x19x

1.6K 62 12
                                    

Nasa harapan na siya ng pinto. Hawak-hawak na rin niya ang doorknob. Pumikit muna siya and gathered his all strength bago binuksan ang pintuan kung sana sa likod nito ay ang isang batang sabik na sabik na makita at makausap siya. Si Ely ang batang yun.

Nadatnan niya itong nakahiga sa may kama. Nangangaya't na ito at halatang mahina na ang katawan. Lagas na din ang buhok nito at putlang-putla narin ang mga labi nito na para bang nakakita ng multo. May katabi rin itong oxygen na tumutulong upang makahinga ito ng maayos.

Hindi gusto ni Peter ang nakikita niya dahil ibang Ely na kasi ang nasa kanyang harapan.

Masayahing bata si Ely kaya hindi niya lubos akalain na magkakaganon ito.

"Ku-Kuya.."hirap ngunit pilit paring ngumiti si Ely upang hindi mag-alala ang kanyang minamahal na Kuya.

"Ely..."halos pabulong na tugon niya.

Kaagad naman niyang inalalayan ito dahil pansin niyang gusto nitong umupo. Pinatong niya ang dalawang unan sa bandang likuran ni Ely upang may masandalan ang bata.

"Bakit ba gusto mo dito? Pwede namang sa ospital ah. You knew I owned the most advance and known hospital in this country. Tapos yung Ninang Dawn mo pa ang President do'n kaya I can assure you na may special treatment ka do'n. And also, my Mom will be your personal Doc-"

"E-Enough, Kuya."agad namang napahinto si Peter sa inasal ni Ely.

"Y-You h-had.. enough."maluha-luhang saad nito.

Napayuko si Peter at tumabi ng upo kay Ely. Napakaga't labi siya bago hinarap ang naluluhang si Ely.

"No.. I don't, Ely. And it's either you like it or-"

"Kuya.. p-please.. pa-pagod na 'ko."lalong namuo ang mga luha nito na nagbabadya ng tumulo.

Hindi naman maiwasan ni Peter na mapalingon sa ibang direksyon dahil mismo siya, na i-iyak na rin sa mga nangyayari. Halata na rin kasing nahihirapan na talaga si Ely.

"I-ilang tre-treatment... se-se-seminar at ro-rosaryo ang n-na.. daan k-ko, wala-la pa rin eh. Si-siguro.. ma-ma-maik-maikling kandi-dila l-lang a-ang.. si-sinindi-han ni Pa.. ni Papa Jesus.. para s-sa.. akin."kahit halatang nahihirapan na siya nagawa pa nitong magbiro upang maibsan ang tensyon na nakagitna sa kanila.

"'Wag kang magbiro ng ganyan. I'm not buying it."napa-iling nalang si Peter at halatang pinipigilang hindi madala sa sitwasyon kahit nagbabadya na rin ang mga luha nitong tumulo.

"K-kahit wa.. walong ta-taon lang a-akong... mabu-"

"Mabubuhay ka."biglang putol ni Peter sa gustong sabihin ng bata dahil ayaw niyang marinig ang gustong sabihin nito na parang namimilin na o namamaalam.

Hinawakan niya ang dalawang pisngi nito at pinaharap sa kanya. Napakurap naman ang bata kaya agad kumawala ang kanina pang nagbabadyang tumulo na mga luha nito sa mga mata niya.

"I would do everything even anything.. mabuhay ka lang. Ultimo buhay ko i-susugal ko, mabuhay ka lang ng mahaba dito sa mundo. 'Di ba, gusto mo pag laki mo maging kagaya ng Kuya Peter mo, 'di ba? 'Di ba gusto mo maging matapang kagaya ko 'di ba? 'Di ba gusto mong maging sikat dahil sabi mo sa akin upang makatulong ka sa mga naaapi o kapos? 'Di gusto-"

"Gusto.. gusto ko l-lang.. ma-maging masa.. masaya k-ka, K-Kuya."kasabay no'n ang pag patak ng mga luha galing sa mga mata ni Peter. Hindi niya na mapigilan ang emosyon niya dahil mas lalo siyang nasasaktan kapag nakikita niyang pinipilit ni Ely na maging masaya sa harapan niya upang hindi siya mag-alala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blank Space || KaPeteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon