x15x

1.2K 58 6
                                    

Nasa may gilid ng pool naglalakad-lakad si Ms. Dawn. Halatang malalim ang iniisip nito dahil balisa itong naglalakad na nakatingin sa malayo.

Hindi din kasi maalis-alis sa kanyang isipan ang mga sinabi ng kanyang anak.

"Anak, alam kong hanggang ngayon galit ka parin sa akin. And I'm sorry for every-"

"You should be."

"I hate it when you treated me like a 5 years old kid. Don't you see? I'm already a man! So please.. be honest to me."

"Hindi yan ang punto ko! What I'm trying to say is.. you should tell me the truth! Yun lang naman ang hinihingi ko sayo ah, KATOTOHANAN! Mahirap bang ibigay yun?!"

Napapikit nalang si Ms. Dawn at pinipigilang hindi tumulo ang mga luha niya.

"Pitong taon! Pitong taon na ang lumipas ng maghiwalay kayo ni Papa! Pero hanggang ngayon, hindi mo parin maamin-amin sa akin kung ano ba talaga ang totoong dahilan why your marriage didn't worked?!"

Hindi na napigilan ni Ms. Dawn ang pag patak ng kanyang mga luha. Iniyak nalang niya lahat ng sakit, inis at galit na nararamdaman ng puso niya.

Sakit, dahil unting-unting lumalayo na ang anak niya sa kanya. Inis, dahil wala man lang siyang magawa na hilain ito. Galit, na galit siya sa sarili niya dahil hindi niya masabi sa anak kung ano ang totoo.

Nagpunas na siya ng luha gamit ang dalawa niyang kamay habang patuloy paring naglalakad-lakad sa bandang gilid ng pool.

Napahinto siya ng may maapakan siyang isang bagay. Agad niya itong pinulot at sinuri kung ano ito.

Nagulat siya ng malaman niyang isa itong ID sa isang paid Casanova's Agency. Ngunit, biglang pumatak ang pinipigilan niyang luha ng makilala ang taong nasa litrato.

___

"Pagod.. na.. ako... ayoko na."hingal na pag amin ni Karylle sabay sumandal sa isa sa mga sasakyan ng Parking lot.

Ngumiti muna si Peter sa kanya bago tumabi narin kay Karylle na sumandal sa sasakyang hindi naman nila pag mamay-ari.

"Kita mo.."sabi ni K sabay turo sa mga sasakyan na nasa Parking lot. "Dahil sa kapilyuhan mo, umabot tuloy tayo dito."dagdag kumunto ni K na nakatingin lang sa mga sasakyan.

"I missed this.."napalingon naman si Karylle sa direksyon ni Peter dahil sa sinabi nito.

"I miss my childhood life. Kasi kapag bata ka, puro laro lang ang nasa iyong isip. Walang malalalim na problemang iyong masasangkutan, dramas, overthinking, rejections, financial prob-"

"Wait? What? Financial problem? Ang yaman niyo-let me correct that-MO kaya."saad ni K.

Umiling naman si Peter bago sumagot.

"We all do have problems when it comes to money. Well-to-do ka man o hindi. Sa mundong ito, money is a big thing."masuyo namang nakikinig si Karylle dahil hindi siya makapaniwalang nag sasalita na si Peter sa kanyang mahahabang salita.

"Kapag mahirap ka, namumublima ka dahil wala kang pera. Kapag mayaman ka naman, namumublima ka kong paano mo gagastusin ang iyong pera na hindi ka malulugi at babalik din sa'yo. Come to think of it.. parang mas big issue pa nga ang "pera" sa mundong ito kay sa "pagmamahal" na sabi nila."nakatitig lang si K sa mga mata ni Peter.

Nang mapansin ni Peter na nakatitig lang si Karylle sa kanya, agad siyang nakaramdam ng pag ka-conscious sa sarili na hindi naman niya naramdaman noon.

"What?"kuno't-noong tanong ni Peter.

Yumuko naman si Karylle habang umiiling. Tapos tinitigan niya ulit si Peter. "Catch-phrase mo talaga yan ha."

"Ang ano?"

"Yan.."sabi ni K with hand gesture.

"What?"

"Yan nga!"

"Ang?"

"Ewan ko sa'yo."

Tatalikod na sana si Karylle ng hilain siya ni Peter at ikinulong sa mga bisig nito.

"I'm so grateful to have you."halos pabulong na saad ni Peter.

Bigla namang lumakas ang pag tibok ng puso ni Karylle dahil sa ginagawang sweet gesture ni Peter dagdagan pa ng matatamis na salitang sinabi nito.

Tinulak niya ng mahina si Peter upang pigilan ang tensyon na nararamdaman niya dahil sa pag dikit ng mga balat nila.

"Mukhang nagiging sensitive na ang isang Peter Jackstone ah. I didn't see this coming."pilit ngiting sabi ni Karylle.

Gumuhit naman sa mukha ni Peter ang isang perfect smirked at pag katapos sumandal ulit sa sasakyan.

"Sumula kasi ng maghiwalay sila Mama at Papa sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako iiyak. Ayoko ng 'dramas' nakakairita. Ayoko ng 'goodbyes' nakakasuka. Ayoko ng masilumuot na buhay, pero sinimulan nila."

Nakaramdam naman ng pag kaawa si Karylle ng mapansin niyang puno ng kalungkutan ang mga mata ni Peter.

"He was the best Dad in the whole wide world. Kaya nga naguguluhan ako kung bakit sila nagkahiwalay ni Mama. Kung may pag kukulang man siya bilang asawa, hindi naman siya nagkulang bilang isang ama. Mahal na mahal ko si Papa. And Mom knows how much I love him."

Ngayon, naintindihan na ni Karylle kung bakit ganon nalang kalamig ang pakikitungo ni Peter sa kanyang Ina. Dahil ito pala ang sinisi niya kung bakit nasira ang kanilang pamilya.

Nakayuko parin si Peter at nasa harapan naman niya si Karylle. Unting-unting lumapit si K kay Peter at nilagay ang dalawang kamay sa mga pisngi nito upang i-anga't ang mukha ni Peter para tumingin sa kanya.

"Don't let the silly little dramas of each day get you down. For you are here to do great things."sabi ni K with her genuine smile na makakapag lambo't ng sino mang may batong puso.

Ngumiti lang si Peter bilang ganti.

"Pero sabi nga nila; kailangang mag "welcome" kapag may nag "thank you" sayo. Kaso.. ito lang ang alam ko eh."the last thing Karylle did, Vice didn't see it coming.

She leaned in ang brushed her lips against him and he felt his self melting into her kiss, giving in to what she felt was right in the moment, pushing all worries aside.

Naging makabuluhan ang halikan nila. Slowly but passionate kiss. Hindi na nila inaalinta kung ano ang magiging reaksyon nila pag katapos ng tagpong iyon. Ipinilupot ni Peter ang mga kamay niya sa bewang ni Karylle, upang hilain ito palapit sa kanya. Nakapwesto naman sa may batok ni Peter ang dalawang kamay ni K at pilit nitong nilalim pa lalo ang halik.

Naputol lang ang nagbabangang tagpo ng may biglang tumikhim malapit sa pwestong kinatatayuan nila.

"If you don't mind-that's my car."sabi nong lalaki at tinuro ang sasakyang malapit lang sa kinatatayuan ni Peter.

Napayuko naman si Karylle sa hiya at napahilo't naman si Peter sa kanyang batok dahil sa kahihiyan din.

Pero ng masilayan na ni Karylle ang lalaking dumaot sa kanila na may kasama din pala itong isang babae-yung namumulang pisngi niya kanina biglang sinakop ang buong mukha niya ng mapansin din niyang malanding naka-akay ang babae sa lalaking iyon.

"Phil?!"

"K?"

"Marian?"

"Pe-Peter?"

___

A/N: Soooooorry nemen. Ang tagal nagUD ng bruha. Pero salamat parin sa lahat ng sumusubaybay sa istorya kong 'to. Love yaaa KALANDIAN's!

Blank Space || KaPeteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon