x2x

2K 71 2
                                    

[Hi sa pinakaMAGANDA kung kapatid dyaaaan! hahaha This CHAPY is dedicated just for you. :) ]
____
"Hindi ka na nahiya?! Kalalaki mong tao—nananakit ka ng babae?!"

Dahil sa kalasingan—imbis na makinig sa bangayan ng dalawang random guys na nasa kanyang harapan, inaamoy-amoy ni Karylle ang likuran ng binatang nagtanggol sa kanya dahil bangong-bango siya dito.

"Wag kang maki-alam dito, brad!"

"Don't call me 'brad' cause we're not closed! Sabagay.. hindi naman mukhang babae yang girlfriend mo."

Napikon lalo si Mr. Payatot, kaya kinwelyuhan na niya si Mr. Leather jacket. Sakto namang dumating ang mga pulis at ang manager ng bar, kaya hindi na lumala pa ang gulo. Iniwanan ng mga pulis ang dalawa at pinagsabihan na bawal gumawa ng eksena—lalong-lalo na sa pampublikong lugar. Agad namang huminahon ang dalawa, ngunit imbis na umalis na, nilapitan ng lalaking naka-leather jacket si Karylle. Napansin kasi nito na nanlalamig na ang dalaga dahil sa sexy red short cocktail dress na suot nito. Kaya nilagay niya agad ang kanyang jacket sa mga balikat ng dalaga. Napa-ngiti naman si K dahil sa kalasingan.

"Who's with you? Wala ka bang ibang kasama?"nagtatakang tanong ng binata.

"I'm with my dress, stiletto and clutch."lasing na sagot ni K.

"And by the way, I'm K."dagdag pa nito sabay alok ng kamay sa binata.

"And I am—"

"K!"

Napalingon naman agad si Karylle sa taong tumatawag sa kanya, dahil kilalang-kilala niya kung kaninong boses ito.

"Uy, Gel! Nandyan ka pala."

"Let's go!"mautoridad na deman ni Angel. Ngunit, bago niya hilain si Karylle, humarap muna ito sa lalaking kausap ni K.

"Gaaad! My manners. I'm sorry, Mister. Salamat nga pala sa pag alaga nitong silly little witch."

"My pleasure... young lady."sabay halik sa knuckles ni Angel.

Agad namang namula si Angel. Kaya bago pa mahalata ng lalaki ang pisngi niya—tumango na lang ito at ikinaladkad si K palabas ng bar.

____

Napalingon naman si Angel habang nagda-drive sa direksyon ni Karylle dahil kanina pa ito tahimik, simula nang hilain niya ito palabas ng bar. Nadatnan niyang, kaya pala ito tahimik dahil sa inaamoy-amoy nito ang jacket na nakapalupot sa katawan nito. Napa-iling na lang si Angel sa inaasta ng kaibigan.

"Ba't ka ba naglalasing?"basag ni Angel sa katahimikan.

"I'm just celebrating my victory, darling."papikit-pikit matang sagot nito.

"Over? Maglalasing talaga? Wag mong sabihin na naiinlove ka na don?"nagsasalita habang nakatingin parin sa daan.

"Tsss.. Cash is better than man. Remember that!"

"'E.. yung Mr. Leather jacket?"

"You wish! Hindi ako malandi no!"sabay talikod kay Angel.

"Noon, tignan lang natin ngayon."pabulong na sinabi ni Angel.

____

Habang nakatingin sa lights ng city covered with a transparent glass wall. Alalang-alala na si Ms. Dawn sa kanyang anak na si Peter. Mag tri-3 o'clock na kasi ng umaga, ngunit hindi parin ito umuuwi. Nag-away na naman kasi sila kaya mas lalo siyang nabahala. Maya-maya, may narinig na siyang yabag ng sapatos kasunod pa nito ang mapangakit na amoy at alam na alam niya kung sino ito. Lumingon siya sa taong kanina pa niya hinhintay. Papaakyat na ito sa hagdanan, kay agad niya itong tinawag.

"Son, where have you've been? It's almost 3 o'clock in the morning."

Huminto naman si Peter at humarap sa Ina.

"It's none of your business..MOTHER."madiin nitong pag kasabi ng 'mother' at naglakad paakyat.

Hindi parin nagpatinag si Ms. Dawn, kaya hinila niya ang anak, upang humarap ito sa kanya.

"Don't turn your back at me. Kinakausap pa kita!"

"Bakit?! Hindi mo ba tinalikuran si Papa?"

Pinagpatuloy na ni Peter ang pag akyat papunta sa kwarto niya. Hindi na ito na pigilan ng kanyang Ina dahil hindi siya makapaniwala na nasabi iyon ng kanyang anak.

____

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo."sabi ng isang sekretarya ni Anne sa kanya.

"Can't you see na I'm too busy in here?!"

"'E... ma'am, nagpupumilit po eh."

Napalingon naman si Anne."Sige,papasukin mo siya, Jane."

Sinunod naman agad ito ni Jane. Si Anne Curtis-Smith ay ang nagmamayari ng isang secret agency ng mga paid Casanova. Kung saan nagtatrabaho sina Angel at K.

Laking gulat ni Anne ng may bumungad sa kanyang isang babae na kalat na kalat na ang mascara sa kanyang mata dahil sa kaiiyak. Nagmumukha na tuloy itong panda.

"What can I do for you, Miss?"taas kilay na tanong ni Anne.

"Give me your best agent and I'll pay her the best as I can!"

____

ABANGARRRN...

(A/N): Gaaad! Short UD for today. Nadi-drained na kasi tong utak ko dahil nagiisip din ako kung pano ko pag paplanohan ang pinangako kung regalo sa inyo sa DH story ko. Nakaka... nakaka... nakaka... nakakabuntis! Hahahaha joooke. Sige, hintayin niyo na lang din ang next UD ko nito, pati narin sa special chapy ng Dark Horse. Salamat ulit readers/sweethearts!

Blank Space || KaPeteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon