yang puting long sleb wed kular, pati din yang bakser shorts na suot mo, mam."

Blank Space || KaPeteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon