Madalas, kahit ano pang klaseng atensyon o emosyon ang ipakita mo sa ibang tao, may sukli itong reaksyon. Sabi nga nila, “For every action, there is a corresponding reaction.” Gumawa ka ng mabuti o masama sa kapwa mo, may kaakibat na reply yan. Kung iisipin mo nga, kahit yung walang reaksyon, reaksyon pa rin yun. Yung kawalan ng reaksyon ang reaksyon niya. Ang gulo ba? Magulo naman talaga minsan ang buhay ng tao. Parang Facebook relationship status lang yan. It’s complicated.
Sa english class, may isang branch or topic ng klase ang napakahirap at napakakumplikado. Spelling. Spelling ang pinakamahirap na topic sa english class. Kahit sa filipino class, spelling din ang pinakamahirap. At anong salita ang napakahirap i-spell sa klase? Girl. Babae. Napakahirap i-spell niyan. May mga pagkakataon na hindi mo alam kung saan ka lulugar. Di mo alam kung natuwa ba sayo o nainis o nagtampo o naasar o napasaya mo o nagtatae lang. May mga lalake rin namang mahirap “ispelengin,” may mga moody rin kasi eh. Ang nakakatawa lang dun, paano kapag nagsama ang dalawang personalidad na parehong mahirap ispelengin? Baka kahit “red” or “pig” or “dog” di nila mai-spell.
Si Mike ang isa sa kilala kong hindi naman fan ng Alaska pero napakaalaskador. Ang hilig mangasar. Kapag nagkaroon ng pagkakataon at nakahanap ng butas, mangaasar yan. Nadaig pa nga ako. Kumbaga sa Naruto, genin pa lang ako sa pangaasar. Si Mike, Hokage na.
Ito namang si Gabby, patola. Mahilig pumatol. Kapag inaasar siya ni Mike, pumapalag talaga siya. Kahit naman kanino, kapag may gumagalit sa kanya, talagang lumalaban siya. Nakikipagasaran din. Pero madalas, namumukod-tanging kay Mike lang siya todo-todong naaasar. Siguro dahil talaga namang nakakaasar si Mike kapag nangasar. Mukha pa lang niya kapag nangaasar, nakakaasar na. Kahit nga si Mike naaasar sa sarili niya. Pag gumigising siya sa umaga, at nakita niya ang mukha niya, naaasar na siya. Noong lumabas siya sa sinapupunan ng nanay niya, at nakita ng nanay niya ang mukha niya, naasar na agad ang nanay niya at nasabi…
Nanay: Nine months tapos ito lang??? (with matching asar face)
Sabi ko nga sa inyo, parang aso at pusa itong dalawang ito kapag nagasaran. Daig pa sina Naruto at Sasuke kapag nagbanggaan. Pero itong si Mike, sa ganoong mga eksena nila ng asaran, lalong nahuhulog ang loob niya kay Gabby. Kulang na lang madapa pa.
Gabby: Nakakainis ka na pa nga.
Mike: Bakit na naman?
Gabby: Lagi na lang ako ang inaasar mo.
Mike: Malamang. Ikaw ang lagi kong kasama. So wala akong ibang aasarin. Alangan namang asarin ko ang taong di ko naman kasama.
Gabby: Bakit di mo na lang asarin ang kapatid mo?
Mike: Only child ako.
Gabby: Kaibigan mo?
Mike: Wala akong friends. Sa Facebook lang.
Gabby: Parents mo?
Mike: Patay na sila.
Gabby: Ay. Sorry.
Mike: Bakit? Pinatay mo ba sila?
Gabby: Ano? Hindi noh! Ano ka ba!?
Mike: Bakit ka nagsosorry?
Gabby: Siyempre. Di ko naman alam na patay na sila.
Mike: Now you know… (biglang nag-ring ang phone) Teka lang. Excuse me. Sagutin ko lang ito. (sinagot ang phone..) Hello? Daddy? O bakit? Wala sakin. Binigay ko kay utol. Sige. Mamaya na lang. Bye. (baba ng phone)
Gabby: (nagulat na naasar) Akala ko ba only child ka?
Mike: Nagampon kami. Now lang.
Gabby: (napipikon na…) Daddy mo kausap mo sa phone? Akala ko ba patay na parents mo?
Mike: Overseas call. Collect call galing langit. Connected ni San Pedro.
Gabby: (bwisit na) Aaarggghhh!!! Nakakaasar ka talaga!!! Wala kang kwentang kausap!
Mike: Joke lang. Ito naman. Di na mabiro.
Napakaraming moments nina Mike at Gabby na nagaasaran sila. Madalas si Gabby ang napipikon. Pero hindi naman nasira ang friendship nila. Ang madalas na reaction paper ni Gabby kay Mike ay pare-pareho lang…
Gabby: Wala kang kwentang kausap!
Pero nakikipagusap pa rin siya kay Mike. Nagkukuwentuhan pa rin sila. Labo noh? Malabo naman talaga minsan ang buhay. Hindi malinaw kung saan patutungo. Bilin ko nga lagi kay Mike, “The vagueness of life, its uncertainty, its precariousness, its lack of assurance, makes it all worth living for. You’ll never know what you’ll get until you finally open the package.” Kung gusto mo ng adventure, ang kawalang kasiguraduhan ng buhay ang pinakamasarap na adventure. You live for today. You don’t expect for tomorrow. Because tomorrow may or may not come. So live life’s love. That’s the greatest adventure of all.
Ang realization ni Mike ang nagbukas ng panibagong ikatataranta niya sa buhay at ikababahag ng buntot niya…
BINABASA MO ANG
TINAMAAN NG LINTEK
RomanceKahit gaano ka katapang, kapag tinamaan ka, wala kang laban. Ganyan ang nangyari kay Mike nang tinamaan siya ng lintek ni Gabby. Ano kaya ang nangyari matapos silang magkita?