x16x

1.3K 54 10
                                    

Matamlay na binuksan ni Karylle ang pintuan ng kanyang unit dahil pagod ito sa daming nangyari kanina at sa mga natuklasan niya ngayong araw.

"Karylle?!"

Muntik siyang napatalon dahil sa biglaang pag sulpot ni Angel sa kanyang harapan. Hindi niya inaasahan na nasa loob pala ng kanyang unit ang lukarit niyang kaibigan.

"Pinanganak ka talagang 'Kabuti' 'no?! Ba't ba nakapasok ka?"naiiritang tanong ni K.

"Alam ko na ang code mo! Ginalaw ko yung phone mo!"taas noong sagot ni Angel.

"Yung kamay mo talaga, Gel."naka-iling na sabi ni K habang naglalakad patungo sa sofa.

"Ano bang sadya mo dito ha? Gabing-gabi na kaya."tanong ni Karylle nong naka-upo na ito sa sofa.

"Wala. Gusto ko lang i-tanong sa iyo kung bagay ba 'tong hairstyle na 'to sa buhok ko."sabi ni Angel sabay bigay ng isang magazine kay Karylle na puro trendy hairstyles ngayong taon ang laman. [Tignan sa multimedia section ang buhok na napili ni Angel]

"Jusko! Pumunta ka lang dito sa ganitong oras para lang i-tanong sa akin, ito?! Sabog ka ba?!"'di makapaniwalang bulalas ni Karylle.

"Haist! Tama na ang anas. Tignan mo nalang kaya yan."mautoridad na utos ni Angel.

Ginawa naman ni Karylle ang gusto ni Angel. Maganda naman talaga ang pag kapostura kaso hindi niya alam kung babagay ba ito kay Angel.

"Maganda.."

"Parang si Ariel 'no?"

"Sinong 'Ariel'?"

"Yung.. seben pepte nalang!"may halong palakpak pang biro ni Angel.

Agad namang lumanding ang isang unan sa mukha ni Angel dahilan ng pag hinto nito sa kakatawa.

"Hayop ka, Gel!"

Napangiwi naman si Angel bago sumagot. "Ay! Ang GONDO mo dai!"

Nagkatinginan muna sila bago nagtawanan. Wala kasing kakwenta-kwenta ang naging resulta ng kanilang pinagusapan.

"'Di seryuso. Ba't bigla ka nalang nagplanong mag-evolve?"

"Ano 'to? Pokemon?! Kailangan ko ding magpaganda 'no! Masaklap na nga ang buhay ko pati ba naman mukha ko?!"sabi ni Angel na sinabayan din ng mga nakakatawang make-faces nito.

Natawa naman si Karylle sa kapilyuhan ng kaibigan.

"Ikaw ba? Hindi ka ba magpapagupit?"balik tanong ni Angel.

Napaisip naman si Karylle bago sumagot. "Siguro kapag nabuntis na ako."

Napaanga't naman ng tingin si Gel.

"So, ibig sabihin.. imposible?"taas kilay na tanong ulit ni Gel.

"Na ano? Na mabuntis?"takang tanong ni K.

"Na magpagupit! Tanga! Imposible kasing magkapamilya ka, sa pag kakakilala ko sayo wala sa bukabolaryo mo yun!"mahabang litanya ni Angel.

Tumayo na si Karylle upang maglakad patungo sa kanyang kwarto.

"Depende,"pahabol niyang sabi.

"Depende kung ano?"napatayo narin si Angel.

Humarap naman si K sa direksyon ni Angel.

"Basta.. depende."sabay kabit-balikat nitong sabi.

Nanliit naman bigla ang mga mata ni Angel dahil sa pag dududa.

Blank Space || KaPeteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon