11

165 6 0
                                    

CHAPTER 11

SANDY POV'S

"Anong nangyayari dito?" napalingon kami sa pinto na makita namin si Kuya Kyle.

Napansin naman niya ang pagiyak ko kaya una siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Mahigpit ko rin siyang niyakap pabalik. Binigyan niya ng nagtatakang tingin si Daddy at Lolo.

"What is happening here? Why my princess is crying?" inis na tanong niya.

"Your grandmother wants to take Sandy to the state as soon as possible." si Lolo ang sumagot.  Ngunit may pang aalinlangan ang kaniyang tingin. Batid kong hindi rin siya pabor sa gusto ni Lola.

"Wait, What? Hindi pa graduated si Sandy, bakit isasama niyo na siya kaagad?" takang tanong ni Kuya.

"Mas magandang maaga palang ako na ang magtuturo sa batang ‘yan. Ikaw naman Kyle, Siguradohin mong makakagraduate ka ng highschool dito dahil ikaw ang magmamana ng kompaniya ng papa mo!" ani Lola.

Umigting ang panga ni Kuya dahil sa inis sa pagiging bossy ni Lola. Bakit ba sya ang nagde-desisyon sa magiging kinabukasan namin?

Hindi nalang nagsalita si Kyle at hinila na niya ako paakyat sa kwarto namin.

"Kuya, ayokong sumama." umiiyak na sabi ko ng makapasok kami sa kwarto ko.

Umupo siya sa kama at hinilot ang sentido niya. He look frustrated.

"Natatandan mo ang sinabi ni Mommy sa atin? Kailangan mo na na'tin maka graduate bago tayo magiging malaya kay Lola. Well, kung iyon lang ang kailangan na'ting gawin ay wala talaga tayong choice. Kailangan mong sumama." aniya.

Umiling ako. Hindi ako sasama. Hindi ko iiwan rito si Drenico! Kung saan ko pa nakilala si Drenico sa personal ay ganito pa ang mangyayari!

"Ayoko!" tutol na sabi ko.

"Bakit naman? Isang taon lang din ang senior high mo rito. Mas maganda kung maaga palang kay Lola ka na. Para mas mabilis ang pag-alis mo sa puder niya. Beside, Pangarap mo rin ito diba? na makapag-aral ka sa state? So bakit ayaw mong sumama ngayon?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Tama naman ang sinabi ni kuya. Pangarap ko ‘to, ngunit masyadong napaaga ang pag-alis ko. Ayoko munang iwanan si Drenico gayong nagsisimula palang ang relasyon namin sa tunay na mundo.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Kyle ang tungkol sa amin ni Drenico.

"H'wag kang mag-alala, kahit magkahiwalay tayo. Hindi kita pababayaan, tawagan mo lang ako kung may problema ka roon, para mabilis kitang mapuntahan." aniya pa.

Baka mas magkakagulo pa kung sasabihin ko kay Kuya ang tungkol sa amin ni Drenico kaya itatago ko muna ito.

Ngumiti nalang ako ng pilit kay Kuya.

Hinalikan ako ni Kuya sa noo. "Everything will gonna be fine. Nandito lang si Kuya, okay?" saad niya. Tumango naman ako.

Bumalik na si Kuya sa kwarto niya at ako naman ay nagmukmok sa kama ko. Ilang minuto ko pa pinag-isipan kung ano ba ang nararapat kong gawin. Hayst! Nakakainis naman kasi si Lola e!

Napaupo ako ng mag vibrate ‘yong cellphone ko. Nakita ko ang message ni Dren.

My Babe♡ :

"Babe, are you okay?"
"Pinagalitan ka pa ba?"
"I'm really sorry. Sana inuwi na kaagad kita."

Bumuntong hininga ako bago tumugon sa chat niya.

ME:

"Nope, ayos lang ako."
"Pasensya na sa inasta ni Lola kanina."

Boyfriend ko sa RPW ang Teacher kong ubod ng suplado - (RPW SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon