Iba talaga ang nagagawa ng social media. Halos lahat pwede mo nang malaman at makita sa internet. Emosyon. Activity. Experience. Travel. Bloopers. Movies. Food. Lahat available. Kahit yung bagong labas sa jueteng pwede mong makita. Isang tweet lang o kaya isang FB status lang, alam mo na agad.
Doon unang nakita ni Mike si Gabby. Picture lang. Nagpost ng picture yung kaibigan ni Mike with matching caption, “Relaxing with my friend Gabby” sa IG tapos naka-share sa FB. Nang makita ni Mike si Gabby kahit picture pa lang, di na siya nakatiis. Nagcomment agad. Mas makati pa sa buni at alipunga ang kakatihan niyang magcomment sa photo.
MIKE: Sis, sino yang kasama mo sa picture? Friend mo?
FRIEND: At baket??? Ganda noh? Lol
MIKE: Baka gusto mo akong ipakilala. Para ka na ring nagkawanggawa sakin.
FRIEND: Ay nako, Mike. Hanggang pangarap ka na lang. Isama mo na lang siya sa panaginip mo.
MIKE: Kung sa panaginip ko lang siya makikita, pwede bang matulog na lang ako forever? Lol
FRIEND: Hahaha!!! Baduy! Lol
MIKE: Lol
Yun ang una sa maraming banat ni Mike matapos makita si Gabby sa picture. Reaction ni Gabby matapos mabasa ang mga comments? Wala. NR. No reaction. Little did they know that their paths will cross in the future…
BINABASA MO ANG
TINAMAAN NG LINTEK
RomanceKahit gaano ka katapang, kapag tinamaan ka, wala kang laban. Ganyan ang nangyari kay Mike nang tinamaan siya ng lintek ni Gabby. Ano kaya ang nangyari matapos silang magkita?