07

205 7 1
                                    

C H A P T E R 07


SANDY'S POV

“Ready na ba lahat ng dadalhin mo?” natigilan ako ng marinig si Mommy sa pinto ng kwarto ko. Kasalukuyan akong nag aayos ng pink head band na suot ko. Binagay ko ito sa pink floral dress na suot ko.

“You look like a princess, Sweetie.” Lumapit si Mommy at hinalikan ako sa pisngi.

I giggled. “Mom stop, I'm too old na para e baby pa.” pagmamaktol ko.

“Wusus kahit naman tumanda o maging lola ka na baby-hin parin kita.” she said and went to my bed to check my bags. “Ito lang mga dadalhin mo?” She asked.

I nodded. “Yes, Overnight lang naman kami doon at kinabukasan uuwi na.” nakangiting saad ko. Excited na ako!

She nodded. “O siya, Dalhin mo narin ‘to.” Inilagay niya sa tabi ng mga bags ko ang maliit at pink na bag. “Ano laman niyan, Mom?” I asked.

She smiled. “Foods,” she giggled and went outside of my room. Natawa nalang ako. Mommy is so adorable.

Matapos magayos at bumaba na ako sa sala. Natigilan pa ako saglit ng makitang nandoon na si Drenico. Nakaupo sa sofa habang kausap si Daddy. He smiled when he saw me.

“Good morning, Ready ka na?” he asked sweetly. Pinigilan ko namang hindi kiligin dahil pakiramdam ko na we are officially dating.

Kahit nakapolo at pant lang ang suot ni Drenico ay lumilitaw parin talaga ang gwapo niyang mukha at nakakaakit na datingan. Idagdag pa ang pagiistelo ng kaniyang buhok.

Grabe, Laking blessings ni Drenico kung sakin siya ipapakasal ni Lord. Haha!

“Yes.” nakangiting sagot ko.

Tumango siya bago tumayo sa pagkakaupo sa sofa. Nagpaalam na kami kila Mommy at Daddy ganun din kila kuya at Sam bago lumabas ng bahay. Si Drenico na ang nagbuhat ng mga bags ko at nilagay sa back seat ng kotse niya. Tumungo na ako sa passenger seat at hinintay siyang makapasok.

“Mga ilang hours ang byahe?” tanong ko ng makapasok na siya sa driver seat.

He looked at me. “Ganda ng dress mo, bagay sayo. You look stunning.”

I stunned. Did he just complimented me? I look stunning daw! kyaahh!

I smiled. “Thanks.” nahihiya at namumula kong tugon.

“Mga 3 hours lang siguro kung walang traffic.” bahagyang sagot niya sa tanong ko kanina. Tumango nalang ako dahil kanina ko pa pinipigilan ‘yong kilig ko.

He was just about to start the engine when he looked at me. Balak ko pa sana siyang tanungin pero bigla siyang lumapit sa ‘kin. Halos maduling ako sa subrang lapit ng mukha niya.

Teka? Is he going to kiss me? No! I'm not ready.

Palapit ng palapit na ang mukha niya ng balak kong ipikit ang mata ko ng bigla siyang magsalita.  “You forgot to fasten your seatbelt.” aniya ng may mapanuksong ngiti. Napansin niya siguro na balak kong pumikit ng mata.

I looked away from his eyes. Nakakahiya! Bakit ba kasi iniisip kong halikan niya ako e sino ba ako sa kaniya. Grr!

Narinig ko siyang bumungisngis bago pinaandar ang sasakyan. Anong ningingiti mo dyan!

This so embarrassing!

Dahil sa nangyari ay tahimik ako buong byahe. Nagsasalita ako kapag may itinatanong siya. Hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya dahil sa kahihiyan. Ano nalang iisipin niya na nag assume ako na hahalikan niya ako. Ayst!

Boyfriend ko sa RPW ang Teacher kong ubod ng suplado - (RPW SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon