05

2.1K 108 9
                                    

CHAPTER 5

SANDY POV'S

KINABUKASAN gumising akong namamaga ang mga mata dahil kulang sa tulog. Hindi ko nagawang matulog ng maayos kagabi dahil sa narinig kong paguusap nila Drenico sa kaniyang telepono na tinawag nya pang 'baby.'

Sino naman kasing hindi mag o-overthink?

Kung may tinatawag s'yang baby, ibig sabihin may girlfriend na siya sa real world?

Napabuntong-hininga naman ako. Wala akong ganang bumangon sa higaan ko. Kanina pa rin sumasagi sa isipan ko ang nangyari kahapon. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na baka ibang tao lang iyon pero 'yong puso ko naman ay walang ibang ginawa kundi ang kumirot kapag iniisip kong may iba siyang girlfriend.

Sabagay, baka pang rpw lang talaga ako.

Tumungo akong banyo at nagsimulang maligo. Matapos maligo ay nagsipilyo na ako. Nasa kalagitnaan ako ng pagsisipilyo ng makarinig ako ng katok mula sa pinto ng kwarto ko.

"Pwashok!" sigaw ko habang nagsisipilyo.

"Sandy? Saan ka?" tanong ni Kyle ng makapasok.

"Sha banyo!" tugon ko bago nagmumog.

"F*ck!" gulat na sigaw ni Kuya ng matagpuan ako sa banyo.

I raised my right eyebrow to him. "What?"

He pointed my eyes. "What happened? Nagpuyat ka ba? You look like a panda," he said.

Umiling naman ako. "Hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi."

He looked at me worried, "Why? is there something bothering you?" he asked worriedly.

When I'm done brushing my teeth I went outside of the bathroom, mabilis namang sumunod sakin si Kyle.

"It's nothing, Kuya. Anyway, may study ba ako today?" tanong ko sa kanya habang tumitingin ng pwede kong isuot ngayong araw.

Umupo si Kyle sa gilid ng kama ko. He glanced to his wrist watch before looked at me. "Wala, bakit? may lakad ka?" he asked.

Mabilis naman akong tumango. "Yup, wanna come?" I asked him.

"Pwede, wala din naman akong gagawin."

"Great! magre-ready lang ako," nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Ako rin, hintayin nalang kita sa sala." saad nya bago lumabas ng silid.

Mabilis lang din akong nag-ayos ng sarili ko. I decided to wear a pink dress above my knees paired it with a white sandals.

After ko makapag ayos ay bumaba na ako sa sala. Nadatnan ko naman si Kuya Kyle na naghihintay sakin sa sofa.

A sweet smile appeared on his lips when he saw me, "Let's go?" he asked. I nodded.

"O? aalis na kayo?" nakangiting tanong ni Mommy.

"Opo!" I answered. Mom kissed my check, "Okay just please take care, okay? Kyle, ikaw na bahala sa kapatid mo. okay?" bilin ni Mommy. Kyle nodded and we went out to our garage, at sumakay na agad ako sa kotse ni kuya.

"So where we going?" he asked when he started the engine. "Mall!" I smiled. He chuckled and nodded. "Alright."

Mabilis din kaming nakarating sa mall. Hindi na ako nagsayang ng oras at namili na ako ng mga gusto kong damit and of course! bags!
Hinding-hindi mawawala sa list ko ang mga bags!

"Umayos ka Sandy a! Don't buy too much." suway ni kuya ng balak ko sanang bumili pa ng isang bag sa Dior. "But kuya!" nakapout kong saad.

Umiling sya. Bagsak ang balikat na nilampasan namin ang bag na gusto ko. Si kuya naman e! para tuloy nagsisi akong sinama ko sya.

Boyfriend ko sa RPW ang Teacher kong ubod ng suplado - (RPW SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon