14

1.6K 84 6
                                    

CHAPTER 14



SANDY POV'S


“Mabuti naman at pumayag ka na.” nakangising sabi ni lola ng pumasok siya sa kwarto ko.

Katatapos ko lang ayusin ang mga dadalhin kong damit para sa pagalis namin next week. Hindi pa kami maaring umalis gayong may gulong pang inaayos sila Lola. Sila Lola ang nag ayos ng issue na meron ako sa school.

Hindi ko alam kung anong ginawa nila pero wala narin akong paki dahil aalis narin naman na ako sa lugar kung nasaan ‘yong taong kinasusuklaman ko ngayon.

“Masyado ka pang bata apo. Magagawa mo pa ang lahat pagkatapos mong mag-aral.” aniya pa.

Nilingon ko siya dahil hindi ko maintindihan ang nais niyang ipabatid. Ngumiti siya at umupo sa tabi ko.

“Para rin sayo ‘to.” she said.

Ngumiti lang ako dahil wala akong gana. Wala akong lakas para magsalita. Lahat na yata naubos na kagabi dahil sa kaiiyak ko.

Pagod ako.

Gustong-gusto ko ng matapos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Nais kong makalimutan nalang lahat.


ARAW ng huwebes ngayon, Kasalukuyan akong nasa school dahil sinamahan ko si Daddy na ayusin ang transferre form ko. Labag man sa loob ko ang pagsama dahil may ayaw akong taong makita ngayon sa school na ito ay wala parin akong magagawa dahil kailangan kong sumama para makapag pirma narin at makausap ang iilan kong subject teacher ukol sa grado ko.

“Isang teacher nalang ang pupuntahan na‘tin, sasama ka ba o gusto mong maiwan nalang dito?” tanong ni Daddy. Alam ko namang si Drenico ang tinutukoy nya.

I sighed. “Dito nalang muna siguro ako, Dad.” sagot ko. Ayoko makita ang pagmumukha ni Drenico, kapag hindi ako nakapagpigil ay masapal ko lang sya uli.

Tumango si Daddy at pumasok na sa opisina ni Drenico para makuha ang grade ko. Umupo ako sa isang bench malayo sa office nito para mapakalma ang dibdib ko ngayon na kinakabahan.

“Hi, excuse me? Ito ba ang ‘yong office ni sir Drenico?” napalingon ako sa isang babae na nagtanong sa‘kin.

Nagulat nalang ako ng mapagtanto kung sino s’ya. “A, Oo, dyan nga.” tanging sagot ko habang pinagmamasdan ang mukha nya.

Maganda sya, maputi, matangkad at kasing edad ni Drenico. Kung titingnan ay bagay silang dalawa, kaya siguro s‘ya ang napiling girlfriend ni Drenico at ako ’yong pang rpw lang.

She smiled sweetly at me. “Thank you.” saad n‘ya at masayang tumungong office ni Drenico. May dala-dala syang lunchbox, para siguro ‘yon kay Dren.

Bumuntong hininga ako. “Ano nga bang panama ko don, e ito lang ako. maganda! sexy! saka maganda tapos sexy uli, tapos matalino, tapos sexy uli. tapos maganda uli.” wala sa sariling saad ko.

“Baby, are you okay?” halos mapatalon ako sa gulat ng makita si Daddy na nakatayo na sa harap ko, nakakunot ang noo at nagtataka kung bakit kinakausap ko ang sarili ko.

Natataeng ngumiti ako. “Hehe, nandyan ka na pala, Dad. Tapos ka na?” tumayo ako at kumapit sa braso ni daddy.

He nodded. “Yes, Matataas lahat ng grade mo. You really did a great job, Baby.” He proudly said.

I flipped my hair, “Sus, ako pa? ako na ‘to,” mayabang kong sabi.

Dad chuckled to what I said. Nagtaka naman ako ng makitang lumingon s‘ya sa likodan namin. Tumingin din ako kung saan sya nakatingin. Napagtanto ko na tinitingnan nya ngayon ang girlfriend ni Drenico na kasalukuyang pinapasok ni Dren sa office nya. Good thing hindi na lumabas si Drenico sa office nya.

Boyfriend ko sa RPW ang Teacher kong ubod ng suplado - (RPW SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon