02

2.4K 103 2
                                    

CHAPTER 2

SANDY POV'S






"Hoy! Alam mo nanghihinala na ako kay Sir Dren. Hindi kaya siya talaga si Trevino?"

Napakamot ako sa ulo ng marinig ang sinabi niya. Kagigising ko lang dahil sa ring ng phone ko, akala ko may emergency call si Yina dahil ang aga ng pagtawag nya, iyon pala ito lang ang ibubungad niya sa aking chismis? geez!

"Yin naman e, ang kulit mo. Hindi nga siya si Trevino. Hindi ba't sabi ni Trevino ay nag aaral pa daw siya and si Sir Dren naman ay teacher na."  tumayo at tumungong banyo. Inilapag ko ang phone ko sa lababo bago sinimulang magsipilyo.

"Temang! practice teacher palang si sir Drenico, means estudyante palang sya, I guess fourth year? So, hindi pa siya as in License Teacher. Saka limang taon lang ang agwat na'tin kay Sir Dren, no!" madaldal na aniya.

Nagmumog muna ako bago sumagot.

"Temang ka rin! Tigas talaga ng ulo mo! Hindi siya si Trevino. Saka malalaman ko kung siya si Trevino dahil puso ko mismo magsasabi no'n." turan ko.

Narinig ko ang buntong hininga niya. "What ever! Anyway, Balita ko kukuha daw si Tita Kaiya ng personal tutor mo sa math."

Tinapos ko na ang pagsisipilyo bago lumabas ng banyo. I sitted in my queen size bed and breathe out a heavily sighed.

"Yea, hindi naman ako mahina sa Math, pero kailangan ko kasing e 96 plus ang grade ko sa Math. Alam mo naman diba? Nais kong mag college sa isa sa mga university sa state, so kailangan kong itaas pa ang mga grades ko." busangot na saad ko.

"Sabagay, ako nga rin kinukuhaan ni Mama ng tutor sa Science e. Hayaan mo na, para rin sa atin ‘to." aniya.

Tumango ako kahit hindi nya iyon nakikita. "Yea, Pero ang nakakainis lang kasi iyon ‘yong gagastos nanaman sila E, pwede naman akong  magpaturo nalang kay kuya Kyle." reklamo ko.

Yin sarcastically laughed. "Sa Kuya mo? Sus! Magaling pala 'yon sa math?"

Ngumisi ako. "Oo, yiee! Ikaw ah! May something kayo ni Kuya noh!"

"Duhh, Asa ka! By the way, may bagong labas na handbag ang El'v na isa sa mga sikat ng brand ng mga bags. Ang gaganda! Kyah!"

Napatayo ako dahil sa gulat. "Really?"

"Yes! Limited Edition sis. Ubusan pa."

Napakagat ako sa kuko ko. Hindi ako makakabili dahil kinuha ni Mommy ‘yong card ko. Grounded ako e.

"Omenji! Yin! Bilhan mo‘ko, babayaran ko nalang sayo kapag nakuha ko na ‘yong card ko!" pagmamakaawa ko sa kanya.

Narinig ko naman siyang bumingisngis. Mukhang may masamang binabalak ang bruha na ito! Hindi maganda ang kutob ko rito.

"Sige, In one condition!"

Sabi na e!!

I sighed. "Ano ‘yon?"

"Harutin mo si Sir Dren!" saad niya bago tumawa ng nakakaloka.

"Temang ka ba? ha!!" inis na sigaw ko.

Bruha ito! Hrr!

"May boyfriend na ako kaya, no thanks." mataray na sabi ko.

"Okay, no thanks narin sa bag." aniya na siguradong nakangisi na ngayon.

I heavily sighed. Anong pipiliin ko? Damn it! Sayang naman ‘yong bag. P-pero... Omg Trevino! I'm sorry. Gusto ko talaga ng bag e.

Saka wala naman akong gusto kay Sir. Kaya okay lang humarot. Ayst!

Boyfriend ko sa RPW ang Teacher kong ubod ng suplado - (RPW SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon