x12x

1.2K 62 10
                                    

"Masakit parin, bhe."sabay sapo ng sariling ulo.

Pag katapos kasing pakainin ni K si Angel, pinahiga na niya ito sa kanyang kama.

"Saang banda ang masakit, sa ULO ba o sa PUSO?"may kahulugang tanong ni K.

Namilog naman bigla ang mga mata ni Angel sabay sabi; "WHOGOAT 101! Madam Bertud is that you?"

"Gusto mo bang malaman ang totoo?"

Tumayo si Karylle sabay lahad ng kanang kamay kay Angel.

"Hi miss, I'm Peter."bago pa sakyan ni Angel ang trip ni Karylle, binawi agad ni K ang kanyang kamay na kanina lang inalok niya kay Angel.

"Ay! Iba pala yun."

"Paasa!"sigaw ni Angel dahil sa inis.

"Ambisyosa!"sigaw din ni Karylle na lalong kinainis ni Angel.

"Tumahimik ka! Pag pinansin kita, ma-touch ka. Limited edition pake ko!"mayabang na sabi ni Gel.

"Sige, tatahimik ako. Pero ilang libong beses na kitang pinatay sa isip ko!"agad sagot no K.

Pinaningkitan naman ng mata ni Angel si Karylle. "Talaga?"

"Bhe, lesson #1: Don't trust words. It's a trap."K said before she walks out from her room.

___

Ilang minuto nang nakatayo si Peter at kaharap ang isang malaking transparent glass-wall na makikita ang kabigha-bighaning overlooking view of the city.

Hindi niya kasi maintindihan ang sarili dahil hindi maalis-alis sa kanyang isipan ang kauna-unahang babaeng dinala niya sa kanilang mansiyon.

Para siyang timang dahil bigla-bigla na lang siyang ngingiti kapag naaalala niya ang pag kaweirdo ng babaeng yun.

"Sir? Okay lang po ba kayo? Napansin ko kasing kanina pa po kayo lutang."biglang sambit ni Jhong ang sekretarya niya.

Atomatiko namang hinarap ni Peter ang sekretarya niya.

"Nah, I'm just.. tired."sabi ni Peter sabay upo sa kanyang swivel chair.

"Kung babae po yan, ba't 'di niyo po i-text o tawagan?"

Napalingon naman bigla si Peter na kanina lang nakayuko sa direksyon ni Jhong.

"How did you know?"halatang takang tanong ni Peter.

"Sir, lalaki po ako. Kaya kahit anong tago pa yang gawin niyo, maaamo'y ko parin yang baho niyo."

"Bakit ba?! Ano bang amo'y ko?!"naiiritang tanong ni Peter.

"Amo'y 'baby' po!"masiglang sagot ni Jhong.

"Aba-"napatayo naman si Peter dahil sa biro ni Jhong.

"Joke lang po, sir. Bye sir!"sabay takbo palabas ng opisina.

___

6:08 na ng gabi, ngunit hindi parin umuwi si Angel. Nakahiga sila ngayon sa kama ni Karylle habang naggigirls talk.

"Ikaw babae ka! Umamin ka nga sa akin. Hindi ka ba nabighani sa alindog ng Adonis na yun?"paturo-turong tanong ni Gel.

"Sino? Si Peter? Inaamin ko.. nakaka-intimidate siya, pero mas mahal ko yung trabaho ko, bhe."

"Girl! Wag magsalita ng tapos, baka iiyak ka sa huli niyan. Sa hotness at poginess ng binabanga mo pati panty sa sampayan kusang lalaglag kapag ang isang Peter Jackstone na ang dumaan. Imposible namang hindi ka nagdalawang isip na banggain ang isang mala-God of all Gods na yun?"didiritsong saad ni Angel.

Sasagot na sana si Karylle ng biglang nagliwanag ang phone niya at biglang nag-flash ang isang mensahe galing sa God of all Gods na tinutuko'y ni Angel.

From: #14(Peter)

Get ready. I'll fetch you later.

Napangiti naman si Karylle ng wala sa oras kaya agad na-hint ni Angel kung sino ang nag-text.

"Speaking of the overflowing poginess.. siya ba ang nag-text? Overflowing din kasi yang laway mo eh. Wag masyadong pahalata, bhe!"natatawang pag amin ni Gel.

"Inggit.ka.lang!"

"Malamang! Sino namang babae ang hindi maiinggit sa sitwasyon mo ngayon? Gaga ka lang!"Angel rolled her eyes in frustration.

___

Kasalukuyang nasa backseat ng sasakyang naka-upo si Karylle at Peter. Nasa driverseat naman si Jhong na sekretarya-driver ni Peter. Habang abala sa pag mamaneho si Jhong, nag-uusap naman ang dalawa sa likod.

"Ba't biglaan? Anong nangyari?"halatang nag-alalang tanong ni K kay Peter.

"Wala.."

"'E ano 'to? Date?"

Bahagya namang natawa si Peter dahil sa pag kaprangka ni Karylle.

"I really like your smart mouth Ms. Tatlonghari."

"Well, I'll gonna take that as a compliment. "

"Bakit naman hindi?"kuno't noong tanong ni Peter.

Hindi naman maiwasan ni Karylle ang mam-blush dahil sa pag kalagkit-lagkit na titig ni Peter sa kanya.

"Don't look at me like that."

"Like what? Hanggang ngayon hindi ka parin naniniwala na you're definitely stunning?"

Mas lalong namula ang pisngi ni Karylle kaya nag-iwas na siya ng tingin kay Peter at humarap sa may bintana ng sasakyan.

"San mo ba ako dadalhin?"

Naramdaman naman ni Karylle na umupo na ng maayos si Peter at sumandal sa upuan ng sasakyan.

"Lead the way. You win, remember?"

Nagtaka naman si Karylle kaya hindi niya napigilang lumingon kay Peter.

"Sa ano?"kuno't noong tanong nito.

"The bet?"

Pumikit si Karylle at pilit na inaalala ang nagpag-usapan. Ngunit habang nakapikit siya, nakatitig naman sa kanya ang binata na parang menomorya ang mukha ng dalaga.

Ng nagdilat na ang dalaga, agad namang nagbawing tingin ang binata. Ngumiti ito sa kanya ng pag katamis-tamis kaya lalo siyang nailang.

"Kumain ka na ba?"tanong ni K.

Marami pa sanang gustong sabihin si Peter, ngunit ng masilayan niya ang ngiti ng dalaga he lost his words.

Umiling lang ito bilang sagot.

"Good! Sir, i-kanan niyo po."utos ni K sa driver sapay palak-palak.

Hindi naman maiwasan ni Peter ang hindi mapangiti.

___

A/N: Masheket meng esepen.. pero may ibang readers na akong hindi na nagpaparamdam. Asan na kayo mga anak? Comment din kayo para malaman ko ang presenya niyo.

PS: Salamat sa lahat ng sumusuporta sa storya kong to.. specially sa ultimate pusher ko @AnningAko. Love u girl!

Blank Space || KaPeteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon