15

1.8K 98 14
                                    

  CHAPTER 15

—  NINE YEARS LATER —



"Ma'am, Nand‘yan po si Sir Sven." saad ng secretary ko mula sa labas ng pintuan ng office ko. Bumuntong hininga muna ako bago umupo ng maayos. "Papasukin mo." utos ko.

When Sven enter my office I give him an devil fierce. Nakita niya ‘yon kaya mas lalong lumaki ang ngisi na nakaukit sa labi niya bago siya umupo sa upuan na nasa harapan ng desk ko.

"Why are you here?" I asked him.

"Nangangamusta lang, bawal bang bisitahin ang maganda fiancé ko?" tanong niya.

Ngumiwi ako ng marinig ang salitang ‘fiancè

"Hindi ba't hindi pa ako pumapayag sa offer ng parent na‘tin kaya hindi mo ako fiancé, Sven." mataray na sabi ko.

Tumikhim siya bago umayos ng upo. "Bakit nga ba hindi ka pumayag? Simula 1st college sa state tayo na ang magkasama—”

"Dahil ikaw lang ang pinoy na kilala ko noon." pangsingit ko.

"Pero wala ka man lang naramdaman para sa akin?"

"Meron."

Lumiwanag ang mukha niya. "Talaga? Iyon naman pala, gusto mo rin pala ako—

"Pagkayamot ang nararamdaman ko sayo Sven. Kung siguro hindi ka ‘yong nagiisang pinoy ko na kaklase dati hindi kita lalapitan. We have different personalities, kaya siguro hindi ako na attach sayo. Tinuring nalang kitang Kuya  Sven. Iyon lang, Wala ng iba." pagtatama ko.

Ngumuso siya. "Alam mo? Napakataray mo talaga!" inis na sabi niya.

Natigilan naman ako bago tumingin kay Sven. Sa sinabi niyang ‘yon ay may mga alaalang bumalik sa isip ko. Tinupad ko na ang pangako ko sa sarili ko. Ito na, Binago ko na ang sarili ko. Pero lagi akong napapaisip bakit ko nga ba binabago ag sarili ko?

Ngingiti nanaman ako na parang tanga dahil matatawa sa mga nakaraan ko. Oo nga pala, binago ko ang sarili ko dahil sa isang lalaking sumira ng puso ko.

Dahil sa kaniya hindi ko na nagawang magmahal pa uli. Natakot na akong umibig uli. Natakot na akong magtiwala uli.

"May gagawin ka ba mamaya? Birthday ni Scotty. ‘Yong boyfriend ni Wendy nung nasa 2nd Years tayo, natatandaan mo pa?" tanong ni Sven.

Tumango ako bago humikab. Gusto kong matulog. Masyadong mahirap maging CEO sa company ni Lola. Matapos kong makapag graduated ay mabilis na pinasa sa akin ni Lola ang lahat. Gusto daw niyang ako ang susunod sa unang yugtong sinimulan niya.

Babae si Lola kaya ang nais niya ay ako. Hindi si Kuya. Biased masyado si Lola e.

"Hmm. Kilala ko pa." boring na sabi ko.

"May pa-party sa bahay nila. Sama ka? Dali na! Nadoon din mga kaklase na‘tin dati!" aniya pa.

Kumuha ako ng ballpen at nagsimulang mag perma. "Anong oras ba?"

"8pm start, pero magpahuli lang tayo ng unti para pag dating na‘tin madami na." aniya pa.

Kumunot ang noo ko. "Hindi ba’t nasa state ngayon mga kaklase na'tin, ano yon? Pumunta sila dito para lang sa birthday ni Scotty?" mataray na tanong ko bago humalukipkip.

"Yup, License Teacher na si Scotty nakuha yata siya sa isang sikat na college dito sa pilipinas. Hmm, sa pagkakatanda ko ay Holy Trinity College ‘yong pangalan. Dahil licence teacher na siya ipag si-celebrate din nila iyon." paliwanag niya ngunit natigilan ako ng banggitin niya ang HTC na pinagaralan ko dati.

Boyfriend ko sa RPW ang Teacher kong ubod ng suplado - (RPW SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon