PROLOGUE

4.5K 147 25
                                    

p r o l o g u e

SANDY POV'S



"Sandy! Hali ka na malalate na tayo!"

Mabilis kong inayos ang nicktie ko ng marinig ang sigaw ni Kuya Kyle. Nang matapos ay kinuha ko na ang bag ko bago bumaba sa sala.

Nadatnan ko naman si Daddy na nagbabasa ng libro sa sofa habang umiinom ng tsaa. Si Mommy naman ay kausap sa telephono si Tito Zack.

"Mom! Dad! Alis na po kami ni Kuya!" paalam ko sa kanila.

Lumingon naman sa ‘kin si Daddy. "Kyle take care of your sister! H'wag masyadong mabilis magpatakbo ng sasakyan ah!" bilin ni Daddy.

"Yes, Dad!" tugon ni Kuya.

"Ate! Hindi tayo sabay papasok?" napahinto kami ni Kuya Kyle ng marinig namin si Samantha na nagmamadaling bumaba sa hagdan.

"Slow down, honey." lumapit si Mommy kay Samantha. "Hindi ka sasabay sa kanila dahil si Daddy hahatid sayo. Okay?"

Nagpout naman si Samantha, nagtatampo. Lumapit ako sa kaniya at inayos ang suot niyang uniporme.

"Next time. Sabay tayo nila Kuya, kaya ‘wag na sad ah!" nakangiting sabi ko.

Ngumiti rin siya bago tumango. "Promise?" tanong niya sabay abot ng hinliit niya sa akin.

"Promise." nakangiting sabi ko sabay pinakapit ang hinliliit naming dalawa. Magkaiba ang school namin ni Samantha kaya hindi kami sabay pumasok. Nasa elementarya pa kasi siya e.

"O s‘ya, aalis na sila Ate at Kuya. Say bye-bye." saad ni Mommy kay Samantha.

"Bye! Bye! Ate, Kuya!" aniya.

Ngumiti at kumaway nalang ako bago sumakay sa kotse. Sininyasan naman ako ni Kuya Kyle na suotin ang seatbelt ko kaya agad ko ring sinuot ito. Parehas kami ni Kuya na nasa Senior High School na pero magkaiba kami ng room.

Habang nasa byahe ay tumunog ang cellphone ko. Palihim na ngumiti ako ng makita ko ang message ng boyfriend ko sa RPW.

Bakit nga ba ako na padpad sa RPW? Well, dahil iyon kay Tita Clea. Sabi niya kasi dito nagkatuluyan sila Mom and Dad. So, ni-try ko ‘to! Hindi ko naman inaasahan na magiging addict ako dito. Sa RPW nagkaroon ako ng squad na maituturing kong pamilya. Hindi man namin kilala ang isa't isa sa totoong buhay ay masaya kami dahil meron kaming samahan na masasabing kong solid.

Dito ko rin nakilala sa rpw si Trevino. Wala rin akong idea sa kung sino siya sa real life but he make my everyday life wonderful. He treats me like his treasure. Mukhang alam ko na kung anong pakiramdaman ni mommy nung nainlove siya kay daddy sa mundong ito. Kung ano mang nararamdaman niya noon ay kasalukuyang nararamdaman ko na ngayon.

Yes, Trevino became my boyfriend for almost five years. Subrang tagal kung iisipin pero may mga panahon rin na nahihirapan kami dahil nga ldr at rp'ier kami.  Ngunit kahit ganun ay walang sumuko. Hindi ko kilala kung sino si Trevino sa real life. Kahit nagbago na ang pananaw ng ilang rp'ier dito sa rpw ay hindi parin kami sumuway sa ano mang rules. Maliban nalang siguro sa isa. Iyon ay ang mainlove sa rpw.

"Sandy! OMG! Si Trevino ba ‘yan?" napapikit ako sa tili ni Yin. Siya si Yina. bestfriend ko.

"Oo, Nangamusta lang. Pero maga out narin siya dahil may trabaho pa siya." sagot ko.

Umupo siya sa tabi ko. "Buti ka pa may baby sa rpw. Ako nga wala e." nakapout na sabi niya.

"Tss. Okay lang ‘yan, Yin! Sikat na writer ka naman sa rpw e." sabi ko naman.

Umirap naman siya. "Kahit na ib—

"Goodmorning class."

Hindi na natuloy ni Yin ang sasabihin niya ng pumasok na sa loob ng room ang teacher naming gwapo pero ubod ng suplado.

Bumalik na ang lahat sa kani-kaniyang upuan at natahimik na kami ng magsimula na siyang mag discuss ng lesson. Hanggang maya-maya ay may pinabasa na siyang lesson sa kani-kaniya naming libro. Binuklat ko ang libro ko bago nagsimulang magbasa. Habang nagbabasa ay biglang naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko.

Kinuha ko ‘to at binasa kung sino ang nag chat. Napangiti ako ng makitang galing kay Trevino ito.

My Babe♡

"Babe!"
"How are you?"
"I'm in a class rn."

Tumingin muna ako sa paligid kung may makakakita ba sa akin. Ngunit ganun nalang ang pagtigil ko sa pagmamasid na makita ko si Sir Dren na nagce-cellphone. Kagat-kagat niya pa ang daliri habang nakatingin sa cellphone niya. Ngumiti naman ako dahil mukhang busy siya.

ME:

"Babe"
"I'm good."
"May klase kami ngayon."


My babe♡

"Ganun ba. Then goodluck to your class."

ME:

"Yiee! Thank you, I love you."

Matagal bago siya nakareply kaya napatingin muna ako sa harap. Literal na nalaglag ang panga ko na makitang nakangiti si Sir Dren. Ngayon ko lang nakita siyang nakangiti. More on kasi nakasimangot siya. Gwapo siya pero laging nakasimangot! Kaya nakakapagtaka.

"Oyy! Si sir kinikilig!"

"Kachat si Sir ang jowa niya!"

"Yieee sana alll!"

"Sir ang gwapo mo pala kapag nakangiti!"

Nagsimula ng naghiyawan ang mga kaklase ko dahil hindi lang pala ako nakakita na nakangiti siya.

"Stop class, focus on what are you reading. My quiz tayo after that."

Bumagsak naman ang mga balikat namin sa sinabi nya. grabe naman!

"Sir h'wag na! Kwento mo nalang pano kayo nagkakilala nung gf mo!"

"Kaya nga sir, dali na Pleasee"

"PLEASEE!!"

Napangiti ako dahil halos lahat sila ay pinagtritripan si sir. Napailing nalang si sir Dren bago umayos ng upo. Isinandal niya ang dalawang siko sa lamesa bago kami pinagmasdan.

"Kapag na perfect niyo ang quiz, Sasabihin ko." nakangising sabi niya kaya mas lalong nagtilian ang mga babae dahil mas lalo siyang gumwapo sa ngising 'yon. Ngisi palang ni Sir Dren, nakakamatay na.

Gaya ng inaasahan ay mas lalong naging masigla ang lahat sa pagsagot ng quiz, dahil halos lahat sila ay interesado sa girlfriend ni sir Dren.

Ngumisi si Sir ng makita ang mga quiz namin. May tatlong hindi naka perfect sa aming lahat.

"I have a girlfriend in rpw."

Mas lalong naghiyawan ang iba dahil tulad ko ay nag r-rp rin sila. Nagkatinginan kami ni Yin. Binigyan niya ako ng makahulugang tingin.

"Sir, anong name?" tanong ni Yin.

Sir Dren grinned. "Secret." saad niya bago tumayo at kinuha ang gamit niya.

Bago man siya lumabas ay ngumiti muna siya sa amin bago nagsalita uli.

"By the way, Her first name is Sabrina." saad niya bago tuluyang lumabas ng room.

Para akong naging bato sa narinig ko.

Sabrina?

Iyon ang name ko sa RPW.

"OMG! San! Hindi ba Sabrina name mo sa rp!" tili ni Yin ng makalapit sa akin.

Tumingin ako sa kaniya na may gulat na mukha.

"Hindi kaya si sir ‘yong jowa mo sa RPW. Hindi kaya siya si Trevino!"

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Yin.

WTH???

O______O

Boyfriend ko sa RPW ang Teacher kong ubod ng suplado - (RPW SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon