x10x

1.2K 61 3
                                    

Angel woke up with a heavy feeling. Sobrang sakit kasi ng ulo niya, tapos lowbat pa ang katawan niya.

Napasabuno't siya sa kanyang sariling buhok dahil sa sakit na nararamdaman niya, sabay sandal sa headboard ng kama. Lumingon siya sa bedside table, nagbabakasakaling may gamot o ano mang bagay na makakapaghinto sa sakit na nararamdaman niya.

Isang basong tubig lang ang bumungad sa paningin niya, kaya pinatulan na lang niya ito. Ng naging maayos-ayos na ang pakiramdam ni Angel, lumingon naman siya sa kaliwang bahagi ng kama, nagbabakasakaling may katabing isang tao na nakapag-init ng kanyang gabi kagabi.

Laking ngiti pa niya itong nilingon dahil sa mga naalalang pangyayari kagabi, ngunit bigla na lang naglaho ang ngiti niya dahil wala na pala siyang katabi.

"Anak ng p*ta! Nakuha lang ang perlas ng sinilangan, lumayas na ang animal!"inis na pag kasabi ni Angel.

Biglang humiwala'y ang magkasalubong niyang kilay ng may nakita siyang isang nakatuping papel na nakapatong sa isang unan. Dali-daling kinuha ito ni Angel at binasa.

"You enjoyed the night, but I didn't.
You're not so tight and I felt stupid
because I can't come easily.Where's
the thrill? So I better keep going. To
make it clear, you are just 'nothing'
to me, pretty." - Phil Batangasawa

Bigla nanigas si Angel dahil sa nabasa.

___

"Kaloka?! Totoo?"

Hindi makapaniwala si Karylle sa narinig. Kinuwento na kasi ni Peter kung bakit sa kwarto niya siya natulog kagabi.

"So, sa tingin mo nagsisinungaling ako?"pabirong tanong ni Peter.

"Tanong ba yun?"kagat-birong tanong ni K.

Napailing na lang si Peter sa naging balik birong tanong ni Karylle.

"'Di ba, sabi mo, I can take you where ever I wan't? So I decided to take you to a luxurious bar-in Valkyrie. We're already in the entrance doorway ng bigla ka na lang nagpass out. Buti na lang nakasuporta ang kanang kamay ko sa likuran mo, kaya na-control ko ang biglang pag bagsak mo."

"Totoo?"hindi parin makapaniwalang tanong ni Karylle "Ang biga't ko pa naman."dagdag pa nito.

"Apat na bises ka bang kumain everyday?"birong tanong na naman ni Peter with his sexy smirk.

"Grabe ka naman bhe,"napahinto sa pag lalakad si K. "7 times lang 'no!"

Napahinto naman si Peter at humarap kay Karylle with matching cross arms. "Did you just call me 'bhe'?"

Nanlaki naman ang mga mata ni K, kaya umaarangkada na naman ang nakakalokong ngiti ni Papa Peter!

"A-ano.. ah.. ano ka ba! Expression lang yun. Walang malisya."nauutal na alibi ni K.

"Pero, I liked it."sabay wink na sabi ni Peter at nagpatuloy sa paglalakad.

Imbis na sundan si Peter, pumikit muna si Karylle sabay bulong sa sarili. "Wag na wag mong subukang ma in love sa kanya. Wag! Trabaho lang 'to, wag masyadong feeling. Sayang ang pera."

Muli na namang minulat ni Karylle ang kanyang mga mata at agad bumungad sa kanya ang isang makisig na lalaking nakatayo malayo-layo sa pwesto niya, para kasing hinihintay siya nito. Naka-cross arms na naman ito with matching taas kilay.

Ngunit bago lumapit si Karylle kay Peter, muli na naman itong binulungan ang sarili. "Isipin mo na lang na 'bakla' siya."

Natawa naman si K sa naisip.

___

Pitong bote ng beer ang naubos ni Angel na siya lang mag-isa. Halatang lasing na ito dahil, tumatawa na lang ito ng pabigla-bigla, maya-maya iiyak naman.

"Pambihirang gag* yun! Nakuha lang ang BATAAN, bigla na lang naging si SUPERMAN! Hay*p talaga ang an*mal na yun!"madami ng mura ang lumabas sa bibig ni Angel sa kadahilanang lasing na nga ito.

Agad namang nakapukaw sa atensyon ni Angel ang kanyang lumiliwanag na cellphone.

"Peste din yung si Karel! Iniwan na nga ako kagabi, hindi pa tumawag ang gaga!"

Tinawagan ni Angel si K ng paulit-ulit ngunit Out Of Coverage Area ito, kaya napag desisyunan niyang lusobin na lang ang condo unit nito.

___

"Thanks for the ride. Nag-enjoy ako. Ang bait ng Nanay mo."sincere na sabi ni K.

Hinatid kasi siya ni Peter sa kanyang condo.

"Clearly, she likes you."kampanting pag amin ni Peter.

"Like agad?"

"Like, I do."walang pag dadalawang isip na sinabi ni Peter.

"Well, I like you too.."simpleng sagot ni K at aakmang lalabas na sana sa sasakyan ni Peter ngunit pinigilan siya nito.

"Wait, what? What did you say? You like me.. too?"

"Y-yeah, a-aah.. ah.. ah-I like you like a love song baby.. I-I like you like a love song baby.."pakantang paluso't ni K.

"Love yun!"sabi ni Peter with his billion dollar smile.

"'E 'di waleeey.."natatawang sabi ni K.

___

A/N: Juskoooo! Nakakamiss kayo. Alam kong gusto niyo na akong patayin dahil sa matagal ako nag UD. Pasensye nemen mge kepeted keng menemehel. Babawi na po ako dahil wala na pong pasooook! Yeaaaah!

Blank Space || KaPeteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon