03

2.2K 100 15
                                    

CHAPTER 3

SANDY POV'S







"Good morning, hijo. Pasok ka." masayang bati ni Mommy kay Sir Dren ng makarating kami ng pinto ng bahay.

Kanina ko pa gustong tanungin kung si Sir Dren ba ang tutor ko pero base sa nakikita ko mukhang siya nga. Bakit hindi man lang nila ako in-inform!? gosh!

“Magandang umaga, Mrs. Steinfield.” magalang na bati ni sir Drenico kay Mommy.

Ngumuwi naman si Mommy sa tinawag ni sir sa kaniya. “Too much formal, Tita Iya nalang.” Mommy smiled at him.

“Hindi naman sinabi ni Kyle na ganito ka gwapo ang magiging tutor ni Sandy, na starstruck tuloy ako. Nag-almusal ka na ba?” mabilis na tumango si sir Dren. Nahihiya naman akong tumingin kay Mommy dahil sa sinabi nya.

"Ganun ba? O sya! Sandy, Pumunta na kayo sa study room ni Sir Dren. Hahatidan ko nalang kayo ng merienda mamaya." nakangiting sabi ni Mommy.

Tumango nalang ako bago naunang umakyat sa hagdan. Sumunod naman sa akin si Sir Dren. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagbukas ng topic namin dahil nahihiya ako sa kaniya.

Naalala ko rin ‘yong condition sa akin ni Yin. Nakakainis naman.

"Maayos naman ang grade mo sa Math, bakit kailangan mo pa ng tutor?" panimulang tanong ni Sir ng makaupo kami sa study table. Magkaharapan kami ngayon.

"Ahm, papasok kasi ako sa isa sa mga malalaking college university sa state. Kaya kailangan kong ma-maintain na mataas ang grade ko." paliwanag ko.

Tumango lang siya bago sinimulan ayusin ang mga libro na dala niya. Habang pinagmamasdan ko siya ay biglang nag ring ang cellphone niya. Tiningnan niya lang ito bago pinagpatuloy ang pag aayos.

"Hindi niyo sasagutin Sir?" usisa ko.

"No." supladong sabi niya.

"Baka po importante ‘yong sasabihin." pangungulit ko.

E baka naman kasi importante talaga.

Bumuntong-hininga nalang siya bago kinuha ang cellphone niya at tumungo sa may bintana ng study room para makalayo sa akin.

Habang hinihintay siya ay nag-vibrate ang phone ko. Napakunot ang noo ko ng makitang tumatawag si Yin. Ano nanaman kailangan nito.

"Oh? Bakit?" bungad na sabi ko.

"Kyaahh! Sabi ng kuya mo si Sir Dren ‘yong tutor mo!!" tili ni Yin.

Inilayo ko pa ‘yong cellphone sa tainga ko para ‘di mabingi sa lakas ng tili niya.

"Yina! Tumigil ka nga katitili!" inis na sabi ko.

"Haha! omg! alam mo may chemistry talaga kayo ni Sir. Dali na. Harutin mo na!"

Umiling nalang ako. Hindi ko ba alam kung bakit ko naging kaibigan ang babaeng ‘to.

"Nakabili na ako ng bag, hindi ko ibibigay sayo ang isang binili ko. Sige ka!" pananakot niya.

Napabuntong-hininga nalang ako. "Oo na!" sabi ko pinatay ang tawag.

Pagkatapos kong patayin ang tawag ay bumalik na ako sa upuan ko. Nagulat pa ako dahil kanina pa pala nakaupo na si Sir sa study table. Kanina pa pala n’ya tapos kausapin ‘yong tumawag sa kaniya.

Humingi nalang ako ng sorry bago kami nagsimulang mag klase. Tinuri niya sa akin ang ilang mga Fractions at Simple Annuity. Hindi naman ako masyadong nailang sa kaniya dahil siguro ay guro ko rin naman siya sa school.

Boyfriend ko sa RPW ang Teacher kong ubod ng suplado - (RPW SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon