19

1.6K 90 4
                                    

CHAPTER 19

SANDY POV'S

“My wish is you Sandy, I want you back. Be part of my life again,”

Inubos ko ang iniinom kong wine bago tumawa ng sarcastic. Kung isa nanaman ito sa mga palabas at panloloko niya pwes hindi na niya ako mapapaniwala pa. He already have a girlfriend. Tapos gusto niya akong pabalikin sa buhay niya. Kalokohan!

“Let's go.” malamig kong sabi bago naunang maglakad.

“Sandy!” pagtawag ni Drenico pero hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makalabas na ako.

Binalak ko na sanang pumara ng taxi ng may humila sa braso ko.

“Galit ka parin ba? I-I can explain everything. Look, I'm really so—

Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil sinampal ko siya.

“Sa tingin mo mababawi ng sorry mo lahat ng sakit na pinaranas mo sa 'kin no'ng mga araw na kailangan kita? Noong mga araw na mahal na mahal kita?” galit na sigaw ko sa kaniya.

Yumuko naman siya. “Kailangan rin naman kita e.” basag ang boses niya.

Tumawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya. “Saang parte mo 'ko kailangan Dren? Saan? Tingin mo ba after ng nangyari sa atin nine years ago ay ganun nalang kadali para bumalik ako sa buhay mo?” I looked at his eye. Furious.

“Don't act like you still in love with me. You are the only reason why I've been traumatized to fell in love again. Yes. I was to supposed to be married right now and have a happy family but why? Dahil takot akong magmahal muli. You are the first guy I felt in love when I was young but sadly you are the reason too why I don't believe in love again.” Halos pumiyok ang boses ko dahil sa nagbabadyang luha sa mga mata ko.

“I know and I'm so sorry,” aniya. Binalak niyang lumapit sa'kin pero umatras ako.

Tinakpan ko saglit ang bibig ko para pakalmahin ang sarili mo. “Hindi ba't pang RPW lang ako, pang pekeng mundo mo lang ako! So stop this nonsense, You don't need me.” galit na saad ko. Pakiramdam ko masasaktan ko lang uli siya kapag inuna ko ang galit at sama ng loob ko. I don't want to hurt him physically.

“Sandy. . .” pinilit niyang hawakan ang kamay ko pero iniwas ko ito at pumara na ng taxi. Laking pasasalamat ko na may humintong taxi sa harap ko. Hindi na ako napigilan pa ni Drenico sa pagsakay.

Pagalis ng sasakyan sa kinaroroonan ni Drenico ay doon na tuluyang bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Paano mo kadaling hilingin na pabalikin ako sa buhay mo samantalang may nagmamayari na sayo! Paano mo nakakayanang humingi ng tawad sa lahat ng ginawa mong panloloko sa'kin?

Paano Drenico? Paano!

Pagdating sa bahay ni Tita Clea ay tulog na ang lahat. Tahimik na pumasok ako sa silid ko. Sinara ko ang pinto at dumaosdos dito. Hinayaan ko ang sarili kong magpakalunod sa luha ko. Hindi ko inaasahan na matapos ang ilang taon bago ko lang nailabas lahat ng hinanakit ko sa kaniya.

Niyakap ko ang tuhod ko upang pakalmahin ang sarili ko. I suddenly heard my phone rang. Nakita ko naman ang pangalan ni Kyle sa screen. Mabilis kong inayos ang sarili ko bago bumuntong hininga at sinagot ang tawag.

“Hello Kuya?” masayang sambit ko para hindi niya mahalatang umiiyak ako.

“How's my little princess?” masayang bati nito.

“Kuya naman e, Hindi na ako bata. So, stop calling me a princess,” asik ko.

He chuckled. “Oh, dalaga ka na nga pala. Uuwi na ako diyan bukas. May pa-party pang ginawa sila Mommy. Punta ka ah? Dapat ikaw una kong makita,” aniya.

Boyfriend ko sa RPW ang Teacher kong ubod ng suplado - (RPW SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon