x18x

1K 48 11
                                    

"Kidhaus Orphanage? Anong gagawin natin dito?"sunod-sunod na tanong ni Karylle ng makababa na sila sa sasakyan ni Peter.

"Let's just go inside. You'll see."simpleng sagot ni Peter at nagsimula ng maglakad papasok ng Orphanage.

Papasok na sana si Peter ng mapansin niyang hindi pala sumunod si Karylle sa kanya. Nakatunga-nga lang ito sa parihong pwestong kinatatayuan nito kanina.

"What are you waiting for? Let's go."sabi ni Peter sabay hila kay K.

Pero pinigilan siya nito.

"Teka! Akala ko kasi.."nahihiyang sabi ni K.

"What?"

"Akala ko kasi you're just a.. ah.. uhmm.."she hardly find a perfect word na bagay sa sasabihin niya.

"There is more about me, K. But my Door of Life is open when it comes to you."

At don! Hindi lang panga ang nalaglag pati puso narin ni Karylle. Charooooot!

___

"Hijo!"masayang bungad nina Mother Shahani at Mother Hanne sa dalawa.

"Kamusta po?"puno ng respetong tanong ni Peter.

"Buti nama't napadalaw ka. Miss ka na namin dito. Lalo na ang mga bata."maligayang sabi parin ni Mother Hanne.

Hindi naman mapigilan ni Karylle na hindi ngumiti sa nakikita niya. Nakikita na kasi niya ang TOTOONG Peter Jackstone behind those bad rumors na nasasangkutan nito, sabayan pa ng consistent-sincere-smile nito na lalong nakakapag tunaw ng malabato niyang puso.

"At sino naman 'tong napakagandang dilag na nasa 'king harapan, aber?"tanong ni Mother Shahani habang manghang nakatingin kay K.

"Siya na ba ang asawa mo, Pedro?"nakangiti ding tanong ni Mother Hanne kay Peter.

Agad namang umiling si Karylle sa kanilang dalawa at ngumiti. "Hindi po. Ako nga po pala si Karylle. Kaibigan ni Peter."

Bahagya namang kumuno't ang noo ni Peter na hindi naman napansin ni Karylle dahil nakatuon ang paningin nito sa dalawang madre.

"Ay! Ang hina mo, hijo."biro ni Mother Hanne na ikinatuwa naman ni Mother Shahani.

"Oh sya! Maghahanda muna ako ng meryenda para sa inyo. Mauna na akong pumasok ha."magalang na paalam ni Mother Hanne sa kanila.

"Salamat, Nay."tumango naman si Peter bilang pag sangayun. Kasunod non ang pag alis ni Mother Hanne sa kanilang harapan.

Pag kaalis na pag kaalis palang ni Mother Hanne, sumunod namang dumumog sa kanila ang mga masasayang bata na akalain mo'y parang walang pinagdadaanan sa buhay.

Napangiti naman ng malaki si Mother Shahani dahil natutuwa siyang pag masdan ang dalawang magkaIBIGAN na masaya din sa presensya ng mga bata. Totoo nga nakakagaan ng loob ang mga bata dahil para silang mga munting anghel.

"Ang pugi niyo parin, Kuya Pete."kinikilig na sabi ni Alex, ang payato't na bata.

"Ang gondo naman niya, Koya. Sino sha?"sabay turo na tanong ni Toni kay Karylle.

"Siya, ang Ate Karylle niyo."kaswal na sagot ni Peter sabay turo kay K.

"Aaah.."sabay nilang sabi.

"Tara Kuya! Parang dati lang, acting-actingan tayo tas ako na naman yung Direktor!"masayang pangungumbinsi ni Paul na ang gusto ay maging Movie Director pag laki.

Blank Space || KaPeteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon