x9x

1.4K 61 0
                                    

Pag katapos nilang mag-almusal, nasa lounge area ng bahay si Peter. Naka-upo ito sa isang milk-color sofa at naka-cross legs pa. Nagbabasa ito ng dyaryo with his sexy nerdy glasses.

Masinsinan namang nag uusap si Ms. Dawn at K, habang naglalakad papunta sa inuupuan ni Peter.

"Alam mo, Iha, mahilig tumugtog yang anak ko. Kumakanta pa nga yan eh."nakangiting saad ni Ms. Dawn.

"Talaga po? Tumutogtog.. as in, marunong siyang magpatugtog ng iba't-ibang uri ng instrumento?"halatang manghang tanong ni K.

"U-huh, but piano is his most favorite instru."buong pag mamalaki ni Ms. Dawn sa anak.

Huminto naman bigla si Karylle, kaya napahinto narin si Ms. Dawn at tumingin sa dalaga.

Halatang may tinitignan ito, kaya napatingin narin siya sa direksyong tinitignan nito.

"Sa-sa.. sa kanya po ba yang old grand piano?"sabay turo sa bagay na tinutukoy.

"Yeah, kaso hindi ko na siya nari-"hindi na natapos ang gustong sabihin ni Ms. Dawn dahil tumakbo na lang bigla si K papunta sa direksyon ni Peter.

"Hindi ko na siya nakita o narinig na tumugtog, simula ng gabing iyon."bulong ni Ms. Dawn sa hangin, sabay sunod kay Karylle.

___

"Petpet!"

Napatingin naman si Peter kay Karylle na kunot ang noo. Hindi kasi siya komportable sa inaalyas sa kanya ng dalaga.

"Tumugtog ka."pa-cute look pang request ni K.

Sinamaan lang ng tingin ni Peter si Karylle, dahil hindi siya makapaniwala na alam nito na marunong siyang tumugtog ng instrumento. Ngunit, hindi naman nagpatinag si K. Imbis na matakot, mas lalo pa itong nagpapaawa kay Peter na tumugtog.

Napahanga naman si Peter sa ginawa ni Karylle dahil siya lang ang kaisa-isang babae na hindi nasindak sa mga titig niya.

"Ano bang gusto mong tugtugin ko?"sukong tanong ni Pete kay K.

Nagulat naman ang bagong dating sa pwesto nila Peter na si Ms. Dawn dahil sa naging tanong ng kanyang anak kay K. Kabaliktaran kay Karylle na nagnining-ning ang mga mata dahil tumalab ang pag mamakaawa niya kay Peter.

"Kahit ano.. basta, galing sa puso mo."with a genuine smile na sagot ni K.

Tumayo na si Peter at naglakad papunta sa old grand piano niya. Naka-bunto't naman sa kanya ang nakangiting ipis na si Karylle.

Naka-upo lang sa may couch si Ms. Dawn na minamasdan ang dalawa. Hindi parin kasi nagsi-sink in sa utak niya na tutogtog ulit ang anak niya!

Umupo na si Peter at umusog ito ng kaunti upang maka-upo rin si K sa tabi niya. Hindi naman maitago ni Karylle ang pulang-pula niyang pisngi. Ikaw pa naman makatabi ang isang Peter Jackstone? Tapos, titigan ka pa ng pag kalagkit-lagkit. Jusko! Nawawala ovary ko! Hohoho

"Let's have a deal."napalingon naman si Karylle sa narinig.

"What kind of a deal?"kunot noong tanong ni K.

"Just simple, kapag napa-impress kita sa pag papiano ko, i-susugal mo ang isang araw na... kasama mo lang ako."

Natawa naman si K dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Peter.

"'Eh pano kung hindi?"

"I-susugal ko ang isang araw, makasama lang kita. And the best thing is.. my treat."

Hindi alam ni Karylle kung bakit sa simpleng hirit ni Peter, kinikilig na siya. Ngunit, alam niyang dapat hindi siya mahulog sa lalaking nasa kanyang tabi. Kumakapit parin kasi siya sa pananaw niyang trabaho lang to, walang personalan. Samahan pa ng linya niyang paulit-ulit na pinapaalala ng kaibigan niya na 'I love my job'.

"Deal!"

Peter starts playing the piano by pressing the black and white keys that produces sound, because the small hammers inside the piano hits the steel wires.

Intro pa lang, nahint na ni Karylle kung anong chords ang tinugtog ni Peter, kaya mas lalo siyang napangiti dahil nasasabayan niya ang tugtog.

Tahimik namang minamasdan ni Ms. Dawn ang dalawa.

"Mam,"

Napahawak si Ms. Dawn sa kanyang dibdib dahil sa pag kagulat. Bago humarap sa tumawag sa kanya.

"Ginulat mo naman ako, Buttercup."

"Pasensya na, mam. Kanina ko pa kasi napapansin na titig na titig ka dyan sa anak mo, kasama ang Pilipinang hilaw niya."

"Buttercup.. be nice. Dapat nga tayong magpasalamat kay K, dahil siya lang ang nakakagawa ng ganyan sa anak ko. Look.. look what she did."sabay turo sa direksyon nila K at Vice. "That thing.. is a very big thing for me. Nakikita kong unti-unti niyang binabalik ang anak ko sa dati. And I won't missed the chance na makita ulit sa dati ang Petpet ko.. ang Peter ko."

"Sana nga, mam.. sana nga hindi ka nagkamali na pag katiwalaan ang babaeng yan."sabay walk-out.

"Sana.. sana hindi mo ko biguin, K."bulong ni Ms. Dawn sa sarili.

___

[Bago magpatuloy sa pag basa, i-play muna ang video sa may multimedia section upang feel na feel niyo talaga ang moment.]

Nasa bandang bridge na ang tugtog, kaya hindi na maiwasan ni K na hindi mapasabay sa musika.

So, baby, now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light
Of a thousand stars.

Oh, darling, place your head
On my beating heart
I'm thinking out loud
That maybe we found love
Right where we are
Oh, baby, we found love
Right where we are
And we- found-love-right where we are

Pag katapos ng tugtugan, unang nagsalita si Karylle.

"You beat me."sukong sabi ni K.

"Nah, you surprised me-I mean.. you amazed me. Ang ganda pala ng boses mo."sabay ngiti ni Peter na makalaglag panty.

Tumawa naman si K at nag-sigh.

"Wag mo na akong bolahin, alam ko namang talo ako."

"Naimpress naman ako. Kaya sa ayaw at sa gusto mo-you win, honey."

"Baliw! 'E alam mo palang panalo na ako, may pakulo ka pang nalalaman."sabay cross-arms na litanya ni K.

Natawa naman si Peter. "Hold a sec..." nag-wink muna ito bago pumunta sa kusina upang uminom ng tubig.

Pag alis ni Peter, lumapit naman kay K si Ms. Dawn.

"You're really special to him."napalingon naman si K sa nagsalita.

"Ay, hindi naman po. Lumaking gentleman lang siguro yang si Peter."

Literal namang natawa si Ms. Dawn sa sinabi ni K dahil alam naman nito na imposible ang sinabi ni K.

"Karylle.. Karylle.. Karylle.. words mean little, when actions are proving otherwise. All you have to do first is.. believe."

___

A/N: Hi mga KALANDIAN's! Hahahahahaha I miss you mga baliw. Thank you ulit sa mga tumatangkilik ng kwento kong ito.

Blank Space || KaPeteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon