x11x

1.3K 55 3
                                    

"Twinkle.. twinkle little sh*t.. How I wonder you will get f*ck.."

Kumakanta si Angel habang nakasandal sa may pintuan ng unit ni Karylle. Maraming tao ang dumadaan sa corridor na yun, kaya marami siyang naagaw na atensyon.

Yung mga bata namang dumadaan, tinatakpan ng mga Ina ang mga tenga upang hindi marinig ang nursery rhyme song na naging curse song na ni Angel.

"Up above the world so high.. Like a little deck in the sky.. Twinkle.. twinkle little shi-K!"hindi na natapos ang pag kanta ni Angel dahil sa presensya ng babaeng kanina pa niya hinihintay.

"Hoy! Babaeng kabuti, saan ka galing?"tanong ni Gel sabay tayo na pagiwang-giwang.

Namilog naman ang mga mata ni Karylle dahil sa nakitang wasted na Angel na nakatayo sa may pintuan ng kanyang unit.

"Tabi babaeng amoy aso!"sabi ni K at sinusian agad ang pinto ng unit niya.

Ng nabuksan na ni Karylle ang pinto, dumiritso na siya sa kanyang kwarto upang magbihis. Sinara muna ni Angel ang pinto, bago sumunod kay Karylle.

Pag pasok ni Angel sa kwarto ni K, agad sumalubong sa kanya ang nagbibihis na Karylle.

"Ooooh.. sexxy bitch!"manghang biro ni Gel.

Napahinto naman si Karylle at napamewang habang undergarments lang ang suot nito.

"Ba't ba naglalasing ka?"

"Hindi ako lasing!"pag dedeny ni Angel sabay pabagsak na higa sa kami ni K.

"'E ba't amo'y alak ka, aber?"

"Fvck you!"yun nalang ang nasabi ni Angel, dahil totoo naman kasing lasing siya.

"Lasing ka nga,"at pinagpatuloy na ni K ang pag bibihis.

"Ba't sa akin napunta lahat ng tanong? Kaya nga ako pumunta dito dahil i-tatanong ko sana sayo bruha kung san ka natulog kagabi?"sabay paturo-turong sabi/tanong ni Angel.

Dahil tapos ng nagbihis si K, umupo na ito sa kama katabi si Angel na nakasandal ang ulo sa may headboard ng kama.

"Guess what?"Karylle wiggle her brows.

"'E 'di walang kwenta din ang pag tatanong ko dahil tinanong mo rin ako pabalik."Angel rolled her eyes.

"Ha-ha,"sarkastikong tawa ni K. "Very funny, Gel. Kailan ka pa naging Kill Joy?"dagdag pangaasar nito.

"At kailan ka pa natutong mang-iwan?"balik tanong ni Gel sabay tayo.

"Simula nong naging paid Casanova ako."payak na sagot ni K.

"You know what I mean, bruha. Saan ka ba nagsusuot kagabi? Ba't bigla ka nalang nawala?"nakapamewang na tanong ni Gel.

"Busy ka kasi sa HANDSOME mo, kaya naghanap nalang ako ng ibang makakausap."

"Wag mo ngang i-paalala sa akin ang hayop na yan!"padabog na higa ulit ni Gel sa kama.

"Ay, teka! Bakit naging hayop si Handsy? Ano ba talaga kasi ang nangyari?"sabay upo sa sariling kama.

Napa-upo naman si Angel sa kama wearing her poker face.

"Mahal ko na ata ang g*go.."walang reaksyon na pag amin ni Angel.

"Woooah.. you crossed the line girl! Don't forget the rules."pag babanta ni K.

"Ano bang pake ko sa mga rules-rules na yan, kung itong lintik na puso ko may sariling rules!"sigaw ni Angel dahil sa kalasingan at dahil narin sa galit na nararamdaman.

Blank Space || KaPeteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon