x7x

1.2K 62 6
                                    


"Ito! Ito ang partner ko!"sabi ng babae na kaaka'y-akay kay Peter.

Tumingin muna ang Event Organizer kay Peter at agad nanlaki ang mga mata ng kalbo.

"Aaa... e.. pasok.. pasok. Sorry Sir, kayo pala ang kasama ni Ma'am."payuko-yuko pang bati ng EO.

Hindi naman pinansin ni Karylle ang mga sinabi ng EO at naglakad papasok sa venue na kaaka'y-akay parin si Peter. Little did she know na ang hinila-hila niyang lalaki, ay ang same guy na nagtanggol sa kanya sa bar, noong isang araw.

Nakapasok na sila sa venue, ngunit nakahawak parin si K sa kanang braso ni Peter. Agad namang namukhaan ni Peter ang dalaga, kaya napangiti ito at tinanggal ang braso niya na hawak-hawak ni Karylle kanina, upang mahila niya sa bewang ang dalaga.

Napahawak naman si K sa firm chest ni Peter at agad nagkatinginan silang dalawa.

"Ganito na lang, para hindi ka mahirapan."manly voice na bulong ni Peter.

Apat na sigundo din silang nagkatitigan, ngunit na-realize ni Karylle kung sino ang nasa kanyang harapan. Agad nanlaki ang mga mata ni Karylle at kumalas sa mga bisig ng binata.

"Aaamm... mmmh. I'm sorry."sabay yukong sabi ni Karylle.

"I can't accept your apology."

Napatingala naman kaagad si K dahil sa narinig.

"You owed me. Right?"

Karylle raised her brows. "Then?"

"Then... you owe me a date!"

"Hala! Basta ikaw ang gagastos. Ikaw ang lalaki eh."

Natawa naman ng mahina si Peter dahil sa kakyutan ng babaeng nasa kanyang harapan.

"Not literally a date. Just-be with me tonight. I wan't you to be my date, tonight."he smiled genuine to K.

"Sinimulan mo, kaya tatapusin natin."dagdag pa ni Peter.

Tumingin naman sa kanan si Karylle sabay bulong, "Gusto mo, araw-arawin pa natin eh."

"Excuse me?"

"Ah-wala! Tara na."

Naka-upo na sila ng maayos, ngunit hindi nila katabi ang mga kasamahan nila. Simula kasi ng makapasok na sila, hindi na nila matanaw ang mga kaibigan nila.

Nasa kalagitnaan na ang palabas ng biglang nag 'excuse' si K kay Peter dahil pupunta daw ito saglit sa comfort room. Nagpumilit naman si Peter na samahan siya kaya hindi na nakapalag si Karylle.

Pag pasok pa lang ni Karylle, hindi niya inaasahan ang sunod na nangyari.

Napasigaw siya kasabay ng pag bagsak niya sa sahig ng CR, sa kadahilanang nadulas ito. Hindi kasi niya napansin na bagong linis pa ang sahig, kaya basang-basa pa ito.

Kahit nag dadalawang isip na pumasok, nanaig parin ang pag alala ni Peter kay Karylle. Pumasok siya at binuhat si K papunta sa sink ng rest room. Nagpalinga-linga muna siya, baka kasi maraming babae ang nasa loob, buti na lang sila lang pala dalawa ang tao sa loob.

"You okay?"halatang nag-aalalang tanong ni Peter kay K.

"Mukha ba akong 'okay'?"naiiritang sagot ni K.

"Saang banda ba ang masakit?"at hinawakan ni Peter ang kaliwang paa ni Karylle.

___

Ilang minuto na lang at puputok na ang pantog ng kalbong EO, kaya nagmamadali na siyang pumunta ng CR. Ngunit, napahinto siya dahil sa mga narinig na anas ng mga taong nasa loob ng girls comfort room.

"Aaaaaah! Masakit! Aaa-aray!"

"Huminahon ka nga, baka marinig nila tayo dito eh."

"Masakit naman kasi-dahan-dahanin mo nama-aray! Dahan-dahanin mo naman, alam mo namang masikip eh!"

"Yeah yeah.."

May dalawa ding babae ang gustong mag CR, ngunit napahinto din sila dahil sa mga narinig.

"Aaaah.. aaaray! Aray! Jusko! Ang hapdi..."

"Oh.. ayan, tapos na."

Inilalayan na ni Peter si Karylle na tumayo. Kahit nahirapan paring maglakad, pinilit parin nitong maglakad papunta sa entrance ng CR.

Laking gulat nila, dahil sa pag labas nila-marami ng taong nakatayo sa labas ng rest room.

Tinignan sila ng masama sa lahat mga taong nandon at pinandidilatan ng mata.

"Kung may balak kayong maglandian, don anaman sa desinting lugar, wag dito. Kulang na lang ipagsigawan ninyo eh!"naiiritang litanya ng isang babae.

"Oo nga, para namang may kaya, pero hindi man lang nagpunta sa hotel. Ang baboy."sabi ng isang matabang babae.

"Sayang, ang pogi pa naman ng lalaki."hirit ng isa pang babae.

Umalis na sila, at naiwan sina K at Vice na naguguluhan sa mga nangyayari. Nagkatinginan muna sila, bago tumakbo papunta sa salamin ng rest room. Agad nanlaki ang dalawang mata nila sa nakitang sariling repleksyon nila sa salamin ng CR.

Pawisan ang mukha ni Peter. Namumula naman ang pisngi ni Karylle. Sinamahan pa ng messy bun na buhok nito.

Kagad tinakpan ni Karylle ang kanyang mukha gamit ang kanyang dalawang kamay. Napangiti na naman si Peter sa nakita.

"Anong ginagawa mo?"

"Nahihiya ako.."patuloy parin sa pag takip ng mukha.

Hindi naman matangal-tangal ang ngiti sa mga labi ni Peter.

"Why you're so adorable?"tanong ni Peter out of the blue.

Pero sadyang bingi si K, kaya ang narinig niya ay...

"Ano? Ako? Dora?"

Umiling na natatawa si Peter at hihilain na sana si K palabas ng CR ng biglang pumalag si K.

"Eeeee.. ayokong bumalik don."pailing-iling pang sabi ni K.

"'E, san mo ba gustong pumunta?"nagtatakang tanong ni Peter.

"Kahit saan, take me anywhere you wan't. I really don't care."

"Oh, well.. yan ang sabi mo eh."sabay buhat kay K na pa bridal-style.

___
ABANGARRRN

A/N: Hi Kalandian's! Salamat ulit sa walang sawang pag suporta sa istorya o mga istorya ko. I Love you guys :*

PS: Comment naman kayo mga bhie.

Blank Space || KaPeteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon